Chapter 20

2.1K 56 13
                                    

CHAPTER 20 – Singkit

“Ibig mong sabihin, mga Ayala rin lang ang tumulong kay Janelle?” tanong ni Queenie kay Troy habang sinisimot ang kanin sa kanyang plato.

“Oo.” Sagot naman ng isa. “Syempre, hindi pwedeng pabayaan ng mga Ayala si Janelle.”

“Edi alam rin ng mga Ayala na pinaalis ni Gian si Janelle? Alam nila ang totoo?”

“Oo naman. Hinihintay lang naman nila na aminin ni Gian ang totoo saka natin ipapakita si Janelle.” Naka-ngiting sabi ni Troy. “Alam ng mga Ayala lahat-lahat. Lahat ng kilos ni Gian, ni Janelle. Lahat alam nila. Ang hindi lang alam nina Sir Greg ay ang feelings... ni Janelle kay Gian.”

Laglag ang mga panga ng mga kaibigan ko dahil hindi nila alam ang tungkol doon.

“Anong sabi mo? Feelings ni Janelle... kay Gian?” tanong ni Jade.

Tumango si Troy. “Mahal niya si Gian.” Tinuro ako ng madaldal na si Troy. “Hindi ninyo alam?”

“Tatanungin ba namin kung alam namin?!” sabi naman ni Jane. “Ano ito, Janelle?”

Kinagat ko lang ang labi ko at hindi sumagot. Ang daldal naman, Troy.

“Ano ito, Janelle? May feelings ka kay Gian? Kailan pa?” kalmadong tanong ni Queenie. “Bakit hindi mo sinabi?”

“Eh...” nag-angat ako ng tingin sa mga curious nilang  mukha habang si Troy ay naka-ngisi lang doon. Mukhang masaya siya na isiniwalat niya ang sekreto ko. “Last week ko lang kasi na-discover.”

Napakamot lang sa ulo si Queenie habang ang tatlo ay nagpatuloy sa pagkain.

“Alam ba ni Gian?” tanong ulit niya. "Sigurado ka ba diyan sa nararamdaman mo?"

“Malamang, hindi alam ni Gian! Lagi namang walang alam si Gian sa mga nangyayari sa paligid niya.” Sagot ni Troy. "Oo, sigurado na yan..."

Si Troy talaga ang sumagot para sa akin. Salamat, ha. 

Pagkatapos naming kumain ng lunch ay bumalik na kami sa klase. Nagpaalam na si Troy dahil sa ibang building ang classroom ng mga Fine Arts students. Panay ang yuko ko habang naglalakad sa hallway dahil pinagtitinginan ako ng mga estudyante. Isang linggo rin nila akong hindi nakita, tapos ang alam pa ng lahat ay ikakasal kami ni Gian.

“Dalian na natin. Baka bigla nating makasalubong si Gian dito!” bulong ko sa mga kasama ko.

“Adik ka ba? Hindi naman nagpupunta ang mga Photography students dito!” sabi naman ni Queenie.

Sa bagay. May punto sila, pero kahit na ganun ay nagmadali pa rin kami sa pagbalik sa klase. Habang wala pa ang teacher ay kinunan ko ng picture ang mga notes ni Queenie para mapag-aralan ko sa condo mamaya. Nahuhuli na ako masyado sa klase, ang hirap hirap pa naman na ng mga topics ngayon lalo na sa Math! Kailangan ko talaga ng tutor. Hayyy Gian...

Panay ang ngiti ng mga teachers sa akin. Ang teacher namin sa Math ay nag-offer pa ng special class para sa akin, para makahabol daw ako sa mga pinag-aaralan. Syempre naman, pumayag ako! Medyo late ako nakauwi dahil nga kinailangan ko pang magpaturo ng lesson. Effective naman yun. Kahit na medyo nalilito pa rin ako, mapag-aaralan naman yun. Kaunting practice ko pa, makaka-80 na namana ko sa exam.

“Miss Janelle!” sinalubong ako ni Lenny at agad na kinuha ang bag ko. Marami kasi akong dalang notes ngayon na ipinahiram ng teachers ko para pag-aralan. Ang babait nila sa akin ngayon, palibhasa ang alam nila ay magiging Ayala na talaga ako.

“Kanina pa ba kayo? Pasensya na ha, medyo na-late ako ng labas. Marami kasi akong kailangang habulin sa school.” Sabi ko sa kanilang tatlo.

“Medyo... Tara na po, Miss Janelle. Kanina pa po kayo hinihintay ni Ma’am Mina.” Sabi ni Caramel.

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon