Chapter 4

2.6K 65 8
                                    

CHAPTER 4 – Daughter... (in law)

Janelle’s POV

Huling araw na nag burol ni Mama, kumabaga last night na mamaya. Nandito pa rin si Gian, sinasamahan ako. Sabi ko, kaya ko na at hindi na kailangan pang mag-stay siya dito. Ang sabi naman niya ay kailangan daw dahil yun ang utos ng Mommy niya. Hindi ko na rin kinontra.

Dito siya naliligo, magbibihis, natutulog, kumakain. Pero kahit ganun, hindi kami gaanong nag-uusap. Madalas naka-tanga lang ako habang nakatitig sa himlayan ni Mommy habang siya naman ay naka-upo sa di kalayuan at binabantayan ako, or di kaya’y naglalaro sa iPad niya o nagbabasa. Ganun lang. Hindi man lang niya ako kausapin. Kainis!

Dalawang araw na rin kaming absent sa klase. Tinawagan na rin ako nina Queenie at sinabi ko ang nangyari. Masyado akong bangag kahapon at pati sila ay nakalimutan kong sabihan ng nangyari kay Mama.

Nang mag-alas kwatro ng hapon ay nagsidatingan ang mga kaklase ko.

“JANELLE! WAAAAA!” sabi ni Jade at Jane.

“Tumahimik nga kayo! Rumespeto naman kayo.” Sita ni Queenie. “Nakikiramay kasi sa iyo, Janelle.” Malungkot na sabi nito.

Ngumiti ako nang bahagya at niyakap nila akong tatlo. “Salamat.” Sabi ko. “Wag na kayong mag-drama dahil ayokong umiyak. Ayaw ni Mama ng umiiyak! Papangit raw tayo!”

Ngumiti naman silang tatlo. “Ayan, Janelle. Tama yan. Ngumiti ka lang. Sigurado kaming masaya si Tita Elle kung nasaan man siya, pero sigurado akong sa langit ang punta niya.” Sabi ni Jade.

“Whoa. Jade, ikaw ba talaga yan. Saan mo nakuha yang mga sinasabi mo?” sabi ni Jane. Agad naman siyang binatukan ni Jade kaya natawa ako. Itong mga ito talaga.

“Salamat sa pagpunta, guys. Kanina pa kasi ako walang makausap dito.” Sabi ko.

“Huh? Eh andito naman si Gian ah.” sabi ni Jane sabay tingin kay Gian na naglalaro sa iPad niya ng Zombie Tsunami.

“Wag na kayong umasa diyan.” Sabi ko. “Napakatahimik!”

Nang mag-gabi na ay umalis na rin yung tatlo. Kailangan na rin nilang umuwi dahil may pasok bukas. Sabi nila ay gusto nilang sumama sa paghatid kay Mama sa huling hantungan pero sabi ko, wag na, dahil mahirap umabsent sa klase. Kanino nalang ako kokopya sa exam kung pati sila ay walang alam dahil aabsent sila bukas?

Hindi ko sila hinatid palabas dahil bawal daw. Aysus. Superstitious beliefs! Naalala ko tuloy ang sinabi ni Gian noong isang araw nang maliligo siya at sabi kong bawal.

“Adik ka ba? Bawal maligo!” sabi ko sa kanya sabay harang sa pinto ng banyo.

“Mas adik ka ba? Superstitious belief lang yan! Walang scientific basis. Kaya kung ako sa iyo, tumabi ka na diyan at ihanda mo na rin ang gamit mo. Maligo ka pagkatapos ko dahil nangangamoy ka na!”

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon