Chapter 1

4.4K 85 5
                                    

Joke lang. Multi-POV pala ito. Si Janelle nga pala --->

-----

CHAPTER 1 - Perfect O

Gian's POV

"Whoa there. Bagong sapatos na naman, dude?"

Napa-ngiti ako sa puna ng kaibigan kong si Kevin. Kakarating ko lang sa school at dumeretso agad ako sa second floor ng building namin suot suot ang latest design ng Converse, ang totoo niyan ay hindi pa ito inilalabas sa market. Ako ang kauna-unahang may ganitong sapatos sa mundong ito.

"Iba na talaga kapag Ayala ka." sabi naman ni Ren.

Hindi ako umimik, pero naka-ngiti akong sumandal sa railings. Nagkwekwentuhan ng tungkol sa kung ano-anong bagay ang tatlo kong mga kaibigan habang ako ay nakatitig sa kabilang building na katabi ng building namin.

"Si Monique yun, diba?" Turo ni Jed sa bintana ng kabilang building. Agad naman akong tumingin sa bintanang itinuturo ni Jed. Mas lalo akong napangiti nang makita ko ang magandang mukha niya. Ang ganda-ganda niya talaga, malayo man o malapit.

Napako ang tingin ko sa babaeng iyon. Sayang nga lang at hindi niya ata ako napansin. Aktong isasara na ni Monique ang bintana nang bumukas naman ang katabing bintana noon. Kumunot ang noo ko nang makita ko ang isang babaeng pasimpleng nagtapon ng plastic ng chicherya.

Isasara na sana nang babae ang bintana kaya sumigaw ako. Umagang-umaga, pinapa-high blood ako ng mga estudyante dito. Mga walang disiplina!

"HOY!!!!!"

Nagulat ang babae at parang nagpapanic na hinanap kung sino ang sumigaw. Nang makita niya ako ay nanlaki ang mga mata niya, pati ang kanyang bibig ay perfect O. Ako lang naman kasi ang presidente ng student council. At kapag presidente, presidente talaga! Istrikto ako at talagang ginagawa ko ang tungkulin ko. Hindi ako tulad ng ibang tao na hanggang pangalan lang. At ngayong kitang-kita ko kung paano labagin ng babaeng ito ang batas naming "Keep the surroundings clean", hindi ko ito pwedeng palampasin.

Biglang isinara ng babae ang bintana. Tatakbo sana ako para puntahan ang babaeng iyon sa kabilang building pero malamang lang ay magtatago na iyon sa takot kaya pinalampas ko nalang. Sigurado akong sa susunod ay mahuhuli ko na talaga siya.

"Don't worry, dude. Na-memorize ko naman ang mukha niya." sabi ni Ren.

Tumango lang ako pero masama pa rin ang tingin ko sa bintana ng kwartong kinalalagyan ng babaeng iyon. Kung tama ang kutob ko, siya rin yung babaeng nagkalat ng tissue sa CR ng mga girls sa building na yan noong isang araw lang. Baka nga siya rin ang walang hiyang nangiiwan ng pinagkainan kung saan lang. May mga nagkalat rin namang basurahan sa buong campus, bakit simpleng pagtapon lang sa tamang lalagyan, hindi niya magawa?

Lagot talaga sa akin ang babaeng yan kapag nahuli ko.

***

Janelle's POV

Agad kong isinara ang bintana at tumakbo ako palapit sa tatlong kaibigan kong nakaupo sa sahig at pumipili ng kantang sasayawin namin para sa isang subject namin. HIndi ko alam kung bakit may subject kaming pang-music samantalang fashion designing ang inenroll namin. Naligaw ata ang subject na ito ha?

"Oh, bakit mukhang natatae ka diyan, Janelle? Ano na namang ginawa mong kabulastugan?" tanong ni Queenie sa akin.

"Wala naman ah!" sabi ko. "Ano ba, may napili ng kayong kanta?" pag-iiba ko ng topic.

"Wala pa nga eh. Mag-Gimme Gimme nalang ata tayo!" suggestion ni Jade.

"Oo nga! Tutal, pare-pareho tayong kaliwa ang paa, Gimme Gimme nalang para kanya-kanyang steps Sa ganung paraan, maitatago natin ang talent natin!" pagsang-ayon naman ni Jane.

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon