Chapter 30

1.9K 56 6
                                    

CHAPTER 30 - Drooling

Excited akong sumakay sa kotse. Ngayon ang punta namin ng buong barkada (Pag sinabing buong barkada, buo talaga) sa Boracay. Ito yung regalo sa akin nina Mom Mina noong birthday ko eh, remember?

Inaayos ko ang mga baon kong plastic sa bulsa ko nang tumabi sa akin si Gian.

"Ano yan?" tanong niya sa akin sabay turo sa bulsa ko.

"Plastic ng SM." sagot ko.

"Bakit may dala kang ganyan?" tanong ulit niya.

Hinarap ko naman siya. Naka plain black v neck shirt lang siya tapos maong na shorts at naka-sneakers. Mga porma nitong boyfriend ko oh!

"First time ko kasing sasakay sa eroplano. Baka masuka ako." nakangiting sagot ko sa kanya. Bigla naman siyang tumawa at umiling-iling pa.

"Ang cute mo talaga." sabi niya saka siya nag-iwas ng tingin. Umayos ako ng upo at nagsimula nang umandar ang kotse papuntang airport.

Sobrang dami naman kaya sobrang ingay din. Naging close na rin sina Queenie kina Ren. Panay nga rin ang asaran nila, kasama rin si Troy. Sina Lenny naman ay nakabuntot lang sa amin ni Gian. Feeling ko kung tatahimik kaming grupo ay tatahimik din ang buong airport. Bibig palang nina Jane at Jade, taob na taob na ang speakers dito sa airport. Dumeretso nalang kami sa private plane na pagmamay-ari ng mga Ayala. Hindi namin kailangang pumila pa.

Agad akong umupo sa tabi ng bintana pagkapasok sa eroplano. Medyo nanlalamig na rin ang mga kamay ko. Wala naman akong fear of heights pero kapag iniisip ko na aakyat kami sa ere ay kinakabahan ako. Paano nalang kung mag-crash itong eroplano at sa dagat kami mahulog. HINDI AKO MARUNONG LUMANGOY!

"Are you okay?" naramdaman ko ang pag-upo ni Gian sa tabi ko. "We'll take off in like... 10 minutes."

"Ha? Aalis n-na tayo? Okay na ba lahat?"

Tumango si Gian at hinawakan ang kamay ko.

"Hindi mo man sabihin pero alam kong natatakot ka. Relax lang, baby, okay? Don't worry kasi nandito ako."

Kinagat ko ang labi ko para hindi ako mapangiti ng pagkalapad-lapad. Itong boyfriend ko kasi, hindi naman pizza pero sobrang cheesy!

Nag-take off ang eroplano at lalong humigpit ang hawak ni Gian sa kamay ko. Naka-stand by na rin ang plastic ng SM sa isang kamay ko. Akala ko masusuka ako pero hindi naman pala. Parang nakasakay lang ako sa kotse. Normal lang.

Nakahinga ako nang maluwag dahil smooth naman ang andar ng eroplano. Nang dumungaw ako sa may bintana ay nalaglag ang panga ko sa taas ng kinalalagyan namin. Parang mga langgam nalang iyong mga bahay. Tapos kitang-kita ang mga clouds.

"See? I told you not to worry." hinila niya ako kaya sumandal ako sa dibdib niya then I felt him kiss my hair.

Ilang oras lang at lumapag na rin ang private plane. May sumundo sa aming mga bangka para madala kami sa Boracay Island. Panay ang selfie namin nina Queenie. Pati nga iyong mga bangkero ay nasama sa groufie namin laking pasasalamat sa dala nilang monopod.

Halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ko ang rest house na sinasabi nina Mom Mina. Isa itong malaking dalawang palapag na bahay sa loob ng Ayala Resort Hotel. Bakit hindi ko naisip na may resort sila dito? Malamang meron talaga! Bobols naman, Janelle! Kahit saang lupalop ng Pilipinas ay may lupain sila! Dito ba naman sa Boracay, wala?

Pinasok namin iyon at sobrang gara ng mga gamit sa loob. Para akong naglalakad sa clouds. Hindi pa rin ako sanay sa yaman ng mga Ayala. Parang lumulutang ako lagi. Parang pakiramdam ko, hindi ako nababay kay Gian. Mayaman, matalino, gwapo. E ako? Hayyy. Heto na naman po ako sa mga insecurities ko.

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon