Chapter 24

2.1K 65 9
                                    

CHAPTER 24 – Sleep Well

Habang nakasakay ako sa kotse ni Gian ay walang kamatayang kasiyahan ang nararamdaman ko. Sa bintana nalang ako humarap para hindi niya makita ang ngiti sa mukha ko. Imagine! Si Gian Ayala, ang lalaking ubod ng yaman, ubod ng talino, ubod ng gwapo at ubod din ng sama ng ugali ay narito’t kasama ko sa kotse. Ililibre pa ako ng dinner!

Marunong naman palang mag-sorry ang taong ito eh. Halos hindi pa niya masabi kanina. Nakakatuwa lang na nagkita’t nagkausap na kami sa school kanina, hindi pa niya nasabi. Siguro binabagabag siya ng konsensya niya kaya biglang pumunta sa Vieda.

“Anong gusto mo?” tanong niya sa akin habang pareho kaming nakatingin sa menu ng Jollibee na naka-display doon.

“Hmm...” sabi ko habang nag-iisip kung ano nga ang kakainin ko. “Yung 2 pcs. Chicken nalang.”

Tumaas ang kilay niya sabay hakbang dahil kami na ang susunod sa pila. “Yun lang?”

“Ah... yung drinks ko Coke float! Tapos gusto ko rin ng extra large Fries tapos Peach Mango Pie!” sumulyap ako sa kanya at nakita kong naka-nguso siya – mukhang nagpipigil ng tawa. “Tsaka Sundae!”

Tumango lang siya at bumaling sa cashier. “Narinig mo ba lahat ng sinabi niya?”

Ngumiti naman ang babae at saka nagpipindot ng kung ano-ano doon sa screen ng kanilang computer. “Coke Float, extra large Fries, Peach Mango Pie and Sundae, sir?” sabi niya. Aba, namemorize yung sinabi ko. Teka, parang may kulang...

“Paki-gawang tatlo yung Coke Float tapos padagdag ng tatlong 2 pcs. Chicken.” Sabi niya sabay labas ng wallet.

Inulit pa ng babae ang order namin at nakaramdam ako ng hiya doon dahil lahat ng iyon ay order ko, bukod doon sa dalawang 2 pcs. Chicken na mukhang para sa kanila ni Troy.

“Dine in po ba?” tanong ulit ng babae.

“Take out!” sagot ko.

“594 pesos po lahat.”

Ngumuso ulit ang walang hiyang kasama ko habang nakatitig sa menu. “Are you sure, yun lang ang order mo?”

Tumango-tango naman ako. Aba, baka gusto niyang bilhin lahat ng pagkain dito. LANG daw eh! “Dalian mo na kasi gutom na ako!”

Ibinigay ni Gian ang malutong na isang libo sa cashier at nang babaryahan na iyon ng cashier ay sinabi niya ang tatlong salitang mayayaman lang ang nakakapagsabi. “Keep the change.” Dahan-dahang tumango ang babae saka niya mabilis na inasikaso ang mga orders namin.

Bitbit ni Gian ang mga pagkain habang nasa akin ang drinks at iyong fries. Pinapak namin iyong fries habang nagdadrive siya pabalik sa condo. Para akong tangang nakangisi habang pumapasok sa lobby. Oo na kasi, masaya ako. Bakit ba? Kung titingnan kami ngayon ni Gian ay para kaming mag-boyfriend na nag-take out ng lalamunin namin.

Masaya kong pinindot ang 11 nang makapasok kami sa elevator. Siguro, mas masaya kung sabay-sabay kaming kakain doon nalang sa unit ni Troy.

“Nailibre ka lang sa Jollibee, sobrang saya mo na.” sabi ni Gian habang sumasara ang elevator. Kaming dalawa lang ang sakay nito.

“Oo naman! Bihira lang ako makatikim ng libre noh!” sabi ko naman habang nakatitig lang sa repleksyon ko sa salamin na dingding ng elevator.

“Bakit, hindi ba puro libre ang pagkain na kinakain mo sa mansyon noon? Tss.” sabi niya.

I glared at him. Naks, Ingles yun! Paano naman kasi, may point siya. Naiinis ako dahil tama siya. Hindi nalang ako nagsalita at sumimangot nalang ako doon. Kikiligin na sana ako dahil kasama ko siya pero hindi pa rin talaga mawawala ang kasungitan at pagiging harsh sa akin ng kumag na ito.

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon