Chapter 3

2.5K 105 13
                                    

CHAPTER 3 – Cry

Gian’s POV

Pagkatapos kong tingnan si Nanay Elle ay bumalik ako sa kwarto ni Mommy. Natutulog pa rin siya, ako naman ay nakaupo lang sa sofa at nanonood ng balita habang kumakain. Hindi pa nga kasi ako nakakapag-dinner dahil dumeretso agad ako dito sa ospital galing sa school.

“Young Master, nahanap na po namin siya.” Sabi ni Officer James.

“Nasaan siya?” Tumayo ako. “Gusto ko siyang makita.”

Tumango si Officer James at naglakad palabas ng kwarto, sinundan ko naman siya. Paglabas ko ay agad akong sinalubong ng mga bodyguards at sinamahan na naman nila ako hanggang sa marating namin ang kwartong pinuntahan ko kanina, yung kwarto kung nasaan si Nanay Elle.

Medyo malayo palang ako ay naririnig ko na ang malakas na iyak ng isang babae.

“Hindi pa man nasasabi ang nangyari kay Mrs. Dimaguiba ay humagulgol na siya...” sabi ni Officer James. Napapikit ako dahil parang pamilyar ang tono at timbre ng boses ng babaeng umiiyak. Nakumpirma ang mga hinala ko pagkabukas ng pinto at nakita ko roon ang isang babaeng gulo-gulo ang uniporme pati ang buhok niya. Walang humpay ang pag-iyak, na parang anytime ay magpapass out siya.

***

Janelle’s POV

Excited akong umuwi. Hindi ko na rin masyadong iniisip ang nangyari kanina sa rooftop. Alam kong mababadtrip at madidismaya lang ako kung patuloy ko pang iisipin yun, lalo lang akong mai-stress. Mas okay kung kalimutan ko nalang diba? Makakalimutan rin siguro ni Ayala yun.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong naglinis. Ngayon ang dating nila Mama galing Tacloban. Isinama kasi siya ni Ma’am Mina Ayala sa pamimigay ng relief goods sa mga nasalanta ng bagyong Yolanda doon.

Oo, nagtratrabaho si Mama sa mga Ayala. Best friends nga sila ni Ma’am Mina eh. Kaya naman isa ako sa mga scholars ng Ayala Foundation. Akalain niyo yun? Scholar pala ako, kahit na ganito ang utak ko at dakilang rule breaker sa school. Hehehe.

Si Mama rin ang tagapag-alaga ni Gian. Oo, yung pesteng mahal na presidente namin sa school, si Gian Ayala. In short, yaya ni Gian si Mama. Nakaka-selos nga minsan yung tukmol na yun dahil lagi nalang si Mama sa kanila, samantalang ako, iiwan lang ni Mama sa kapitbahay. Bawal kasi akong dalhin doon. Psh.

Bakit ako iniiwan sa kapitbahay? Wala kasi si Papa. Wala na. Hindi ‘wala na’ na patay na, wala na kasi wala na. Iniwan ata kami? Ewan, hindi ko alam kung saan nagpunta. Basta, lumaki akong walang ama. Ayaw naman pag-usapan ni Mama ang tungkol kay Papa.

Hindi pa ako nagbihis. Naka-uniporme pa ako habang nagwawalis-walis. Excited akong makita si Mama dahil isusumbong ko sa kanya si Gian. At isa pa, siguradong may pasalubong na naman ako. Lagi kasi siyang kasama ni Ma’am Mina kahit saan siya pumunta. Kanang kamay na nga siya ni Ma’am Mina eh. Kaya naman, kahit saan sila pumunta ay siguradong may pasalubong ako pag-uwi nila.

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon