Chapter 15

1.9K 64 8
                                    

CHAPTER 15 – Dahil sa Pera

Gian’s POV

“Okay... Aalis ako. At hinding-hindi na ulit magpapakita sa iyo.” Mahinang sabi ni Janelle saka niya pinutol ang linya. Napahilot ako sa gitna ng mga mata ko. Bakit ba kasi naging ganito pa kagulo ang lahat. Kung pumayag na kasi sana agad si Monique na magpakasal sa akin noong unang nag-propose ako sa kanya...

Siguradong hindi pa alam nina Daddy na wala na si Janelle dito. Hindi ko pa rin maiwasang kabahan sa kung anong magiging reaksyon nila kapag nalaman nila na umalis siya at si Monique ay papakasalan ko. Never pa nilang na-meet si Monique pero sana naman matanggap nila siya dahil mahal ko siya. Sa kanya na nga lang ako humuhugot ng lakas para manatili dito sa mansyon. Dahil kung hindi, matagal na akong umalis sa impyernong ito.

“Young Master, narito na sina Sir Gregory at Madam Mina.” Sabi ng aking butler. “Sabay-sabay po kayong kakain ng tanghalian.”

Hindi ako kumibo.

“Naghihintay na po sila sa dining room.”

Tumayo ako inayos ang kwelyo ng suot kong damit saka ako lumabas ng kwarto. Saktong paglabas ko at napatingin ako sa pintuan ng kwarto ni Janelle. Umalis nga kaya talaga siya? Saan naman kaya siya nagpunta? Hindi ko dapat siya isipin. Bahala na siya sa buhay niya. Malaki naman na siya.

“Gian!” naka-ngiting bati ni Mommy sa akin. Lumapit siya sa akin at sinalubong ko naman ang yakap niya. “I missed you, son.” Sabi niya.

Ngumiti lang ako sa kanya saka naman ako tumingin kay Daddy na nakaupo na at nakamasid naman sa akin.

“Nasaan si Janelle?” tanong agad ni Daddy sa akin. Napalunok ako. Umupo muna ako saka ko siya sinagot.

“Umalis na siya.” Nawala ang ngiti sa mukha ni Mommy habang lalo namang naging galit ang ekspresyon ni Daddy.

“What are you talking about?” mariing tanong ni Dad.

“She left. That’s it.” Diretsong sagot ko sa kanya. Agad na ipinatawag ni Daddy sina Lenny at ang ibang mga maids na naka-assign kay Janelle. Ni hindi pa kami nakakain dahil inuuna ni Dad itong bagay na ito. Ganun ba talaga ka-importante ang Janelle na yun?

Hindi makasagot sina Lenny at panay lang ang tingin nila sa akin.

“Bakit ba hindi kayo sumagot?!” biglang sigaw ni Daddy.

“Hindi po kasi namin alam kung anong nangyari. Basta po...” tumingin si Lenny sa akin. “Umalis siya.”

“Sabi niya, hindi siya sanay sa buhay dito sa mansyon.” I paused. “Walang makakatagal sa klase ng buhay dito. Ako lang.”

“Ano? I don’t understand!” sabi ni Dad habang si Mommy ay pinapanood lang kami at halatang hindi mag-sink in sa utak niya na wala nga talaga si Janelle dito.

“Umalis na siya Dad. Ayaw niya dito. Hindi niyo ba maintindihan yun?”

Hindi na siya sumagot pero matalim ang mga titig niya sa akin. Pilit niyang binabasa ang mga mata ko. Pero kilala ko ang Daddy ko, hindi siya basta-basta maniniwala.

“I’ll hire people to look for Janelle. She can’t just leave like this! Saan siya pupunta?” sabi ni Daddy pagkatapos naming kumain. Marami akong nakain habang sila ay halos hindi nagalaw ang mga pagkain sa mga plato nila.

“Kumain na kaya siya? Is she okay? May dala ba siyang mga damit? Bakit siya umalis?” diretso ang tingin ni Mommy sa akin pero nang wala akong naisagot ay pumikit siya, naiiyak na ata. “We have to find her, Gregory.”

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon