Epilogue

3K 74 10
                                    

This is what you call semestral break!

Nandito kami ngayon sa Laguna, sa rest house ng mga Ayala. Sobrang na-miss ko rin kasi sina Manang Eva, Tatay Rolly at James. Kasama ko dito ngayon sina Jane, Jade at Queenie. Hindi sumama si Gian dahil saktong araw ngayon ng enrollment niya for second sem. Pero, susunod naman daw siya bukas.

Hindi man white sand, maganda ang beach dito dahil malinis at hindi malalaki ang alon. Suot-suot ang mga two piece namin, agad kaming lumusong sa malamig na tubig.

"Grabe, guys. Na-miss ko kayo!" sabi ko at nag-group hug kaming apat. Buong high school ay itong tatlong babaitang ito ang kasa-kasama ko. Noong nag-college nalang talaga kami nagkahiwa-hiwalay.

"Kumusta naman?" tanong ko habang nagflo-float silang tatlo. Ako lang talaga ang hindi pa marunong.

"May hindi sinasabi sa atin si Jane!" sagot ni Queenie.

"Ha?" tanong ko at agad na nilapitan si Jane. Tumigil naman siya sa pagflo-float at hinarap kami. Nagblu-blush pa siya!

"Ano 'yun, Jane?" tanong ko.

"Sabihin mo na! Loka ka!" sabi naman ni Jade. Eh mukhang alam na nila, ako nalang ang hindi nakakaalam.

"Si Jed..." sabi nito tapos halatang kinikilig. "KAMI NA!!!"

Nagtilian silang tatlo at nakita ko kung gaano kasaya ang kaibigan ko.

"Janelle, samahan mo naman kami sa pagtili!" sabi ni Jade.

"WAAAAAAAAAAAAAAADJHajksdkjahfkjsna! Congrats, Jane!" sabi ko at niyakap siya tapos nag-group hug na naman kami.

"Thank you! Thank you!" kinikilig pa ring sabi ni Jane.

"Magkwento ka! Paano siya nanligaw?" tanong ko.

"Wala nang ligaw-ligaw. Sila na agad!" sabi ni Queenie tapos tumawa sila.

"Baliw! Ganito kasi 'yun..." simula ni Jane.

Ikwenento niya ang simula ng lahat. Kung naaalala niyo 'yung panahong pumunta kaming magkakaibigan sa Boracay, doon nagsimula ang lahat. Kilig na kilig ang babaita habang ikwenekwento niya ang lovelife niya.

Nang umahon kami ay mabilis kaming naligo at tumambay naman sa may bahay kubo. Ang sarap ng haplos ng hangin kahit na ang init init ng sikat ng araw. Nakaka-relax ang ganito.

Nakatulog si Queenie at Jade na nakasandal sa isa't-isa habang busy naman si Jade sa pagtetext. Malamang ang boyfriend niyang si Jed 'yan. Dahil doon ay bigla kong na-miss ang buko pie ko.

Hinanap ko ang pangalan niya sa contacts ko at tinawagan ko siya.

Kaso, hindi niya naman sinasagot. Siguro busy 'yun sa enrollment. Mamaya ko nalang siguro siya tatawagan. Inilapag ko ulit ang cellphone ko at sinubukang matulog rin kaso hindi naman ako inaantok.

Kaya, nagpadala nalang ako ng text kay Gian.


To: Gian <3

Buko pie! I miss you :*


Pagka-send ko ng message ay nakatulog rin ako. Nagising nalang ako na papalubog na ang araw. Wala na 'yung tatlong kasama ko. Ang tanging nandoon ay si James na nakatingin sa akin.

"James!" sabi ko at lumapit naman siya sa akin.

"Nasaan sina Ate Queenie mo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi ko po alam." sagot niya.

Ah, baka lumalaon 'yung tatlong 'yun sa loob. Tiningnan ko ang cellphone ko pero walang reply si Gian doon. Hindi pa rin ba niya nabasa ang message ko?

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon