Chapter 35

2K 52 3
                                    

CHAPTER 35 - Project Pa More

Months passed at maayos naman ang takbo ng lahat. Imagine, it's almost my sem break. Makakapagkita na rin kami nina Queenie, Jane and Jade! Finally! Sobrang miss ko na ang mga baliw na 'yun. I hope they're all doing well in their schools.

As for Gian, tapos na ang lahat ng final exams niya kaya chill nalang siya ngayon.

Nandito kami ngayon sa Gloria Jean's malapit sa school ko. Natapos ang isang exam ko kanina at may isang exam pa ako mamayang 3PM. Last exam ko na 'yun ngayong sem. Kaunting push nalang, Janelle mage-end na ang hell na ito!

Simula nang magstart ang break nina Gian ay lagi niya akong sinasamahan sa school. Ihahatid niya tapos tatambay siya sa library namin para hintayin na matapos ang mga exams ko.

Ngayon naman, nagpapalamig kami dito sa Gloria Jean's.

"Mababaliw na ata ako." sabi ko habang nakatingin pa rin sa handouts namin sa General Chemistry.

"Kaya mo 'yan." sabi naman ni Gian pero hindi maalis ang tingin niya sa cellphone niya. Kanina pa siya diyan. Hindi ko nalang pero pinapakialaman kasi baka nagge-games lang.

"Paulit-ulit ko na itong binabasa. Ayoko na." sabi ko at isinubsob ang mukha ko sa mesa.

Kagabi kasi, nagreview na kami ni Gian. Actually, tinutulungan niya akong mag-review. Kaya nga medyo confident ako dahil siya ang taga-review ko. Hello? Si Gian Ayala na 'yan noh!

"Di ba sabi ko sayo, don't pressure yourself?" sabi niya at inilapag ang phone niya sa mesa. Naku, finally! Isinubsob niya rin ang mukha niya sa mesa pero nakaharap siya sa akin. "Nag-review ka naman na eh. Dapat ngayon, relax ka nalang para relax din ang utak mo mamaya."

"You're right!" sabi ko saka ko sinimulang kainin ang Pistachio Sponge Cake ko.

Nginitian niya naman ako. "Gusto mo?" tanong ko sa kanya saka ko siya sinubuan.

Ilang saglit lang ay dumating si Troy. Nagulat pa ako kasi ngayon ko nalang ulit siya nakita. Nag-hand shake silang dalawa ni Gian saka ito tumabi sa kanya, pero syempre bumeso rin naman siya sa akin.

Naka-uniform pa siya at mukhang kagagaling sa school.

"Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.

"Ah, bawal ba, Janelle? Nakaka-istorbo ba ako sa inyo? Sige, alis nalang ako." sagot niya tapos tumayo na.

"Baliw. Nagulat lang ako bigla kang sumulpot. Maupo ka nga." sabi ko naman sa kanya. Mga kadramahan talaga ng lalaking ito oh. Tumawa lang siya at bumalik sa pagkakaupo.

"Ito kasing si Kuya Gian, mukhang na-miss ako kaya pinapunta ako dito." sabi niya.

Ah, so si Troy siguro ang katext ni Gian kanina noong busy siya sa cellphone niya. I see. Itong dalawang ito, bromance na naman eh.

Ang tagal namin doon pero hindi naman sila nag-usap. Akala ko ba si Gian itong nagpapunta kay Troy dito tapos hindi naman sila nag-usap. Nang maubos ko ang Chocolate Macadamia Coffee ko ay inayos ko na ang mga gamit ko dahil malapit na ring mag-alas tres. Kaloka.

Hinatid ako ni Gian sa school at naiwan si Troy sa coffee shop. Ewan ko ba sa dalawang ito kasi ang weird nila! Magtitinginan tapos tatawa. Pero wala namang nakakatawang joke. Hindi ko tuloy mapigilang mag-isip na baka may binabalak tong dalawang ito o baka may itinatago.

Dagdag pa 'yung madalas na may ka-text si Gian which I assume, ay si Troy.

Anyway, ang usapan ay babalik si Gian doon sa coffe shop pagkahatid sa akin tapos pupuntahan ko nalang silang dalawa mamaya after ng exam ko.

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon