Chapter 27

1.8K 48 11
                                    

CHAPTER 27 - Date in Disguise

Natapos ang birthday ni Janelle. Sa summer daw yung punta namin sa Boracay. Medyo matagal pa yun kaya hindi pa dapat masyadong iniisip. Dapat ang iniisip ko ngayon ay ang project ko!

Nandito ako ngayon sa secret room ko. Ito yung secret room kong pinakialaman ni Janelle noon. Punong-puno ito ng mga pictures ni Monique noon.

Noon.

Napa-ngiti lang ako sa sarili ko habang tinitingnan ang mga nakakabit na pictures ni Janelle. Puro stolen shots ito kaya hindi niya alam na meron ako ng mga ito. Hindi ko alam pero ang ganda kasi ng ngiti niya. Ang ganda ng rehistro ng mukha niya sa camera. Maganda nga kasi talaga siya.

Pero sa dinami-dami ng mga litrato dito, hindi pa rin ako makapili ng portrait na ipapasa ko bilang project. Kailangan ko ng matinong model, pero puro naman ako stolen shots kay Janelle. Nahihiya kasi akong sabihin sa kanya na kukunin ko siyang model.

Lumabas ako ng kwarto ko, dala ang camera. Pupuntahan ko si Janelle. Kailangan ko nang magawa itong project na ito para wala na akong iniisip. Gragraduate na ako at college na!

"Where are you going?" tanong ni Mommy sa akin. "Out for some shoot? Again?"

Tumango naman ako sabay sulyap sa DSLR na nakasabit sa leeg ko. "Still haven't found the perfect shot for my project, Mom."

"You can do it." Ngumiti si Mommy sa akin saka niya ako hinalikan sa cheeks. My sweetest mom...

Nag-drive ako papunta sa Vieda Towers. Wala namans sigurong masama kung bulabugin ko muna si Janelle sandali.

"For a while, Sir Gian. Pababa na si Miss Janelle." sabi ng receptionist. Ngumiti naman ako at hinintay lang na bumukas ang elevator para kay Janelle.

Naka-short lang siya at maluwang na t-shirt tapos naka-tsinelas. Naka-ngiti agad siya nang makita niya ako.

"O bakit ka nandito?" tanong niya sa akin nang makalapit siya sa akin.

Itinaas ko ang hawak kong DSLR para mapansin niya. "Out for some shoot."

Tumango naman siya. "And?"

Napalunok ako. Tatanungin lang siya kung pwede siyang maging model, Gian. Yun lang yun. Ang torpe mo!

"Would you be my..." GIRLFRIEND! "...model?"

Hindi agad siya sumagot. Ang sama lang ng tingin niya sa akin. Bigla naman niya akong hinaplos sa leeg at sa noo.

"Wala ka namang lagnat, G." sabi nito. "Okay ka lang ba?"

Ugh. I knew it! Iniisip na naman niya na hindi ako seryoso, na baka pinagtritripan ko lang siya.

"I said would you be my model? Para sa shoot ko?" Hindi ko pinansin ang sinabi niya. "I really, really have to do this. Ang tagal nang project ito, kami pa ni Monique nun, pero hanggang ngayon hindi ko pa natatapos..." sabi ko. Napansin kong napataas ang kilay niya nang mabanggit ko si Monique. "...and I really think na ikaw ang bagay para maging model ko. Please, Janelle?"

"Protrait ang kailangan mo diba?" tanong niya.

Tumango ako.

"Ang dami mong portrait ni Monique doon sa secret room mo ha. Bakit hindi ka nalang pumili dun?" hirit niya.

Bumagsak ang balikat ko. Hindi ko alam kung anong isasagot. Babae itong si Janelle, hindi basta-basta nakakalimot. Malaki ang memory capacity ng utak ng mga babae. Lahat ng nangyari noon, alam na alam nila. Sigurado yan, halos pati eksaktong time, date ang location ay tanda nila.

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon