Chapter 26

1.8K 53 3
                                    

CHAPTER 26 - Di Makatulog sa Gabi sa Kaiisip

Hindi ko naman kasi talaga gusto ng bonggang debut celebration. Unang-una, gastos lang yun. Pangalawa, gastos lang yun. Pangatlo, nasabi ko na bang gastos lang yun? Sapat na sa akin na magsalo-salo kasama ang mga taong mahalaga sa akin. Unang-una na diyan, syempre si Mama. Kaso, wala na siya eh. Pero kahit ganun, alam kong masaya si Mama na nakikita akong masaya ngayon kasama syempre sina Mom Mina, Tito Greg, si Gian at syempre ang mga kaibigan ko.

Pagkatapos naming kumain ay isa-isa na nilang inilabas ang mga regalo nila para sa akin. Hindi ko naman inexpect na meron pa palang ganito. May extension pa pala ang birthday surprise lalo na nang magsayaw sina Tito Greg, Troy at Gian!

Nakasuot lang naman sila ng maskara ng tatlo sa limang miyembro ng One Direction. May mga dance moves silang hindi ko alam kung saan nila napulot habang sinasabayan na rin nila ng kanta yung What Makes You Beautiful. Hindi rin masyadong luma ang napili nilang kanta, noh?

"Baby you light my world like nobody else..."

Nasa bandang bridge na ang kanta at lumapit si Gian sa akin, nakalagay ang isang kamay sa likuran niya. Nakatayo lang ako at hinihintay ang susunod na gagawin niya, todo video naman sina Queenie sa gilid ko. Mabilis ang tibok ng puso ko at hindi ko alam kung ano ang gagawin.

Halata bang kinikilig na ako?!

"The way that you flip your hair gets me overwhelmed..."

Inilabas niya mula sa likuran niya ang isang rosas. Hindi ko makita ang mukha niya dahil natatakpan yun ng mukha ni Liam. Pagkakuha ko sa rosas ay naghiyawan ang mga tao sa paligid at bumalik naman sa gitna si Gian.

Todo tawa nalang ako sa mga dance moves nila dahil pare-pareho silang hindi marunong. Pero na-appreciate ko talaga yung effort nilang gawin yun. Imagine! Si Tito Greg, napasayaw nila! Pati na si Gian! Si Troy, kayang-kaya naman yun pero grabe. Hindi ko inakala na nag-prepare talaga sila para ma-surprise ako.

Ang finale ng birthday party ko ay ang pagbigay nina Mom Mina ng regalo nila sa akin.

"I am so glad to see that big smile on your face, Janelle." sabi ni Mom. "You're a very strong girl. I know you miss your mom so much right now at hindi biro ang mawalan ng ina sa edad mong yan. I am so proud of you, hindi lahat ng kabataan ngayon katulad mo. Always remember na nandito lang kami nina Greg at Gian for you. Happy birthday, Janelle!"

"Thank you po, Mom! Thank you po sa lahat!" naluluha kong sabi habang niyayakap siya.

"Don't cry..." sabi naman niya habang pinupunasan ang mga luha ako. "Daddy..." tawag naman ni Mom kay Tito Greg. Lumapit si Tito Greg sa amin.

"Wag kang umiyak, Janelle. Hindi pa tapos ang party." sabi ni TIto. "We bought plane tickets for you. Boracay. Isama mo lahat ng kaibigan mo."

Nanlaki ang mga mata ko sabay tingin kina Queenie na may malalaking ngiti rin dahil sa narinig na sinabi ni Tito Greg.

"Totoo po?!" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Yes. Pero syempre, hindi pa ngayon dahil may pasok pa. Probably on your summer vacation." sagot ni Tito Greg.

Napayakap nalang ako sa kanya sa sobrang tuwa ko. Sobrang-sobrang blessing yung natatanggap ko, hindi ko alam kung karapat-dapat pa ako sa lahat ng ito.

***

Natutuwa akong makita na masaya si Janelle. Sobrang saya niya nung sinabi nila Dad na may regalo sila sa kanyang trip to Boracay. Napapangiti nalang ako kapag naaalala ko yung ginawa kong pagsayaw kanina. Nawala lahat ng hiya ko sa katawan mapasaya lang si Janelle sa birthday niya.

Matinding sakit yung idinulot ko sa kanya noon. Naiinis ako sa sarili ko kapag naaalala ko na napaka-walang hiya ko dahil sinaktan ko siya. Ang laki kong gago para paiyakin ang isang anghel na katulad niya. Kung hindi siya dumating sa buhay ko, baka hanggang ngayon niloloko pa rin ako ni Monique.

"Hi..."

Napatingin ako sa taong tumabi sa akin. Nandito ako ngayon sa may garden. Gabing-gabi na pero gising na gising pa rin ako. May pajama party sina Janelle kaya nagulat akong nandito siya sa tabi ko.

"Oh, bakit ka nandito? Hindi ka pa ba inaantok?"

Umiling siya.

"Yung mga kaibigan mo?"

"Tulog na sila. Tinulugan ako. Kainis. Sabi, walang tulugan eh." Natatawang sagot niya.

Tumango lang ako at kasunod nun ang isang mahabang awkward silence.

"Gian..." tawag niya. Nilingon ko siya. "Thank you, ha."

Tapos binigyan niya ako ng isang napakatamis na ngiti.

"No problem. Birthday mo naman eh..."

Nakangiti lang siya doon na parang tanga. Hindi ko alam kung anong iniisip niya.

"Sobrang saya mo naman ata."

Tumango ulit siya tapos naka-ngiti lang na parang weird. Mapupungay rin yung mga mata niya... Teka, lasing ba ito?!

"Gian, type mo ba ako?" biglang tanong niya. Lasing nga to!

"Ha?" umatras ako ng kaunti kasi ang lapit na niya.

"Umamin ka na kasi! Ano ba yan, torpe!" tumatawang sabi niya.

"Lasing ka, Janelle."

"Hindi ah! 18 na ako!"

"Lasing ka. Wala nang konek yang mga pinagsasabi mo. Halika ka na, matulog ka na." Hinawakan ko siya sa braso para alalayang tumayo pero nabitawan ko siya sa sunod na tanong niya...

"Magtatabi ba tayo?"

Napalunok nalang ako at napatingin lang sa kanya.

"Baliw ka ba?"

"Oo, sayo." sagot niya habang dahan-dahang humihiga sa bench na inuupuan namin kanina.

Bumilis ang tibok ng puso ko at hindi ako makagalaw. Relax, Gian. Lasing si Janelle. Nababaliw lang yan dahil sa alcohol. Pero teka nga! Di ba hindi nagsisinungaling ang mga lasing?!

"Joke lang, uy!" sabi niya at bigla siyang bumangon. "Sige, matutulog na ako. Goodnight, G." tumayo siya at naglakad ng pagewang-gewang kaya inalalayan ko nalang hanggang makarating sa kwarto niya.

Hindi na ako nakapagsalita diretso. Umurong ang dila ko sa mga pinagsasabi niya kanina.

"Oh, Gian. Joke lang yung mga sinabi ko kanina. Oo, lasing na ako pero alam ko naman yung mga lumalabas sa bibig ko. Echos lang yun." papikit-pikit na sabi niya. Napangiti nalang ako dahil ang cute niyang malasing.

"Good night." sabi niya at saka niya ako hinalikan sa pisngi.

Hindi ako nakapagreact at hindi ko na napansin na nakapasok na pala siya sa loob.

Pakiramdam ko ay pulang-pula ako ngayon pero buti nalang walang tao sa paligid. Buti nalang tulog na ang lahat.

"Nakita ko yun..." Napalingon ako sa nagsalita.

"Troy!"

Tumawa lang siya at naka-ngising pumasok sa kwarto niya.

Hindi na naman ako makakatulog ngayon gabi! Kasi naman Janelle eh!

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon