Chapter 21

2K 57 14
                                    

CHAPTER 21 – Maingay at Nakakairita

Pagkatapos ng dinner namin ni Ma’am Mina ay umuwi agad kami nina Lenny sa condo. Ang sabi nila ay doon na rin daw titira kasama ako simula ngayon. Ang magiging routine raw ay ihahatid nila ako sa umaga sa school saka sila babalik sa mansyon at saka nila ako susunduin sa hapon at uuwi kami sa condo. May isang guest room naman kaya doon nalang siguro sila magsisiksikan.

Nagkulong ako sa kwarto ko para mag-aral habang sina Lenny ay nanonood ng TV sa labas. Medyo marami talaga akong hahabulin sa klase. Bukod sa hinahabol na lesson, marami rin akong kailangang gawing activities. Iyon ngang mga na-miss kong quizzes ay pina-take home nalang. May isang pamatay na project pa kami sa Fashion Designing. Hindi ko nga alam kung paano ko tatapusin ang lahat ng ito.

Inuna ko nalang yung mga take home quizzes at natapos ko naman bukod sa Math. Isinunod ko ang mga activites na kasingkapal na ng isang libro, kalahati doon ay Math. Inihiwalay ko yung sa Math at nag-focus muna ako sa ibang subjects na kaya ng utak ko. Hindi ko pa nakakalahati ang mga yun pero napipikit na ang mga mata ko. Hindi naman ako minamadali sa pagpasa ng mga ito, pero ang gusto ko kasi matapos ko na agad para wala nang problema.

Tumayo muna ako at saka lumabas ng kwarto. Patay na ang TV at ang ilaw sa sala, malamang ay nasa kwarto na sina Lenny at natutulog. Kumuha ako ng isang baso ng tubig saka uminom habang dumudungaw sa overlooking na bintana ng condo ko.

Ano kayang ginagawa ni Gian ngayon? Hindi yun nag-aaral kaya malamang ay nakaupo o hindi kaya ay nakahiga lang yun ngayon. Wala si Monique sa tabi niya. Hindi ko alam kung anong dahilan pero siguradong nalulungkot yung taong yun. Kahit na puro galit at katarayan ang pinapakita niya, alam kong nasasaktan at nalulungkot siya. Mabuti nalang at okay na sila nina Sir Greg. Malaking epekto rin naman yun.

Dahil sa kung ano-anong tumatakbo sa isip ko ay inilabas ko ang cellphone ko. Hindi naman siguro masama kung tawagan ko siya di ba? Hindi ako pwedeng magpakita sa kanya pero pwede naman sigurong kausapin siya sa cellphone?

Kakamustahin ko lang naman siya eh. Gusto ko lang talaga marinig ang boses niya dahil miss na miss ko na siya. Kahit na magaspang ang ugali nun, nakaka-miss pa rin ang presenya niya. Hindi ko naman siya kukulitin o iinterviewhin tungkol sa nangyari sa kanila ni Monique eh.

Huminga ko ng malalim bago ko pinindot ang ‘Call’. Automatic na bumilis ang tibok ng puso ko. Naririnig ko na nga eh. Sa unang ring ay lalo akong kinabahan. Mabilis kong pinindot ang ‘End’ saka ko inilapag ang cellphone ko sa malapit na mesa.

Ano bang nangyayari sa akin? Wala naman akong nakikitang masama kung tatawagan ko siya pero natatakot ako kasi paano kung ayaw niya akong kausapin? Teka, paano ko naman malalaman kung hindi ko susubukan. Naku naman, Janelle...

Kukunin ko na sana ulit ang cellphone ko pero bago ko pa yun mahawakan ay bigla itong nag-ring. Halos mapatalon ako sa gulat. Dali-dali ko naman iyong sinagot dahil baka magising ko sina Lenny.

“H-Hello?” awkward na sabi ko.

“Janelle?”

Nanlaki ang mga mata ko at napatayo ako sa narinig kong boses. Parang nabuhay ang mga cells ko. Inilayo ko sa tenga ko ang cellphone ko at tiningnan ang caller ID. Oh my shocking nakakalokang goodness! Si Gian!

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon