Chapter 7

2.1K 57 4
                                    

CHAPTER 7 - Hindi Na

Gian's POV

"G-Gian..." tawag ni Monique sa akin na nagpabalik sa akin sa katinuan.

May nakarinig na usapan naming dalawa! At hindi ako pwedeng magkamali. Siguradong-sigurado ako na si Janelle yun! Si Janelle lang naman ang baduy at bariotic kung pumorma dito. Malalagutan talaga sa akin ang babaeng yun mamaya.

"Hey..." lumapit sa akin si Monique at hinaplos ang braso ko. "Face me."

Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Nagulat ako nang makita kong nangingilid ang mga luha sa mga mata niya.

"Seryoso ka ba? You want to marry me?" tanong niya.

Tumango-tango ako. "Yes. Will you marry me, Monique?" hinawakan ko ang mga kamay niya at kasabay nun ang pagbagsak ng balikat niya at pagbuhos ng mga luha niya.

"I can't."

***

Janelle's POV

Pagbaba ko ng kotse ay agad akong sinalubong ng mga kaibigan kong maiingay. Medyo nahihiya na nga ako kasi pinagtitinginan kami pero na-miss ko sila kaya nakipag-ingayan na rin ako. Mabilis ng pumasok si Gian, pero nakita kong hindi siya dumeretso sa building nila. Pumunta ito sa Dance building.

Speaking of Dance buulding... "Teka, paano pala iyong dance subject natin? Diba ngayong week iprepresent yung sayaw?" tanong ko sa kanila.

"Oo. Pero binigyan tayo ng chance ng instructor na mag-practice pa dahil nga sa nangyari sa Mama mo. Kaya next week natin iprepresent ang sayaw." sagot ni Queenie.

"Oh? Ano pang hinihintay natin? Mag-practice na tayo!" sabi ni Jade.

"Bakit? Wala ba tayong klase sa ibang subjects?" tanong ko.

"Wala naman. Exam week kasi, eh wala pa naman tayong exam for this day eh. Bukas pa tayo." sagot ni Jane.

"Tsaka marami kang dapat na ikwento sa amin, Janelle. Bakit kasabay mo si Gian Ayala? Anong meron ha?" tanong ni Queenie sa akin.

"Ah..."

"Mamaya mo na sagutin. Mauna ka na sa Dance building at humanap ng bakanteng classroom, magcCR lang kami kanina pa sasabog ang mga bladder namin." sagot niya.

"Bakit, wala ba kayong CR sa bahay ninyo?" natatawang tanong ko habang naghihiwalay kaming apat ng mga landas.

Nauna na nga ako sa Dance building at humanap ng bakanteng kwarto kung saan pwedeng magpractice. Inisa-isa ko ang mga kwarto doon. So far, maraming bakante dahil nga exam week, pero gusto ko yung doon sa favorite room naming apat.

Kung naaala niyo yung room kung saan nagtapon ako ng basura sa bintana at nahuli ako ni Mr. President, yun yun!

Sinilip ko ang kwarto at mukhang walang tao. Papasok na sana ako nang...

"Marry me."

Napahinto ako sa kinatatayuan ko at agad akong nagtago sa may pader para hindi nila ako makita. Bumilis ang tibok ng puso ko. Baka kasi multo yung narinig kong nagsasalita!

"Marry me. Live with me. Magtanan tayo. Come on, Monique. Alam mo kung gaano ako hindi makahinga sa mansyon na yun. I want to live with you, only you. Hindi ko kakayanin kung sa iba ako maikasal. Wala akong ibang gusto kundi ikaw. Please..."

Dahan dahan akong sumilip para masiguradong hindi nila ako mahahalata. Doon ko nakumpirma na si Gian nga ang nagsasalita! Pero, nagpropropose siya? Kay Monique? Girlfriend niya kaya yan?

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon