Chapter 2

3K 63 5
                                    

CHAPTER 2 – Parusa



Janelle’s POV

Dinala nila ako sa rooftop ng school. Nakasandal ako sa isang sulok habang nasa harap ko ang mahal na presidente. Ang tatlong mga kaibigan naman niya ay nasa tabi-tabi. Isa sa kanila ay nakaharang sa pinto, baka raw kasi ako tumakbo at takasan sila.

Pinupunasan pa rin ng mahal na presidente ang uniporme niyang namantsahan ng chocolate ice cream ko. Inilabas ko ang tissue mula sa backpack ko at dahan-dahang lumapit sa kanya.

“Ano na namang gagawin mo?” tanong niya.

Hindi ko siya sinagot. Lumuhod ako at sinimulang punasan ang chocolate ice cream doon sa sapatos niya, pero lalo lang itong kumalat, kulay puti pa naman ito kaya halatang-halata talaga. Napa-tsk naman siya at humakbang paatras para makalayo sa akin.

“Alam mo bang ‘yang sapatos na yan ang latest design ng Converse! Wala pang may ganyan sa buong mundo kundi si Gian Ayala lang. Tapos ikaw, tutuluan mo lang ng ice cream mo?” sumbat ng isang kaibigan niya sa akin.

Anong pakialam ko? Eh mayaman naman siya diba, edi kaya niyang bumili ulit ng isa pang ganyan! Napakagat nalang ako sa labi ko. Walang lumabas na boses eh. Umatras ang tapang ko.

“M-magkano ba ‘yan?” tanong ko nalang.

Bigla namang tumawa yung tatlong unggoy. “Adik ka ba? Baka mas mahal pa sa buhay mo ‘yan. Wag mo nang tangkaing bayaran dahil sigurado kaming hindi mo kaya.”

Sinamaan ko ng tingin ang nagsabi ‘nun, ‘yung maliit na lalaking singkit rin. Psh. Isang sapatos, mas mahal pa sa buhay ko?! Ha! Ang kapal rin ng isang ito ah. Gustong-gusto ko na siyang i-karate pero nasa harap ang mahal na presidente. Kailangang mag-timpi ako.

“Tama na ‘yan, Ren.” Sa wakas at nagsalita rin siya! Yumuko ‘yung pandak na lalaki na Ren ata ang pangalan. “Ikaw, nakakarami ka na sa akin ah.”

Tinuro pa niya ang mukha ko kaya bahagya akong napaatras.

“Kanina, sa cafeteria. Tapos ngayon na naman?” galit na sabi niya. Nanahimik lang ako at hinayaan siyang magdaldal. “Class hours ngayon, bakit pagala-gala ka’t kumakain? Alam mo namang bawal ‘yun diba?!”

“Eh hindi ako nakapag-lunch kanina eh...” mahina kong sagot.

“Aba! Sumasagot-sagot ha!” singit naman nung isang kaibigan rin niya.

“Malamang! Tinatanong ako edi sasagot ako. Tang...” napahina ang boses ko dahil lalong nanlisik ang tingin ng mahal na presidente sa akin. “..a ka ba?” Inirapan ko nalang ‘yung isang ‘yun.

“Teka nga lang... Ikaw yung babaeng nagtapon sa bintana kaninang umaga eh!” biglang sabi ni Ren. Lumapit pa siya sa akin at tinitigan ang mukha ko, inikutan pa niya ako at mukhang ineeksamin kung ako ba talaga ‘yung nagtapon kanina sa bintana.

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon