Chapter 12

2K 63 6
                                    

CHAPTER 12 – Hindi Ko Alam

Gian’s POV

“Masaya ka na niyan? 80?” tanong ko kay Janelle na sobrang tuwa at ngising-ngisi sa harapan ko dahil naka-80 siya sa exam nila sa Math. Kung ako yan, madidisappoint pa ako. Mababa pa ang 80 para sa standards ko.

“Pumasa ako! Yun ang ikinasasaya ko!” sagot niya habang sinusundan ako sa paglalakad. Ang mga tao sa paligid ay pinagtitinginan na naman kaming dalawa. Kahit pilit na itago ng mga estudyante dahil ako ang school council president, alam ko namang laman rin ako at si Janelle ng mga usapin nila. Alam naman ng lahat ang nangyari kay Nanay Elle. Alam ng lahat kung bakit nasa puder namin si Janelle.

“Ang galing mo palang tutor, Gian! Effective ka! Sobrang maraming salamat talaga. Hindi ko ineexpect na posible pa rin pala akong makapasa sa Math. Ang saya-saya ko, grabe.” Halata nga na sobrang saya niya. Halos magtatalon na nga yan sa sobrang tuwa niya eh. Ewan pero iniisip ko siyang parang tangang nagtatatalon dito sa hallway ay natatawa ako.

Napa-ngiti tuloy ako bigla.

Nawala lang ang ngiti ko nang mapansin ko siyang tumigil sa pagsunod sa akin.

“Oh? Ano na naman?”

Umiling lang siya saka ngumisi at sumunod ulit sa akin. Minsan talaga, parang may pagka-kulang-kulang ang babaeng ito. Hinding-hindi mo papangarapin ang mapakasal sa isang tulad niya.

Pag-uwi namin sa mansyon ay agad akong nakatanggap ng text mula kay Kevin kaya agad ko siyang tinawagan.

“Kevin? Hello?”

“Gian, Music Downtown, tonight?”

“Bakit?”

“Wala lang... Tapos naman na ang exams eh! I heard, Tito and Tita aren’t there?”

Napatawa ako sa sinabi niya. “Kahit kelan talaga, ang lakas ng radar mo. Fine.”

“Bring Janelle. Gusto siyang makilala ng barkada.” Gustong makilala ng barkada? Ibig sabihin nandoon rin si Monique?

“Huwag na!” sagot ko.

“Sige na naman. Gusto rin naman naming maka-bonding ang future wife mo, Gian. Lahat kami aasahan ang pagdating niya kasama ka.”

“Hindi pwe-“

“No more excuses, Gian. Music Downtown ha. Bring Janelle. Bye.” At agad niyang pinutol ang linya. Shit talaga ang trip ng mga kaibigan ko minsan. Bakit naman kaya nila gustong makilala si Janelle...

***

Janelle’s POV

Nakadapa ako sa kama habang nagbabasa ng latest issue ng Candy Magazine nang biglang pumasok sa kwarto ko si Gian. Aba! Hindi man lang kumatok. Bastos talaga ang isang ito tapos kung makapagsabi naman siya sa akin noon ng ‘pakialamera’ dahil na-open ko nang hindi sinasadya ang secret room niya.

“Magbihis ka. May pupuntahan tayo.” Malamig na sabi nito.

“Saan?”

“Music Downtown. Nagyaya ang mga kaibigan ko.”

“Pero gabi na?”

“Ignorante talaga! May bar bang bukas sa umaga? Syempre, gabi!”

“Bar? Magbabar tayo?! Hindi ba magagalit sina Mom niyan?”

“Magagalit. Pero wala silang magagawa, wala naman sila dito. Pwede ba, tama na ang satsat, magbihis ka na. Sana naman, magmukha kang tao kahit na ngayon lang.” huling sinabi niya bago siya lumabas ng kwarto ko.

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon