Chapter 9

2K 54 11
                                    

CHAPTER 9 – Pakialamera

Janelle’s POV

Labag man sa mga loob namin ay nagperform kami sa Dance Subject namin. Hindi na rin naman ako umasang mataas ang magiging grade namin. Masaya na ako na nakakuha kami ng 80 mula sa instructor namin.

After naming i-present ang performance namin ay sunod naman na nagperform ang mga Swans. Swans ang tawag sa mga estudyanteng major sa Ballet. Grabe ang seseksi at ang gagaling. Nahiya tuloy ang dancing skills namin.

Nakinuod na rin kami sa kanila tutal nandoon na rin kami. Nakakaloka ang flexibility nila at ang kakayahang mag-balance.

Nahagip ng mata ko ang isang babaeng kasama sa Swans. Halatang siya yung pinakamagaling sa kanila. Hindi ko naman siya kilala, pero familiar ang itsura niya. Nakita ko na kaya siya dati? Nasa kalagitnaan sila ng pagsasayaw nang bigla siyang natumba. Lahat kami ay nagulat dahil ang lakas ng bagsak niya. Tuloy pa rin sa pagsayaw ang iba, samantalang siya ay iniinda ang sakit doon.

Hindi ako nakatiis at nilapitan ko na siya para tulungan. Hindi naman siya tumanggi at tinulungan na rin ako nina Queenie. Pinaupo namin siya sa isang upuan habang patuloy pa rin sa pagsayaw ang ibang Swans at mukhang walang pakialam ang instructor.

"Sprain lang yan. Salamat, okay na ako." sabi niya.

"Sigurado ka ba? Dalhin ka nalang namin sa clinic." suggestion ko sabay angat ng tingin sa kanya. Nakaluhod kasi ako sa harap niya para tingnan ang paa niya.

"Hindi na." Mariin ang titig niya sa akin at doon ko lang narealize kung saan ko siya nakita.

Siya si Monique!

"Monique..." sabi ko at tumingin siya sa akin. "Monique, diba?" tanong ko.

Tumango naman siya. "Paano mo ako nakilala?" nagtatakang tanong niya.

"Uhh... Ano. Wala lang... K-kilala kita kasi diba ano, Swans ka. Ayun..." paliwanag ko.

Hindi siya umimik pero parang may duda sa mga mata niya. Mukhang hindi siya naniniwala.

"Sige, una na kami." sabi ko sabay tayo. Aalis na sana kami pero bigla siyang nagsalita...

"Janelle." tawag niya. Natigilan ako sa kinatatayuan ako. Kilala niya rin ako? Hinarap ko siya.

"Alam ko namang kilala mo ako... dahil kay Gian." sabi niya. "Sana alagaan mo muna siya sa ngayon." Agad rin siyang yumuko ulit at ako naman ay umalis na rin kasama sina Queenie.

Anong "Sana alagaan mo muna siya sa ngayon"? Anong point niya diyan. Oh well, bakit ko naman aalagaan si Gian? Eh matanda na yun!

Dumeretso na kami sa locker room para magpalit ng uniform. May tatlong exams kasi kami mamaya at requirement ang uniform. Isa na sa exams namin mamaya ay ang Math. Sana naman maalala ko yung mga itinuro ni Gian kagabi.

***

Stress na stress ako nang matapos ang exam. Ang sakit-sakit ng ulo ko at gusto kong matulog nalang. Masyado yatang nahirapan ang mga brain cells ko, kung meron man ako nun. Lalo na sa Math! Pero in fairness, marami namang akong nasagutan. Hindi katulad noon na nganga!

Sabay-sabay kaming lumabas ng gate nina Queenie, Jade at Jane. Natanaw ko agad ang mga itim na Volkswagen sa labas.

"Ang sosyal naman ng sundo." bulong ni Jade. Ngumisi lang ako.

"Sayang. Gusto ko pa sanang sumama sa inyo pero ang sakit talaga ng ulo ko." sabi ko.

"Okay lang. Magpahinga ka na muna. Sineryoso mo naman masyado yung exam eh." sabi ni Queenie.

Ngumisi lang ulit ako. "Ingat kayo."

Pinanood ko silang maglakad muna palayo bago ako sumakay sa kotse. Nandoon na si Gian at nakikinig na naman sa cellphone niya.

Tahimik lang sa buong byahe. Ang sakit nga kasi ng ulo ko kaya hindi ako makapagdaldal. Hindi ko alam kung bakit biglang ganito. Siguro hindi lang talaga sanay ang utak ko na mag-exert ng ganung effort. Hahaha!

***

Dumiretso ako sa kwarto ko at agad na nahiga. Sobrang sakit ng ulo ko. Ramdam kong parang pinupukpok ng martilyo ang tuktok ng ulo ko.

"Miss Janelle, okay ka lang ba?" dinig kong tanong ni Hershey.

"Masakit ang ulo ko." mahinang sabi ko.

"Naku. Ikukuha kita ng gamot sandali."

Narinig ko ang pag-alis niya ng kwarto ko. Maya-maya ay bumalik siya at binigyan ako ng gamot. Ininom ko rin naman yun saka nahiga ulit. Nang magising ako ay gabing-gabi na. Ni hindi na ako nakapag-dinner.

"Gising ka na pala, Miss Janelle. Gusto mo na bang kumain?" tanong ni Caramel. Narinig ko na rin ang tunog ng tiyan ko.

Dahan-dahan akong tumango.

***

Kumakain ako sa may sofa. Dinala na nina Lenny ang pagkain ko dito sa kwarto nang biglang kumalabog ang pinto sa kwarto ni Gian. Kitang-kita ko rin sa transparent na salamin ang mabilis na pagpasok nito doon at parang badtrip na badtrip siya.

"Oh? Anong nangyari doon?" tanong ko kay Lenny.

"Uh, Miss Janelle. Kasi... Umalis sina Ma'am Mina at Sir Greg. Pumunta po sila sa Singapore, biglaan nga eh. Inihatid sila kanina sa airport, kasama si Young Master."

"Ano naman kayang problema niya bakit mukhang badtrip siya..." sabi ko sabay patuloy sa pagkain.

Nang matapos ako sa kinakain ko ay pumunta ako sa kwarto niya. Kaso wala siya...

"Gian?" tawag ko.

Inikot ko ang kwarto niya. Inikot ko na to noon pero walang, trip ko lang ikutin ulit. Baka nandito lang si Gian. Sa luwang ba naman nitong kwarto niya. Chineck ko ang CR pero wala rin siya doon.

Gusto ko lang naman siyang kamustahin. Nababagabag kasi ako sa kanya. Lagi nalang siyang malungkot o hindi kaya'y badtrip. Simula noong malaman kong tinanggihan ni Monique ang proposal niya ay nakaramdam ako ng matinding awa sa kanya lalo na rin noong ma-witness ko kung paano siya sunud-sunuran sa mga magulang niya. Parang kagabi... Noong i-tutor niya ako.

Umupo muna ako sa sofa niya. Hihintayin ko nalang siya, siguradong babalik rin yun.

Nakita ko ang remote sa isang tabi. Dinampot ko iyong at pinindot ang kulay red na button. Pero sa halip na bumukas ang flastscreen TV ay bumukas ang pader sa gilid ng CR. Nabigla ako at agad na ibinaba ang remote at tumayo.

Dahan-dahan akong lumapit doon at nakita kong isang secret room ata ito. Pumasok ako doon at nagulat ako sa mga nakita ko...

Sandamakmak na pictures ni Monique!

Napatalon ako nang may magsalita sa likod ko. "Anong ginagawa mo dito?"

"G-Gian!" bulalas ko.

Napaka-talim ng titig niya sa akin. Halatang galit siya.

"ANONG GINAGAWA MO DITO." Tumaas ang boses niya.

"A-ah.. Pasensya ka na. H-hindi ko sinasadya na mabuksan ito... A-akala ko kasi remote ng TV yung remote na nadampot ko-"

"PAKIALAMERA KA TALAGA KAHIT KAILAN!!" sigaw nito.

Hindi ako nakasagot dahil nagulat ako sa sigaw niya. Sinigawan niya ako.

"Lumabas ka na nga. Ayaw kitang makita..." kalmadong sabi nito pero rinig pa rin ang galit at inis sa boses niya.

Hindi pa rin ako nakakilos sa kinatatayuan ko.

"LABAS!!!" sigaw ulit niya.

"A-ah... Oo." sabi ko at mabilis na lumabas ng kwarto niya.

-----

Luuuh. Ano kayang problema ni Gian? Abangan. :P Comments please! Monique on the multimedia -->

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon