Chapter 29

1.8K 55 1
                                    

CHAPTER 29 - Thank You

"Wag kang magulo, Miss Janelle! Hindi pa maayos ang buhok mo!" tarantang sigaw ni Hershey sa akin habang inaayusan ako ni Van, iyong make up artisit ni Mom Mina. Maga-alas otso na pero nandito pa rin ako sa mansyon ng mga Ayala. Kung bakit ba kasi ako napuyat kagabi eh! Si Gian kasi ang daming pakulo eh.

"Si Gian?" tanong ko kay Hershey.

"Nauna na ata. Alam mo naman, dapat maaga yun dun. Valedictorian ang boyfriend mo!"

Napangiti nalang ako sa salamin habang tinatapos ni Van ang buhok ko. Tama ang nabasa ninyo, boyfriend ko na si Gian. Sinagot ko siya sa panliligaw niya eksaktong alas dose ng January 1, new year. Sama-sama kaming nanonood ng fireworks display nun. Busy ang lahat sa pagsisindi ng mga lusis habang ako naman ay nakatayo sa may terrace at nakatingala sa langit.

"Tapos na ang 2014... Sana maging maganda ang 2015." sabi ni Gian. Naramdaman kong niyakap niya ako mula sa likod. Kinilig ako, pero syempre, cool lang.

"Siguradong magiging maganda yun, noh." sabi ko habang nakatingala pa rin sa nagliliwanag na kalangitan.

"Gragraduate na tayo sa March and then... college na. Aren't you scared?" bulong niya sa tenga ko. Nararamdaman ko  rin na inaamoy-amoy niya ang buhok ko.

Umiling ako. "Bakit ako matatakot eh kasama naman kita?"

"Pero magkaiba tayo ng school. Paano kung may magkagusto sa iyo sa college, tapos magustuhan mo rin siya? Tapos-"

"Hindi yun mangyayari kasi mahal na mahal kita." dire-diretso kong sabi pero nakatingin pa rin sa kalangitan. Naramdaman kong bumilis ang paghinga ni Gian at hindi na siya mapakali sa likuran ko. Kinalas na rin niya ang pagkakayakap sa akin.

"A-anong sabi mo, Janelle?" Hindi makapaniwalang tanong niya.

Ngumiti ako at nilingon siya. Tinitigan ko siya at kitang-kita ko ang saya sa mukha niya. Naliliwanagan rin ang gwapong mukha niya ng fireworks sa taas.

"Ang sabi ko, Gian, hindi mangyayari yung sinasabi mong magkakagusto ako sa iba pag college na tayo."

Tumango siya, naghihintay sa idudugtong ko.

"Kasi mahal na mahal kita."

Lalong lumaki ang ngiti niya at agad niya akong niyakap ko.

"Ibig sabihin ba... Hala. Ang ganda ng bungad ng 2015! Hindi ko alam kung anong gagawin ko, Janelle!" rinig ko ang sobrang saya sa bawat sabihin niya. Mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin.

"Oo." sabi ko. "Tayo na."

"Oh my God!" sabi niya at hinarap ako ulit. Nagulat ako nang makita kong basa ang mga mata niya. Umiiyak siya? "Tears of so much joy and love lang to." sabi niya habang itinuturo ang mga mata niya.

"I'm in love you, Janelle. I love you so much."

***

Alas nwebe na kami nakarating sa gym ng school. Saktong nagi-speech si Gian pagpasok ko. Agad na nagtama ang mga mata namin. Umupo naman ako agad sa designated seat para sa akin.

"I don't want to make this speech long and awkward. I just really want to thank each person who has been with me all this time. Well, to our God above, He's never left my side. I've been blaming him all my life because I was miserable but then, He was so good. He was so good to turn the tables around and make me see what I've been missing."

Tahimik ang lahat. All eyes sa Valedictorian slash school council president sa may stage.

"My parents, Mom and Dad, thank you for eveything. You know how much I love you and how grateful I am to have you as my parents. My teachers, mentors, lahat ng officials sa school na ito na itunuro sa akin lahat ng dapat kong malaman, thank you po. I won't be in this podium right now, delivering my speech without you all."

Lumingon naman siya sa dako ng mga kaibigan niya.

"My insane friends..." bigla namang nahiyawan sina Ren. Napangisi nalang ako. "Mga bad influence kayo pero salamat sa pagkakaibigan. No, it's not just a simple friendship. It's more of a brotherhood. Salamat, mga pre."

Bigla kong naalala si Mama. She might not be here physically pero alam kong pinapanood niya ako mula sa langit. Alam kong masaya siya para sa akin. I miss her, yes. Pero alam kong hindi naman ako pababayaan ng Diyos. Everything's going to be fine.

"Gusto ko ring pasalamatan ang isang babaeng wala dito ngayon pero alam kong lagi niya kaming binabantayan. Si Nanay Elle." napako ang tingin ni Gian sa akin. "Wherever you are right now, Nanay Elle, thank you. Thank you for coming into our lives. Thank you dahil kung wala ka, wala rin yung babaeng pinakamamahal ko."

Sabay-sabay na lumingon ang mga tao sa akin. Instant naman na namula ko, for sure.

"Hoy! Janelle! Wag ka ngang masyadong kinikilig diyan." lalong uminit ang pisngi ko at nagtawanan naman ang mga tao. "But seriously, thank you. Thank you for not giving up on me."

Nginitian ko siya at tumango ako.

Natapos ang graduation ceremony. Todo picture kami nina Quennie kahit medyo nag-iiyakan pa dahil maghihiwa-hiwalay na kami sa college. Kaliwa't-kanan rin ang nagpapa-picture kay Gian, hindi tuloy ako makalapit sa kanya.

"Thank you, Janelle ha! Goodluck sa college!" sabi ng isang kaklase ko pagkatapos magpapicture.

"Thank you rin! Pa-tag sa Facebook ha! God bless."

Ngumiti siya at umalis na. Halos mapatalon ako nang may bumulong sa akin.

"Miss, pwede bang magpapicture rin?"

Yung tibok palang ng puso ko sa presensya niya ay alam na alam ko na kung sino siya. Agad ko siyang nilingon at nakita ko ang sandamakmak na medal na nakasabit sa leeg niya.

"Hindi ba mabigat?" turo ko sa mga medals.

Kinuha niya ang ilan at saka isinuot sa akin. May medal din naman ako, loyalty award. Hahaha!

"Dahil syempre, you've been a big part of this success..." sabi niya habang inaayos ang buhok kong nagulo dahil sa pagsuot niyang ilang medals sa akin.

Nagpapicture kaming dalawa. Meron din iyong kasama sina Mom Mina at Tito Greg. Pati sina Troy at mga kaibigan namin. Nang matapos ulit ang picture taking ay nauna na sina Mom sa kotse.

"Sumunod na kayo sa labas, ha." sabi ni Mom bago sila lumabas ng gym.

"Sige po."

Nilingon ko si Gian at nakita kong may kausap siya. Nakatalikod iyong babae sa akin. Hubog palang ng katawang at tindig, alam ko na kung sino yun.

Tumingin sa akin si Gian at nagulat ako nang lumingon ang babae sa akin. Naka-ngiti ito. Lumapit naman ako sa kanya.

"Janelle..." sabi niya at hinawakan niya ang mga kamay ko. "Congratulations."

Sinulyapan ko si Gian na nakangiti lang rin sa akin.

"Thank you."

Humarap ulit siya kay Gian. Hinila naman ako ni Gian sa tabi niya.

"I will be going abroad. Doon na ako mag-aaral ng college." sabi ni Monique.

"That's good!" sabi ni Gian.

"I'm so happy to see the two of you together. Again, Gian, sorry sa lahat. I have changed."

"I can see that." sagot ni Gian.

"Mag-ingat kayong dalawa ha. I have to go. Dumaan lang ako to see you both."

"Mag-ingat ka rin, Monique."

Tumango ito at tinalikuran na kami. Nang tuluyang makaalis si Monique ay bigla kong naramdaman na nakatitig si Gian sa akin.

"So... Let's go? Kakain daw tayo sa labas ngayon. Naghihintay na sila Mommy sa labas."

Tumango ako. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming lumabas ng gym.

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon