35

852 30 4
                                    

Naalimpungatan ako dahil naririnig ko ang boses ni Chichi dahan dahan akong napaupo at napahawak sa noo ko. Medyo inaantok pa ako mabuti nalang sabado ngayon isang subject at mamaya kakanta ulit ako. Napainat ako at napatingin kay Chichi sa higaan niya. Nanlaki ang mga mata ko, agad akong bumangon at dahan dahan siyang binuhat.

"Chichi?" pagtawag ko sa kanya pero napapapikit pikit siya, napasinghap naman ako sa gulat dahil sa balat niya. Hindi na tulad ng dati. Dahan dahan ko siyang binuhat at pinahiga sa kama ko. Inabot ko ang cellphone ko at agad na tinawagan si Edge. pero alam kong tulog pa siya.

"Chichi...w...wa..g...kkkkaa..nng..pik..it" naiiyak kong sabi at natataranta na ako. Huminga ako ng malalim at tinawagan si Rex. Pero baka tulog pa din ito. Wala sa kanilang sumasagot sa mga tawag ko.  Kinuha ko naman ang kaunting natitira sa allowance ko.

"Chichi." napailing iling ako. Binuhat ko siya at agad akong lumabas dala lang ang cellphone ko at pera.

"Manong!" sigaw ko, hindi ko na nga alam paano ko nasabi yung ng diretcho. Napalingon naman agad si Manong guard sakin

"Si..Chichi"

"Anong nangyari sayo iha?" agad niyang tanong. Hindi na ako makahinga ng maayos, pumipikit na talaga si Chichi at nararamdaman ko ding humihina ang hininga niya

"di...di...k.ko..al.llam." hindi ko alam ang gagawin ko ano ba kasing nangyayari kay Chichi? .

"Lea?" napalingon naman agad ako sa tumawag sa pangalan ko si Elise. Naalala ko naman ang sinabi ni Edge. Yung Hospital.

"Whats happening? why are you crying?" tanong niya sabay tingin kay chichi.

"He looks sick," sabi niya. Babae po si chichi

"Naku iha ilayo mo yan sakin. baka makahawa pa ang baboy na yan" sabi naman ni Manong

"Dalhin natin yan sa Hospital" napatingin naman ako kay Elise. Kahit ayoko pero sobrang lutang na ako, napatango tango nalang ako agad.  Sumunod naman ako sa kanya agad at may tinawagan siya. Huminto kami sa isang gate palabas na malapit dito sa dorm

"Lets just wait for our driver to come. Nasabihan ko na si daddy" huminga ako ng malalim at napatingin kay Chichi.

"Chichi.."tawag ko sa kanya. Ayoko..ayoko siyang mawala.  Hindi na ako mapakali. Matagal pa ba?. Sinusubukan ko namang kumalma. Minsan hindi ko na nga alam kung ano ng mga nakita ang mga sinasabi ko

"Calm down Ley.." napatingin ako kay Elise. paano ako kakalma? si Chichi na toh. Mahal ko toh. Ilang minuto ang lumipas ay may malaking sasakyan na kulay itim ang dumating pinagbuksan ito ng mga guard ng gate.

"The driver is here. halika na Lea." tawag sakin ni Elise sumunod naman ako sa kanya agad papasok sa sasakyan.

"Whats his name?"

"Ch..chichi" sagot ko naman, napangiti naman siya bigla at tumango tango.

"May nakain ba siya?" umilong iling lang ako. Hindi ko kasi alam anong nangyayari sa kanya.

"Sa Rowans Veterinary Hospital tayo." sabi niya sa driver

"Yan kasi ang alam ko na malapit dito" nakangiti niyang sabi. Kahit saang hospital basta matutulungan si Chichi. Hindi ko nga alam kung may panbayad ba ako para don. Basta ayokong mawala si Chichi.

Pagkahinto namin sa isang maliit na building ay agad kaming lumabas at pumasok doon. Inalalayan ako ni Elise papunta sa loob. Tapos may mga umalalay namang mga parang nurse kay Chichi

"antayin niyo lang po si Doc. dito." sabi ng nurse na hinarangan akong sumunod kay Chichi.

"Maupo muna tayo Lea. Dont worry.. Chichi will be fine." napatango tango ako at umupo sa tabi niya. 

Angel's VoiceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon