Chapter 31

1.8K 57 4
                                    

CHAPTER 31 - Worried

"Ano ito?!" gulantang na sigaw na ni Janelle habang nakadungaw sa iPad niya.

"Ano yan?" tanong ko naman. Agad niyang ipinakita ang iPad niya sa akin. Nagbabasa na naman siya ng Wattpad na iyan. Imbes na nilalambing niya ako dito, basa siya nang basa diyan sa kung ano mang binabasa niyang istorya sa Wattpad.

"Bakit Epilogue na agad ito? Agad-agad?" Windang na sabi niya sa akin.

"Anong alam ko dyan?" sabi ko saka ako sumisimsim sa iniinom na alak. Kaming dalawa nalang ang nandito sa labas, madaling araw na at mukhang tulog na ang lahat. Napagod sa pamimili ng mga pasalubong ang girls habang lasing naman yong mga lalaki.

Nagkibit-balikat siya at agad na tumayo. Palakad-lakad siya sa harapan ko habang kung ano-anong pinipindot sa iPad niya. Kung ano-ano rin ang ibinubulong niya doon. Nakakabaliw ba talaga ang Wattpad na yan?

Tinitigan ko lang siya doon habang iritado siya dahil mukhang last chapter na ng inaabangan niyang istorya. Ang cute ng nakabunsangot niyang mukha. Ang sarap sarap niya laging halikan. Napalunok nalang ako sa inisiip ko.

Madalas isip bata itong babaeng ito. Complete opposite siya ng babaeng pinapangarap kong makasama sa buhay ko pero tingnan mo nga naman, mukha siya nga ang makakasama ko habambuhay. And I don't mind ending up with her. Ever since I realized that I love her, wala na akong ibang pinangarap kundi ang makasama siya araw-araw hanggang sa huli.

Nang hindi ko napigilan ay mabilis akong tumayo at inagaw ang iPad sa kanya.

"Uy Gian, ano ba-"

Hindi na niya natapos ang pagrereklamo niya dahil niyakap ko siya. Huling gabi na namin ngayon dito sa Boracay. Uuwi na kami bukas ng umaga. Ang bilis ng isang linggo. Gustuhin ko man saang mag-extend ng bakasyong ito, hindi na pwede.

Kailangan ko nang ma-settle ang mga requirements ko sa university na papasukan ko para sa college. I am taking up Business Administration and Accountancy. Hindi ito ang orihinal na plano. Pero kailangan kong gawin ito dahil ako rin naman ang susunod na mamamahala sa kumpanya namin. Dapat maging seryoso ako sa bagay na ito dahil hindi biro ang pamamahala sa isang kumpanyang sobrang taas na ang kinalalagyan. Hindi pwedeng kapag ako na ang nakaupo ay bigla nalang iyong bumagsak.

"May problema ba?" tanong ni Janelle. Yakap-yakap ko pa rin siya. Umiling ako at kumalas.

"Meron ata eh." sabi niya at niyakap ulit ako. "Sabihin mo na."

Huminga ako ng malalim. "I'm just... worried."

"Worried?"

"Nakakatakot kasi."

"I don't get it, G."

Hindi ko maiwasang mag-isip ng kung ano-ano. Kagabi lang ay may nasuntok akong lalaki dahil pinipilit si Janelle na makipag-sayaw. Ang dami-daming tumitingin sa kanya. Ang dami-daming nagkakagusto. Gusto kong bakuran na siya bago pa man magsimula ang klase sa June pero ayoko namang tanggalan siya ng freedom. Hindi naman yun pwede. Alam ko ang pakiramdam ng walang kalayaan, ayokong maramdaman niya yun. Baka masakal pa siya at iwana ko. Okay lang naman sa akin na makipaghalubilo siya sa ibang mga tao. Friendly na tao si Janelle at siguradong magkakaroon siya ng maraming kaibigan sa college.

Magkakaroon siya ng maraming kaibigan, kahit lalaki. Nakakainis lang dahil iniisip ko palang ay namamatay na ako sa selos. Iniisip ko na may nakakasama siyang ibang mga kaibigang lalaki sa lunch o hindi kaya may nakaka-close siyang iba, gusto ko na siyang ibulsa.

Pero hindi iyon pwede.

"What if... May manligaw sa iyong ibang lalaki sa col-"

Bigla naman siyang tumawa. "Seriously, Gian? Yan na naman ang iniisip mo?"

Bumagsak ang mga balikat ko. "I can't help it."

"Hindi ba dapat ako ang nababaliw ngayon kakaisip ng mga bagay na ganyan? Sa ating dalawa, mas may karapatan akong magkaganyan. Sa papasukan mong school, siguradong maraming mayamang babae doon. Mas maganda kesa sa akin, mas mabait at syempre mas matalino! Yung mga sexy at diretso ang English. Yung ipinanganak talagang mayaman. Yung mas bagay sa iyo..."

Hindi ako nakaimik.

"Pero hindi ko nalang masyadong iniisip kasi alam kong mahal mo ako at nagtitiwala ako sa iyo." sabi niya. "Wala ka bang tiwala sa akin?"

"I trust you, Janelle. Hindi mo lang talaga maalis sa akin ang mag-alala."

Tumango siya at saka ngumiti lang sa harap ko.

"Ang cute mo talaga kapag nagiging possessive ka, Gian." sabi niya saka niya ako hinalikan.

Whoa, there! Ipinulupot niya ang mga braso niya sa leeg ko. Napahawak nalang din ako sa bewang niya. Nang tumigil kami pareho ay halos hindi na kami makahinga.

"I love you, okay?"

"I love you, more."

*

"If you're so worried, bakit hindi mo na pakasalan?" sabi ni Dad habang nagsasalin ng wine sa baso. Nandito kami ngayon sa office niya, with Troy. Kagagaling lang namin ni Janelle sa university kanina para mag-enroll. Sinamahan niya lang ako. Bukas ay siya naman ang mag-eenroll.

"We're too young for that. Paano kung ayaw niya?"

"Edi kahit engagement lang!" suggestion ni Troy.

"Troy is right. Kailangan mo lang naman ng pinanghahawakan di ba? Assurance na kayong dalawa hanggang sa huli?" sabi ni Dad.

I really hate myself for feeling this way. Ayokong gawing big deal ito pero I'm feeling really creeped out. Never pa akong nakaramdam ng insecurities sa buhay ko. Ngayon palang! Kay Janelle!

Umiling ako. "Wag nalang."

"HA?!" reaction ni Troy.

"Napaparanoid lang ako. Janelle trusts me. I should trust her too. I trust her, yes. I should just keep the faith na hindi niya ako ipagpapalit."

Humalakhak si Daddy. "Gian Ayala sounds so threathened na maagawan ng girlfriend."

"Wala pa nga diba? You sound really paranoid. Hindi mo bagay mainsecure, Kuya. Tsaka ano naman kung may ibang pumorma kay Janelle?" sabi naman ni Troy. "Hahayaan mo na maagaw siya sa yo? And do you think magpapaagaw naman si Janelle? Where did your balls go?"

Nagtawanan naman sila ni Daddy.

"Siguro hindi lang ako sanay na magkaroon ng kakumpetensya o kaagaw sa mga bagay-bagay." sabi ko.

"Nasanay ka na nasayo lahat ng kailangan mo." dagdag ni Dad.

"Well, Kuya Gian, you should learn na hindi lahat ng bagay na gusto mo ay nasa iyo agad-agad. You have to fight for it sometimes and we're here as your back up."

"I don't need back ups. I can manage."

Tumayo ako at lumabas ng office ni Dad. I need to loosen up. Nasaan na ba si Janelle?

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon