Chapter 23

2.1K 53 6
                                    

CHAPTER 23 - Sorry

Nakatunganga lang ako sa mukha niyang nakangiti. Nakita ko na siya noon na ngumiti, kahit papaano naman, noong araw na ibinalita ko sa kanya na naka-80 ako sa Math namin. Kahit na minsan lang nangyari yun ay tumatak talaga yun sa utak ko.

“Bakit ka nakangiti?” tanong ko na nagpapawi sa ngiti niya. Medyo nagsisi ako dahil ang engot nga naman ng tanong ko.

“Bakit, bawal na bang ngumiti ngayon?” sagot naman niya.

Umiling ako. “Hindi lang ako sanay na ngumingiti ka.”

Hindi na ulit siya umimik. Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa amin at tanging pagaspag lang ng mga dahon ng puno na inihahangin ang naririnig ko. Ang awkward na talaga ng pakiramdam ko lalo na’t ang lakas at ang bilis ng tibok ng puso ko. Samantalang siya ay relax na relax sa pagkakaupo doon.

“Hindi ka pa ba aalis?” tanong ko sabay tayo. Ni hindi ko nga siya matingnan sa mata eh.

“Aalis ka na?” tanong naman niya. Bakit ba puro tanong ang sagot niya sa tanong ko. Pwede namang sagutin niya nalang ng oo o hindi.

“Oo. Baka nandyan na sina Lenny.” Sabi ko nalang.

Hindi siya sumagot kaya tumalikod na ako at mabilis na naglakad paalis. Kanina ko pa tinetext si Lenny na sunduin na ako pero hindi naman siya nagrereply. Kahit sina Caramel at Hershey, hindi rin nagrereply. Ni hindi nila sinasagot ang tawag ko.

Tumambay ako sa tapat ng gate ng school habang tinatawagan sina Lenny. Doon ko naman napansin na sinundan pala ako ni Gian. Kumalabog na naman ang puso ko kaya mabilis akong lumipat sa may waiting shed sa tabi para iwasan siya.

Hindi ko na alam ang gagawin ko nang sumunod pa si Gian sa akin sa waiting shed na iyon. Panay nalang ang mura ko sa utak ko at tumatagaktak na rin ang pawis sa mukha ko. Kanina lang ay hinahanap ko siya, ngayong nandyan na siya ay parang nagsisisi ako dahil nakakabobo itong nararamdaman ko.

“Sinusundan mo ba ako?” matapang na tanong ko sa kanya nang tumayo siya sa tabi ko.

“Hindi naman. Sasabihin ko lang kasi na hindi ka masusundo nina Lenny ngayon dahil lahat sila ay nasa mansyon. May inaasikaso sila.”

“HA?”

“Narinig mo ang sinabi ko.”

“Ano namang ginagawa nila doon? Bakit hindi nila sinabi agad sa akin, sumabay na sana ako kay Troy!” sabi ko sa sarili ko.

“Magkakilala kayo ni Troy?” tanong niya.

“Oo. Siya yung tumulong sa akin noong pinalayas mo ako.” Bigla naman akong napakagat sa labi ko. Heto na naman ang bibig kong walang preno.

Hindi na siya sumagot. Mukhang nasapul siya sa sinabi ko. Inamin niya na sa parents niya na pinalayas niya talaga ako noon, pero hindi naman siya makapag-sorry sa akin. Ibang klase talaga ang lalaking ito!

Ilang sandali pa at may humintong mga itim na Volkswagen sa harapan namin. Kung hindi ako nagkakamali, ito yung service namin ni Gian noong nakatira pa ako sa mansyon. May mga bumabang bodyguards mula sa ibang kotse at pinagbuksan ng pinto si Gian. Pati pagbukas lang ng pinto ng kotse, bodyguard pa ang gagawa. Tss. Napakarangya talaga ng buhay ng prinsipeng ito.

Hindi ko nalang pinansin si Gian at panay ang kaway ko sa mga bodyguards na iyon, pati sa driver ng kotse ni Gian na nasa loob. Lahat naman sila ay ngumiti sa akin. Mukhang masaya rin naman sila na makita ako.

“Malayo yung Vieda sa mansyon. Magpasundo ka nalang kay Troy.” Malamig na sabi niya.

“Pwede naman po siguro nating isabay si Miss-“ sabi ng isang butler pero agad siyang pinutol ni Gian.

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon