Chapter 25

1.8K 57 7
                                    

CHAPTER 25 - Happy Birthday Janelle!

Ilang buwan na din ang lumipas at naging magkaibigan na nga talaga kami ni Gian. Although naroon pa rin yung kasungitan at pagiging malamig niya minsan, hindi naman na siya masyadong harsh sa akin. Lagi niya pa rin akong pinapagalitan tuwing nagkakalat ako ng basura sa school o kung may nagagawa akong mga kabulastugan, school council president nga eh.

Pero madalas na rin siyang ngumingiti ngayon. Minsan ay sabay kaming nagla-lunch, minsan kasama rin si Troy at ibang mga kaibigan ko, minsan kasama rin ang mga kaibigan ni Gian na dati'y sobrang sama ng ugali sa akin.

Nagiging okay na nga ang lahat eh. Feeling ko masaya na at maayos na ang lahat. Wala na akong prinoproblema bukod sa grades kong hirap na hirap pa rin akong maiangat. Nag-aaral na nga ako nang mabuti ngayon dahil ayoko namang malaman nina Mom na puro bagsak ang grades ko samantalang pinag-aaral nila ako.

Linggo ngayon at maaga akong gumising. Pumunta ako sa simbahan at nagsimba para na rin ma-bless-an ako sa special day ko. Pagkatapos kong magsimba ay dumeretso ako sa sementeryo. Pero syempre, bumili muna ako ng mga bumaklak at kandila.

"Hi Ma! Kamusta ka na?" sabi ko habang sinisindihan ang mga kandila sa gilid ng puntod ni Mama.

"18 na ako, Ma! At malapit na rin akong grumaduate. Mag-aapply ako sa fashion schools para maituloy ko yung nasimulan ko ngayong high school." Umupo ako ng maayos sa damuhan at nagpatuloy sa pagkausap kay Mama. "Ang bait-bait sa akin  mga Ayala, Ma! Kahit si Gian, mabuti na ang pakikitungo sa akin." Napa-ngiti ako habang naiisip si Gian.

"May secret akong sasabihin, Ma."

Syempre hindi sumasagot ang puntod ni Mama.

"Si Gian... gusto ko siya, Ma." parang tanga akong bumubulong. "Ay hindi pala gusto, mahal? Mahal na? Hindi ko po alam basta ang alam ko masaya ako kapag kasama ko siya. Posible rin kayang magustuhan niya ako? Sana nandito ka pa, Ma, para may kakwentuhan ako tungkol sa lovelife lovelife na ito."

Umalis na rin ako nang tumaas na ng bonggang-bongga ang sikat ng araw. Hindi ko alam kung saan ako pupunta, uuwi na ba ako sa condo o kakain muna ako? Wala akong dalang kotse. Hindi ko naman kasi kasama sina Lenny. Kaya syempre, nag-commute ako.

Binuksan ko ang cellphone ko habang nakasakay sa bus. Binati na ako nina Queenie kagabi ng eksaktong alas dose. Si Troy naman, kahapon pa ako binati dahil sabay kaming kumain. Sina Lenny rin maagang nag-text. Sina Mom Mina at Tito Greg, nag-send ng flowers kaning umaga sa condo ko at may note na nakalagay, syempre.

Lahat na ng taong naisip kong pwedeng bumati ay bumati na bukod sa isang tao - si Gian. Pero hanggang ngayon, kahit man lang text, wala. Nakalimutan kaya niya? Teka, alam ba niya na birthday ko ngayon?

Dahil birthday ko naman ay naisipan kong pumunta sa mall. Magsha-shopping nalang siguro ako, tutal birthday ko naman eh.

Nag-ikot-ikot ako sa mall pero wala naman akong nabili. Walang kwenta. Parang may kulang talaga. Para akong tinatamad kaya kumain nalang ako. Binusog ko ang sarili ko sa Yellow Cab tutal minsan lang naman ito. Wala akong pakialam sa mga tingin ng mga tao sa akin, inubos ko lang naman kasi ng walang kahirap-hirap yung isang box ng pizza.

Happy 18th birthday sa akin!

Lumabas na ako ng mall at naghintay ng masasakyang taxi. Maya-maya'y may dumating na taxi kaya sumakay na rin ako agad. Mahirap na, baka maunahan pa ako.

"Kuya, sa Vieda Towers po."

Hindi umimik si manong at nag-drive. Hindi naman ako tanga para hindi mahalata pero iba ang daan na tinatahak ng taxi. Nakaramdam ako ng kaba nang maisip ko na baka may masamang balak sa akin si Manong taxi driver.

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon