Chapter 28

1.8K 54 2
                                    

CHAPTER 28 - Honeymoon

Doon na kami kumain ng hapunan ni Gian. Knowing Manang Eva, hindi yun papayag na umalis kaming walang laman ang mga tiyan. Panay lang ang kwentuhan namin habang kumakain. Kung pwede sana kaming magtagal pa doon eh, kaso may pasok naman kami ni Gian kinabukasan.

"Delikado na rin kung magda-drive ka ng ganitong oras, Gian." sabi ni Manang Eva. "Dito nalang kayo magpalipas ng gabi at maaga nalang kayong umalis bukas."

Nagkatinginan nalang kami ni Gian habang parehong ngumunguya ng pagkain.

"Actually, I don't mind being absent tomorrow..." sabi ni Gian kaya agad akong napalingon sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin. "I think it's alright if we stay... a bit?" Hindi naman tanong yun, pero patanong talaga yung tono niya.

"Ano ka ba, G! Kailangan nating umuwi. Hindi tayo pwedeng umabsent. Last quarter na kaya! Tsaka mahirap ang umabsent, noh! Isang araw lang pero sobrang hirap mag-catch up." sermon ko sa kanya habang naka-upo lang siya sa kama, nakatingin sa akin at nakanguso na parang natatawa pa sa mga sinasabi ko.

"Ah basta! Uuwi tayo bukas!" sabi ko ulit sa kanya at talagang nakapamaywang na ako.

"Okay, okay..." sabi niya sabay talikod sa akin. Dumapa siya sa kama niya at kinalikot ang phone niya.

"Goodnight." sabi ko at naglakad na palabas ng kwarto niya.

"I just want to spend some time with you..." mahinang sabi niya. Natigilan ako at agad siyang hinarap.

"Ano yun?"

"Wala. Basta, uuwi tayo bukas. Matulog ka na." pagsusungit niya. Ni hindi man lang ako tinapunan ng tingin. DIretso lang ang tingin sa cellphone.

Pero kahit ang sungit niya, nangingiti pa rin akong lumabas ng kwarto niya. Hindi naman ako bingi eh. Narinig ko talaga yun, hindi lang imagination yun dahil totoo talaga yun! Gusto niya akong makasama?

Habang nakahiga ako sa kama ay bigla kong naisip na baka hinahanap na kami ngayon sa Manila. Agad-agad kong kinuha ang cellphone ko sa dala kong body bag na nakapatong sa side table. Napa-upo nalang ako habang ini-scroll ang 14 messages sa inbox ko. May ilang missed call rin.

Puro ito galing kina Lenny. Puro iyong tanong kung nasaan ako at kung magkasama ba kami ni Gian. Agad naman akong nag-type ng message para mareplyan siya.

Ako:

Nandito kami ngayon sa Laguna. Sorry, late ang reply.

Agad rin naman iyong tumunog bago ko pa man maipatong sa side table hudyat ng reply ni Lenny.

Lenny:

Kaka-text lang sa aming lahat ni Young Master. Tinawagan niya rin si Sir Greg. Nakuuuuu. Kayo ha ;) <3

Napa-iling ako sa reply niya at humiga habang naka-ngising nagrereply. Baliw talaga itong si Lenny. Marahil ay pinagpi-piyestahan na nila kami doon sa mansyon. Kung ano-ano na naman ang iniisip nila eh wala namang nangyayaring nakakaloka. Hehehe.

Maaga kaming gumising kinabukasan para na rin maka-uwi kami agad. Nagpaalam na kami kina Manang Eva at nangakong babalik kami. Kailangan kasi pag pumunta kami dito, yung matagalan. Kapag nakita mo na yung magandang dagat, parang ayaw mo na talagang umalis. Bitin talaga eh! Hindi na rin namin sila inabalang maghanda pa ng breakfast. Sabi ni Gian, dadaan nalang kami sa drive thru.

Napansin kong tahimik lang si Gian habang nagda-drive. Pasulyap-sulyap ako sa kanya pero seryoso talaga siya sa pagmamaneho. Siguro medyo badtrip pa siya kasi pauwi na kami ngayon.

"G..." tawag ko sa kanya.

"Hmm..."

"Okay ka lang?"

"Do I look like I'm not okay?" malamig na sagot niya. Hindi pa rin ako tinitingnan.

Hindi na ako nakasagot. Sungit pa rin! Napakamot nalang ako sa ulo ko at tumingin nalang sa bintana. Naririnig ko lang ay yung mabibigat niyang paghinga kaya in-on ko yung radyo niya sa kotse. Pero hindi pa rin ako mapalagay.

"G... Kailangan kasi talaga nating umuwi ngayon. Hindi tayo pwedeng umabsent. School Council President ka pa man din. Saka nalang tayo mag-chill kapag bakasyon na." malumanay kong sabi sa kanya. Bigla naman siyang napa-preno at tumingin sa akin. Buti nalang talaga naka-seatbelt ako.

"What are you talking about?"

"Eh kasi naman... Ang sungit mo." Umayos ako ng upo. "Akala ko kaya ka ganyan kasi gusto mong mag-stay pa tayo doon at huwag munang umuwi."

Bumalik siya sa pagmamaneho at hindi na sumagot. Pero bigla naman siyang nagsalita...

"I'm concentrating, ayokong madisgrasya tayo. Kaya matulog ka nalang, Janelle, and stop distracting me. I'm alright, okay?"

Napalunok nalang ako. Inaano ko ba siya? Nagsasabi lang naman eh. Maybe nadidistract siya kasi ang ganda ko? Asa pa more, Janelle!

Nakatulog rin naman ako at nang magising ay nasa Maynila na kami. Napalingon siya sa akin at agad kong pinahid ang mukha ko, baka naglaway ako.

"Dadaan pa ba tayo ng drive thru or diretso nalang tayo sa bahay?" tanong niya.

"Sa condo nalang ako."

"Ang sabi ko, drive thru or sa bahay. May sinabi ba akong condo?" Napalingon na naman ako sa kanya. Ano bang problema nito? Ang sungit talaga! Meron ba siya?

"Edi sa bahay niyo nalang..."

Weird talaga ng lalaking ito. Hindi ko alam bakit siya ganyan. Natulog na nga ako buong byahe eh. Ang sungit pa rin!

"PMS ba yan?" tanong ko sa kanya. Nakarating na kami sa mansyon ng mga Ayala.

"First day ko ngayon kaya dalian mo na. Bumaba ka na at pumasok sa loob. Get changed for school." sagot naman niya. Na-gets ang hirit ko.

Sinalubong ako nina Lenny pagbaba ko. Bumaba na rin naman si Gian at nakasunod lang sa akin. Matamis ang ngiti ng bawat taong makakasalubong namin. Ano naman kayang nangyari dito at parang good mood silang lahat?

Dumeretso muna kami sa dining area para makasabay kumain sina Mommy at Tito Greg.

"You're here! Kamusta ang honeymoon niyo?" naka-tawang sabi ni Tito Greg habang si Mom Mina naman ay sinalubong kami ng yakap ni Gian.

"P-po?" tiningnan ko si Gian na naka-ngisi lang doon. Pagkatapos niyang hilahin ang upuan para sa akin ay umupo na rin siya sa tabi ko.

"Tumawag itong si Gian kagabi. Ang sabi naghohoneymoon raw kayo sa Laguna." tumatawang sabi ni Tito Greg. "Ang bilis naman, anak!"

Naka-ngiti lang si Mom Mina at ako naman ay hindi makatingin ng diretso sa kahit na sino sa kanila. Nakakahiya! Walang hiya pero itong Gian na ito! Kung ano-ano palang pinagsasabi dito kina Tito.

"No, not really, Dad..." sagot ni Gian. "I'm still courting her..." sabi niya saka tumingin nang diretso sa mata ko na parang sinasabing, "Oo, Janelle, nililigawan kita kaya wag ka nang magpakipot."

"...Pero malapit na rin naman ang honeymoon." agad ko naman siyang sinapak pero tumawa lang silang lahat.

Sure na sure tong mokong na to ah. Tingnan nga natin kung sasagutin ko siya. Ha! Pakipot pa ako noh? Haba ng buhok!

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon