Chapter 11

1.9K 67 5
                                    

CHAPTER 11 – 80

Natapos ang araw na iyon nang hindi kami nag-uusap ni Gian. Hindi naman na talaga kami nagpapansinan pero iba ngayon. Alam ko kasi na may galit siya sa akin dahil akala niya ako ang nagsumbong sa parents niya ng tungkol sa pag-propose niya kay Monique gayong hindi naman talaga ako. Alam niyo yan.

Seryoso naman ako noong sinabi kong handa akong tulungan siya kay Monique. Seryoso rin ako nang sabihin kong hindi ako magpapakasal sa kanya at aalis na ako sa mansyon. Naisip ko nga rin, ngayong wala sina Ma’am Mina at Sir Greg ang tamang panahon para umalis ng mansyon.

“Diba napag-usapan na natin ito, Janelle?” naiiritang tanong ni Queenie.

“Sige naman na, Queenie. Kahit ilang araw lang. Hanggang sa makahanap ako ng marerentahan.” Pagmamakaawa ko.

“Ano ka ba naman! Maganda na ang buhay mo sa mga Ayala! Bakit pupunta ka pa sa sitwasyong mahihirapan ka?” sagot niya.

Hindi ako nakasagot at yumuko nalang. Kung may iba pa kasi sana akong mapupuntahan. Alam ko naman na pwedeng-pwede ako kina Quennie, pero ayaw niya lang akong patuluyin sa kanila dahil nasasayangan siya sa “maginhawang” buhay ko sa mga Ayala.

“Ano na naman bang problema bakit gusto mo na namang umalis?” hinawakan niya ako sa magkabilang balikat.

“Si Gian kasi.” Sagot ko. “Alam mo naman na hindi kami magkakasundo ng taong yun kahit kailan, diba?”

“Edi wag mong kausapin.”

“Parang ganun naman kadali yun!” sagot ko.

“Yun lang ba talaga ang prinoproblema mo?”

“E-eh kasi...” huminga ako ng malalim. “Plano nilang ipakasal ako kay Gian.” Bulong ko.

Napasinghap si Queenie at nanlaki ang mga mata niya. Pero bago pa man siya sumigaw at mag-eskandalo doon ay natakpan ko na ang bibig niya.

“Ikakasal kayo ni Gian?!” bulong nito.

“Oo. Kaya kailangan kong umalis. Hindi kami pwedeng ikasal!”

Laglag lang ang panga niya habang ako ay alalang-alala doon. Hindi ko na kasi talaga alam ang gagawin. Alam kong pag lalo pa akong nagtagal sa mga Ayala, mas mahihirapan akong umalis.

“Mabuti nalang at wala na sina Jade at Jane dito ngayon. Mabuti sa akin mo lang sinabi ito, Janelle!”

“Alam ko.”

“Naku, kung nandito ang dalawang yun, siguradong kalat na bukas sa buong campus ang tungkol sa  iyo!”

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon