Chapter 16

2K 60 12
                                    

CHAPTER 16 – Father and Son

Sinabi ni Daddy ang lahat-lahat sa akin. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko sa lahat ng nalaman ko.

“Kilala ko ang mga magulang ni Monique.” Lumabas kami sa garden para mag-usap. Tulog na si Mommy ngayon at iniwan namin siya sa common room. “Sina Tess at Roger. We we’re best of friends noong college kasama ang Mommy mo. We went to college together, we finished college together. At dyan na, after college yan na yung tunay na buhay.”

I was listening intently kasi ngayon lang magkwekwento sa Daddy ng ganito sa akin.

“Nagpakasal agad sina Tess at Roger. Mayaman rin kasi iyong si Roger. Habang kami ng Mommy mo, we started putting up a business. You see, nagrebelde din ako noon katulad mo.” Dad laughed. “Alam mo kung gaano kayaman ang mga Ayala. Kahit na ang Daddy ko ay may kumpanya na, sinikap kong magtayo ng sarili ko ring kumpanya. Naiinis kasi ako sa Daddy ko, sa lolo mo. He is a control freak.”

“Wow, Dad? Parang hindi ka ganun?” singit ko.

“Kaya nga eh. Patapusin mo muna ang kwento, pwede?”

I laughed. Di ko alam, sensitive dapat itong pinaguusapan namin pero nagagawa naming tumawa. Maybe this is what I was looking for from my parents... Yung makakausap.

“Okay, let me continue.” Sabi ni Dad. “I wanted your lolo to see na kaya kong tumayo sa sarili kong paa. Your mom and I had lots of hard times before. Hindi naging successful ang unang try namin. Habang sina Tess at Roger, they were both enjoying life. Iniwan nila kami ng Mommy mo. They travelled around the world, nilustay nila ang kayamanan ng mga magulang nila. They wanted us to do the same. Gusto nilang sumama kami sa kanila. Roger even asked me to get money from my Dad para may magamit kami. Doon na kami nag-away-away.”

Huminga ng malalim si Daddy.

“Then time came when your Lolo got sick. Wala akong choice but to take over Ayala’s company. Wala akong ibang kapatid. Walang ibang may kakayahang magmana ng kumpanya. It was only me. Medyo nahirapan rin ako noong umpisa pero your Lolo was there to guide me. He’s getting old already pero nagawa pa niyang ituro lahat ng dapat kong matutunan. Everything went well. Nagpakasal kami ng Mommy mo.”

“Then isang araw sabay na itinakbo sa ospital ang Lolo at Mommy mo. Your mom gave birth to you, habang ang Lolo mo... Sadly, he was so sick and he’s getting so much weaker. And right after seeing you, pagkatapos ka niyang kargahin, pagkatapos ka niyang tawaging ‘Gian’, nagpahinga na siya...”

Ang dami kong hindi alam sa buhay ko. Why did I let this happen?

“We moved on. Lalo kong pinalago ang kumpanya. Pero isang araw pumunta sa opisina ko sina Roget at Tess. They looked different. They looked... poor. Tess was crying habang karga niya ang isang baby girl. They begged for help at dahil mga kaibigan ko naman sila ay tinanggap ko sila. I gave Roger a position in the company. Tess stayed at home with your Mom and the baby girl... who happens to be Monique.”

Laglag ang panga ko sa bawat impormasyong pumapasok sa utak ko. Unti-unti ko nang naiintindihan ang lahat.

“Akala ko, okay kami. Pero isang araw na naman, Roger came into my office at nagulat ako dahil nakatutok ang barili niya sa akin. He asked me to transfer the company to his name.” umiiling na sabi ni Daddy.

“He’s crazy.” Sabi ko.

“Yeah. Hindi ko alam na nagda-drugs pala ang Roger na yun. Nagtutulak rin siya ng droga. Nang mahuli, ayun nag-hirap sila. Kaya nga lumapit sila sa akin noon. Sana nga hindi ko nalang binigyan ng posisyon.” Tapos tumawa si Dad. “Ayun, to make the story shorter, namatay si Roger. Binaril siya ng isang body guard at nang malaman iyon ni Tess ay hindi niya matanggap. Binantaan niya kami na gaganti sila balang araw. Hinayaan namin siyang umalis, dala ang baby girl niya.”

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon