Chapter 34

1.7K 48 8
                                    

CHAPTER 34 — Project

AYOKO NA. Ayoko na!! Halos mabaliw na ako dito kakaisip kung babasahin ko ba ang mga text messages ni Erika o isosoli ko nalang itong cellphone ni Gian. Ayoko sanang maghinala kasi may tiwala naman ako Gian kaso, sa malalanding babae, walang-wala!

Itinulog ko nalang ang pag-iisip. Nakatulog akong hawak-hawak pa rin ang cellphone ni Gian. Hindi ko binasa ang mga texts.

Nang magising ako'y naligo na agad ako at nagbihis ng uniform. Report ko mamaya at hindi pa ako masyadong ready. Si Gian nga ang tumapos ng slide show ko eh. Irereview ko palang 'yon mamaya.

Paglabas ko ng pintuan ay nakangiting mukha ng boyfriend ko ang nakita ko roon.

"Masakit ba ang ulo mo?" tanong niya.

 OO. SOBRANG SAKIT SA KAKAISIP KUNG ANONG MERON SA ERIKA NA YAN. "Hindi naman na."

Iniabot ko ang cellphone niya sa kanya at nag-iba ang expression ng mukha niya. Gulat ka, noh? Hahaha. Nilagpasan ko nalang siya at bumaba na ako papunta sa dining room kung saan naghihintay sina Lenny.

Sumunod rin naman si Gian sa akin. Nakakainis kasi parang wala lang. Wala lang talaga sa kanya. Hindi niya ba naisip na baka nakita ko ang mga text messages ni Erika sa kanya? Hindi ba siya worried? Walang itinatago?

Nang ihatid niya ako sa school ay tahimik ang byahe namin. Nakatingin ako sa tablet kung saan ko nirereview ang slide show ko para sa report ko mamaya. Syempre, dahil si Gian ang gumawa nito, sure ball na ako mamaya! Basta dapat maayos ko ang pag-eexplain.

"Ang tahimik mo naman." pambabasag niya ng katahimikan.

"Ha? Nirereview ko 'yung report ko." sagot ko nang hindi siya tinitingnan.

Hindi na siya umimik at nagpatuloy nalang sa pagda-drive. Ipinasok niya ang kotse hanggang sa mismong tapat ng building namin. Heto na naman tayo, nararamdaman ko na naman na siguradong pagtitinginan na naman kami.

In-unbuckle ko na ang seat belt ko at bubuksan na ang pinto.

"Don't move." Mabilis na bumaba si Gian, umikot papunta sa side ko at pinagbuksan ako ng pinto.

Napangiti ako. Sobrang gentleman talaga ng lalaking ito. Ang swerte swerte ko! Bumaba na ako ng kotse at isinara na ni Gian ang pinto.

"So... I will be fetching you later since hindi mo dala ang kotse mo."

Tumango lang ako.

"Good luck on your report." sabi na naman niya,

Ngumiti ako.

"Bye na?" sabi na naman niya.

"Bye." sagot ko naman.

"Bye na talaga?" sabi na naman niya.

He keeps on saying bye pero hindi naman siya umaalis. Natatawa nalang tuloy ko at medyo nahihiya kasi pinagmamasdan na kami ng mga estudyante. Sobrang head turner talaga ang kagwapuhan ng boyfriend ko, dagdag pa itong magarang kotse niya.

"Akin na nga 'yan bag mo at ihahatid kita sa classroom niyo." Mabilis niyang kinuha ang bag ko mula sa balikat ko. Hindi na rin ako nakapalag kasi kinikilig ako.

Alam ni Gian kung saan ang classroom namin. Syempre hindi lang naman ito ang unang beses na ihahatid niya ako.

"Here." sabi niya nang marating na namin ang classroom para sa unang subject ko.

"Thank you."

He gave me a quick hug and a quick kiss on my forehead.

I swear, narinig ko ang pagtili ng isang bading na nasa corridor. Hahahaha. Kinilig din si Ate.

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon