Chapter 5

2.3K 59 6
                                    

CHAPTER 5 - Prinsesa

Sa huling beses ay hinaplos ko ang pangalan ni Mama na naka-ukit sa semento. Elle Dimaguiba. Nagsisimula na namang mag-tubig ang mga mata ko kaya tumayo ako at tumingala sa langit.

Ma, kung naririnig mo naman ako ngayon, mahal na mahal kita. Sana masaya ka kung nasaan ka man.

"Sigurado ka bang ayaw mong sumama sa amin?" tanong ni Ma'am Mina sa akin.

"Opo." sabi ko. May bahay pa naman po ako.

Ngumiti siya nang bahagya sabay haplos na naman sa buhok ko.  "Maraming salamat po sa lahat, Ma'am."

"Kulang na kulang pa ito, Janelle." sabi niya. "But I promise you... I'll help you with everything. Wag ka lang mahihiyang magsabi."

Tumango ako. Sumakay sila sa sasakyan nila, ganun rin si Gian. Hinatid rin ako ng ilan sa mga bodyguards nila. Laking gulat ko naman dahil pagdating namin sa bahay ay bukas ang gate at may mga kalalakihang naghahakot ng mga gamit namin sa bahay.

Mabilis akong bumaba ng kotse.

"HOY! Anong ginagawa ninyo, mga magnanakaw!" sigaw ko.

Nagulat naman ako nang magpakita ang isang matabang kalbo sa gate namin. Naka-ngisi siya at may hawak na pulang mga stickers na siyang nakakabit sa bawat gamit na nilalabas ng mga magnanakaw.

"M-Mr. Flores..." nanigas ako sa kinatatayuan ko. Alam ko nang hindi magnanakaw ang mga lalaking naghahakot ng mga gamit namin sa bahay.

"Janelle, nabalitaan ko ang nangyari sa Mama mo. Nakikiramay ako." sabi niya pero naka-ngiti naman. Nang-iinsulto ba ang kalbong ito?

"Ayoko pa sanang gawin ito dahil alam kong nagdadalamhati ka pa, pero grabe naman!" sabi pa niya. "Halos isang dekada nang nakasangla sa akin ang buong lupain, bahay at mga kagamitan ninyo. Last month ay humingi ng isa pang buwan ang nanay mo para mabayaran ang 10 million pesos sa akin ngayon. Pero anong nangyari? Namatay siya!"

"Walang hiya ka!" tumakas ang maiinit na likido sa mga mata ko saka ko pinagsasampal si Mr. Flores. Agad naman akong inawat ng mga guards ng Ayala.

"Whoa. Ako pa ang walang hiya." sabi ng walang hiyang kalbong ito. Sinamaan niya rin ng tingin ang mga body guards na humawak sa kanya.

"At sino ang mga taong ito? Mga body guards mo?" natatawang sabi ni Mr. Flores. "May bodyguards, pero walang pambayad ng bahay?"

Naalala ko rin ang sinabi ni Ma'am Mina na magsabi lang ako sa kanya kung may kailangan ako.

"Paano kung bayaran kita ngayon?"

"Well, pinag-hintay niyo ako ng isang dekada kaya times ten ang babayaran mo, Janelle. 100 million pesos." laglag ang panga ko sa kapal ng apog ng kalbong ito. Kinuyom ko ang mga palad ko at huminga nang malalim. Siguro, dapat ko na ring hayaan na angkinin ng Mr. Flores na ito ang bahay na yan. Wala na rin naman akong kasamang titira diyan... Saan naman kaya ako titira ngayon?

"Kung anong ininipis ng buhok mo, iyon naman ang ikinapal ng mukha mo." nanggagalaiti kong sabi sa kanya.

"Wala eh. Wala ka namang 100 million." sabi niya. "So, akin ang lupa, bahay at mga gamit ninyo."

"Pati damit?!" singhal ko sa kanya. "Hindi kasama yun!"

Pumasok ako sa bahay at nakisabay sa paghahakot ng mga lalaki. Habang hinahakot nila ang mga furnitures namin ay hinahakot ko rin ang mga damit namin ni Mama. Napuno ko ang tatlong maleta. Hindi rin naman kasi ganun karami ang mga damit namin. Pati mga mahahalagang bagay tulad ng picture frame at mga photo albums ay kinuha ko na.

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon