Chapter 22

2K 61 16
                                    

Cute ng picture sa multimedia :">

-----

CHAPTER 22 – Nakakainis

“Magkasama sila ni Troy. Mukhang magkakilala sila.” Sabi ko habang nakasandal ako sa railings dito sa building. Nakatayo sa tabi ko si Kevin habang nakaupo naman sina Jed at Ren.

“Sinong Troy?” tanong ni Ren sabay lagok ng hawak niyang root beer.

“Isang malapit na kaibigan. Isa rin siya sa mga pinapaaral ng foundation ni Mommy, at tauhan rin siya ni Daddy.” Sagot ko.

“Okay... Nakausap mo ba si Janelle?” tanong ulit ni Ren.

Umiling lang ako at yumuko.

“Nakabalik na pala siya hindi man lang nagsabi. Bakit kaya hindi siya nagpakita sayo, Gian? Hindi na rin siya bumalik sa mansyon ninyo...” Paga-analyze ni Jed. “Ibig sabihin, tinototoo niya yung sinabi niya sa iyo na hindi na siya magpapakita sa iyo!”

“Ang laking gago mo rin kasi eh.” Dagdag pa ni Kevin. “Nag-hire ka pa ng private investigators, wala ring kwenta! Kagabi nagkausap na kayo sa cellphone, hindi mo na tinanong kung nasaan siya. Kinamusta ka na nga, hindi mo man lang rin kinamusta.”

“Malamang tinutulungan pa rin si Janelle ng mga parents mo.” Sabi ni Ren kaya napatingin ako sa kanya. Naningkit ang mga singkit kong mata sa sinabi niya. “I bet alam nila ang lahat-lahat. Sabi mo nga kanina diba, magkasama si Janelle at yung Troy na TAUHAN NG MGA AYALA.” Talagang na-emphasize yung last words.

“Ang harsh mo sa kanya mula noon hanggang ngayon, talagang hindi magpapakita sa iyo yun!” sabi ulit ni Ren. “At talagang ilalayo siya sa iyo nina Tito Greg!”

“Eh wala naman akong pakialam. Ano naman ngayon kung tinutulungan pa rin siya nina Daddy. Ano ngayon kung magkakilala sila ni Troy? Lalong ano ngayon kung inilalayo siya sa akin nina Daddy?” iritadong sabi ko.

“Ang gulo mo rin eh!” sabi ni Jed. “Ikaw yung atat na mahanap siya diba? Ayan na! Nandyan na! Bakit hindi mo na lapitan o kausapin? Tawagan mo kaya!”

“Aminin mo nalang, Gian... Nami-miss mo si Janelle at tinamaan ka ng selos sa nakita mo kanina.” Tumayo si Ren at tinapik ako sa balikat saka rin siya sumandal sa railings. “Noong una, hindi talaga namin siya gusto kasi ibang-iba siya kay Monique.”

“Ibang-iba nga naman talaga... Hindi mukhang pera si Janelle. She might be a little stupid, annoying and yeah, did I mention stupid?” napa-iling ako sa sinabi ni Kevin at tumawa naman ang dalawa. “Well, at least she’s not fake.”

“Whatever, pero hindi ko siya nami-miss at hindi ako nagseselos, okay?” Sabi ko. “Nagi-guilty lang ako dahil pinaalis ko siya noon. Feeling ko nakagawa ako ng kasalanan kay Nanay Elle, anak niya si Janelle eh. Gusto ko siyang mahanap para masigurado na okay lang siya. Ngayon nandyan na nga siya, I don’t feel guilty anymore...”

Hindi na umimik yung tatlo at nagtitinginan lang sila doon. Ewan ko ba kung naniniwala ba sa akin tong mga ito o kung ang iniisip pa rin nila ang pinaniniwalaan nila. Hindi ko nami-miss si Janelle, talagang nagi-guilty lang ako.

“Okay...” sabi ni Ren. “Kung nagi-guilty ka lang talaga, sige. I guess mas matatanggal ang guilt na nararamdaman mo kung aaminin mo na sa parents mo ang totoo.”

“Ren is right, Gian.” Sabi naman ni Jed.

Pagabi na nang magdesisyun kaming umuwi na. Wala akong ibang inisip habang nagda-drive ako pauwi kundi kung aaminin ko na ba kina Daddy ang totoo, o hindi. Malamang magagalit na naman sila sa akin pero kung tama si Ren na tinutulungan pa rin nina Daddy si Janelle, edi alam na nila ang totoo. Nakakabadtrip naman eh. Bakit ba ganito...

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon