Chapter 33

1.5K 47 5
                                    

CHAPTER 33 - Erika

Hindi ako mapakali habang nasa loob ng bar. Nakaupo ako sa itim na sofa at may kung ano-anong inumin or shots ang inilapag ng mga waiter sa harapan ko. Uminom ako ng ilang shots pampa-wala ng kaba. Kinakabahan talaga ako kapag lumalabas kami ni Gian sa mga ganitong sosyal na party dahil feeling ko, hindi ako pasok sa banga. Alam niyo yun, OP ako!

Kasama namin sa table ang ilan sa mga ka-block ni Gian. Ipinakilala niya ako sa kanila kanina at masasabi kong kahit papaano naman ay mababait sila at hindi jugmental kahit na mayayaman. Hindi katulad nung tatlong asungot na mga kaibigan ni Gian noong high school. Remember those monkeys? Speaking of the three monkeys, nandito rin sina Ren, Jed at Kevin. Kanina'y naka-usap ko sila pero ngayon nandoon na sila sa dance floor at mukhang nanchichix.

"Ayala!" Umalingawngaw ang boses ng isang babae at bigla itong lumapit sa table namin. Sobrang ganda, parang dyosa! Agad namang nagtayuan sina Gian at ang mga kasama namin sa table kaya tumayo na rin ako. Sabay sa agos.

"Happy birthday, Erika!" sabay-sabay na sabi nina Warren, Rick, Harry, Fred at Leo, mga kaibigan ni Gian na kasama namin dito sa table. Si Gian ay nakangiti lang at ako naman ay hindi alam kung ano ang gagawin. Babatiin ko rin?

Di kami close! HAHAHA

"Thanks, guys! Thank you for coming! Enjoy the party, alright?" nakangiting sabi ni Erika saka siya bumaling kay Gian. Oo nga, ang binanggit niya kanina ay Ayala. Hindi lang basta binanggit, kasi patili niyang sinabi.

"Ayala! Grabe, I thought you won't come?" Bigla siyang lumapit kay Gian kaya napatabi ako para makadaan siya't matabihan si Gian. Aba, wow teh! Hindi mo ako nakita? Seriously? Sa sexy kong ito hindi mo ako napansin?

"Happy birthday." sabi ni Gian at sobrang lawak ng ngiti ni Ateng Erika. Aba, ang saya mo ah! Nakakahalata na ako sa iyong babae ka ah.

Padabog kong kinuha ang isang shot ng tequila sa mesa at mabilis na ininom iyon. Padabog ko rin yung inilapag at napatingin silang lahat sa akin, including the birthday girl.

"Naku, Erika. Umayos ka muna sa panglalandi mo dyan kay Gian. Nandito ang future Mrs. Gian Ayala, oh!" sabi ni Harry.

Hinarap ako ni Erika at pinagtaasan ng kilay. Eh di wow! Amazing naman ng kilay mo, stretchable? Hindi ako natinag kaya nakipagtitigan ako sa kanya.

"So, you're the great Janelle Dimaguiba?" maarteng sabi nito.

Kilala ako ni Ateng! Aba, stalker kita, teh? Alam mo full name ko?

Biglang tumabi sa akin si Gian at saka ako pormal na ipinakilala kay Erika.

"Yeah, she's the great Janelle Dimaguiba soon-to-be Ayala." proud na proud na sabi ni Gian. Soon-to-be Ayala ha? Hmmm.

Kitang-kita ko naman ang pag-irap ni Erika. I can sense something here. Hello? It is so obvious! Teka, napapa-Ingles na rin tuloy ako.

"Happy birthday, Erika." bati ko sa kanya.

"Thanks." walang ganang sabi nito at saka niya kami tinalikuran. Sinundan ko siya ng tingin. Naramdaman ko naman ang kamay ni Gian sa kamay ko. Pinisil niya 'yun kaya napatingin ako sa kanya.

Nakangiti sa akin ang lolo niyo.

"Huwag mo akong daaning sa mga ngiti mo, Ayala, ha." Ginaya ko ang tawag sa kanya ni Erika.

Tinanggal ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at saka ako umupo at uminom pa ng ilang shots. Patawa-tawa lang si Gian doon habang pinapanood ako.

"Tama na 'yan. Nakailang shots ka na. May pasok ka pa bukas." saway niya sa akin.

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon