Chapter 32

1.7K 56 3
                                    

CHAPTER 32 - Choose

Ang hirap pala maging kolehiyo. Nakaka-stress! Heto't gumagawa na naman ako ng report ko para sa Anatomy subject namin bukas. Ewan ko ba kung bakit medical course ang kinuha ko, eh alam naman nating lahat na ang bobo ko.

Habang inaayos ko ang slide show presentation ko ay biglang nag-ring ang cellphone ko na agad ko namang inabot para sagutin.

"Hello?" inipit ko ang cellphone ko gamit ang tenga at balikat ko para madiretso ang inaayos ko sa laptop ko.

(Hi honey, sweetie, baby, pizza, buko pie!)

Natawa nalang ako sa mga sinabi niya. Siya rin, natawa sa kabilang linya.

"Buko pie talaga?" natatawa pa rin ako.

(Sorry, yun ang naisip ko. So, kumusta? Busy?)

"Medyo. Malapit na rin naman akong matapos dito sa report ko."

(I'll go there.)

"Wala ka nang klase?" sinulyapan ko yung wall clock ko at nakita kong 4:30 PM palang. Ang alam ko'y may 5-6 PM pang klase si Gian ngayon.

(Wala na eh. May sakit daw yung professor namin. Naka-leave.)

"I see."

(I'll hang up na, okay? See you later.)

"Okay. Mag-ingat ka sa pagda-drive."

Nang maputol ang linya ay inilapag ko ulit ang cellphone ko sa mesa at nagpatuloy sa ginagawa ko. Gusto kong tapusin na ito agad para makapag-focus naman ako kay Gian. Miss na miss ko na yung lalaking yun. Syempre, katulad ko, busy rin siya. Minsan nga hindi na kami nakakapag-kita sa isang araw dahil sa sobrang dami niyang ginagawa. Naiintindihan ko naman yun dahil alam kong gusto niyang ma-maintain ang mataas niyang grades at ang magandang tingin sa kanya ng mga tao sa school nila. Well, ako naman, nag-aaral rin naman akong mabuti. Syempre, ayokong maging sakit sa ulo ni Gian katulad noong high school kami.

Kakatapos palang ng preliminary examinations. Hindi pa namin nakakalahit ang first semester pero masasabi kong marami nang kaibigan si Gian sa school nila. Ako naman, kuntento nalang sa sarili ko. Ayoko na rin kasing maging close sa kahit na sino. Kaya ko namang mag-isa, kaya wala akong kabarkada doon.

Napatalon ako nang marinig ko ang tunog ng door bell. Nandyan ni si Gian! Agad akong tumakbo papunta sa main door at sinalubong ng yakap ang boyfriend ko.

"Missed me?" bulong niya sa tenga ko.

"Sobra."

Nang kumalas ako sa yakap ay ipinakita niya ang dala-dala niyang malaking kahon ng pizza. Agad naman na nagliwanag ang mukha ko. Umupo kaming dalawa sa sala at agad na nilantakan ang dala niyang pagkain.

Todo nguya ako habang inaabot ang remote control ng TV. Napansin ko namang hindi pa ginagalaw ni Gian ang pizza kaya nilingon ko siya, kaso nakatitig lang ang lolo niyo sa akin.

"Bakit?" Tanong kong punong-puno ang bibig.

"I miss you."

Mabilis kong nilunok ang laman ng bibig ko saka ko siya niyakap. "I miss you, too."

"Nakakatawa kasi wala naman tayo sa long distance relationship, pero ganun yung nararamdaman ko."

Tumawa ako saka ako kumalas sa yakap. Nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Yung mga araw na hindi tayo nakakapagkita dahil sobrang dami kong requirements na ginagawa, sa phone lang tayo nagkakausap, naiinis ako eh. Naiinis ako kasi feeling ko hindi na kita nabibigyan ng time. Sorry, Janelle."

"Gian naman." (Sigh) "Naiintindihan ko naman yun eh. Wag mong isipin na hindi mo na ako nabibigyan ng time. Ayan nga oh, nandito ka ngayon sa harapan ko." Kinuha ko yung isang pizza at isinubo kay Gian.

"Sobrang swerte ko talaga sa iyo. Very understanding." Hinila niya ulit ako at binalot ng kanyang mga braso. Isinandal ko ang ulo ko sa dibdib niya at hindi ko na namalayang nakatulog na ako.

Nang magising ako ay madilim na. Tiningnan ko ang relo, 7:00 na! Wala na rin si Gian sa tabi ko. Umalis na siya? Bigla akong nakaramdam ng lungkot. Iniwan niya ako? Sandali pa akong naupo sa sofa saka ako tumayo para ligpitin ang box ng pizza. Nagulat ako nang mapansin kong nakabukas ang ilaw sa kwarto ko.

Agad akong pumasok doon pagkatapos ayusin ang kusina at laking gulat ko nang makita ko si Gian na sobrang busy sa harap ng laptop ko.

"Akala ko, umalis ka na."

Tiningnan niya ako at nginitian.

"Ikaw? Iiwan ko? Pwede ba yun?" Sabi niya nang nakafocus sa screen ng laptop. Tinabihan ko siya at nakita kong tinatapos niya ang report ko. In fact, nasa pang-huling slide na siya. Yung slide na nagsasabi ng 'thank you'.

"Tinapos mo?" Tanong ko.

"Yup, dahil may pupuntahan tayo. Buti gumising ka na."

"Ha? Saan?"

"You know Erika? Yung ka-block ko? She invited me on her birthday, which is today. Actually, she invited the whole block."

"And?" Erika? Wait. Iyon yung kaklase niyang sobrang arte, conyo. Oh.

"Syempre, kasama ko ang girlfriend ko." Tumayo si Gian at lumapit sa kama ko. Sinundan ko siya ng tingin at nanlaki ang mga mata ko sa mga bagong damit na nakaladlad roon.

"Will you please choose what you like? Tingin ko kasi bagay sa iyo lahat yan so binili ko lahat."

Nilapitan ko siya. "Seriously, Gian?"

"Seriously."

---

"Gian, dapat hindi mo na ako isinama." Sabi ko nang ihinto ni Gian ang kotse niya sa tapat ng isang kilalang bar dito sa Manila. Tinitingnan ko palang ang mga taong pumapasok ay nanliliit na ako. Naalala ko rin iyong unang beses na isinama ako ni Gian sa bar at nandoon sina Monique. Napahiya lang ako. Hindi naman kasi maaalis sa katauhan ko na mahirap lang talaga ako. Gold digger nga tingin sa akin ng iba eh. Edi wow!

"Gusto ko na rin kasing ipakilala ka sa kanila. Hindi yung puro hanggang picture nalang ako kapag ikwinekwento kita sa kanila." Sagot niya, yumuko lang ako. Ano kayang iniisip ng mga kaibigan ni Gian sa akin? Malamang, alam nila ang kwento namin ni Gian. All over the news nga kami dati, diba? Sana hindi sila judgmental.

Bumaba na siya ng kotse nang makapagpark kami at saka siya umikot at pinagbuksan ako. Dala niya sa isang kamay ang regalo namin para kay Erika. Talagang kasama ang pangalan ko sa regalong iyon, ni hindi ko pa naman namimeet ng personal iyong Erika, o kahit sino mang kaibigan ni Gian.

"Baby?" Iniangat niya ang mukha ko para matingnan niya ako sa mata.

"Tinotopak na naman ako ng insecurity at mababang self confidence. Sorry, Gian. Ganto na talaga ako-"

"It's okay. Buburahin ko yang insecurity na nararamdaman mo. I've been working on that at alam kong hindi ganun kadali yun. Pero Janelle, you really shouldn't feel that way. You know why?"

"Why?"

"Because I love you so much."

Ngumiti ako. Hinawakan niya ang kamay ko at pumasok na kami sa loob ng bar.

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon