Chapter 13

1.9K 63 24
                                    

CHAPTER 13 – Just... leave

Janelle's POV

Umalis ako ng mansyon kahit na pilit akong pinigilan nina Lenny. Hinabol nila ako hanggang sa gate. Pero wala silang nagawa, maging ang mga body guards ay walang nagawa.

Umiiyak akong sumakay sa taxi. Hindi ko alam kung saan ako pupunta basta ang alam ko, kailangan kong umalis sa lugar na iyon dahil sobrang nasasaktan ako. Kung bakit, hindi ko pa alam.

“Saan ka, Miss?” tanong ng taxi driver.

“Hindi ko alam.”

“Pwede ba yun? Pumapatak ang metro, sayang ang pera mo.” Sagot nito.

“Dalhin mo nalang ako sa pinakamalapit na coffee shop.”

Hininto ni Manong ang sasakyan sa tapat ng isang Starbucks. Medyo malayo na ito sa mansyon ng mga Ayala. Nagbayad ako saka ako bumaba. Pinunasan ko muna ang mga luha sa pisngi ko saka ako pumasok. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung anong bibilhin ko dito. Wala akong ibang maisip kanina kaya coffee shop ang sabi ko.

Umupo lang ako sa isang bakanteng upuan sa labas ng shop. Walang masyadong tao dahil maaga pa naman. Kung may bumibili man ay puro take out.

Isinandal ko ang ulo ko sa mesa saka ako nag-iiyak. Sobrang nasasaktan akong marinig na wala man lang siyang pakialam sa akin. Kahit papaano naman ay magkaibigan naman siguro kami diba? Pero bakit ganun? Kahit katiting na concern man lang naman sana.

Pero yun nga ba talaga ang dahilan kung bakit ako umiiyak? Dahil wala siyang pakialam sa akin?

Eh sa totoo lang parang sumabog lahat ng ugat sa puso ko nang sabihin niyang ikakasal sila ni Monique.

This can’t be... Hindi pwedeng magkaroon ako ng feelings sa walang pusong Gian na yun!

“Excuse me?” narinig ko ang boses ng isang pamilyar na lalaki kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya. Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko siya.

“Sabi na nga ba, eh. Ikaw yan!” sabi niya sa akin. “Wait... Are you crying?”

“Hindi noh. Tumatawa kaya ako.” Sarcastic na sagot ko sa kanya. Hindi siya sumagot at tinaasan lang ako ng kilay. “Malamang! May luha nga diba? Edi umiiyak ako!” Inirapan ko siya saka ko ibinalik ang ulo ko sa pagkakasandal sa mesa.

Akala ko naman ay umalis na siya. Nagulat ako nang bumalik siya at inilapag sa mesa ang dalawang baso ng kape.

“Ano bang problema mo?” tanong niya sa akin.

“Bakit ko sasabihin sa iyo? Hindi naman kita kilala.” Sagot ko.

“Edi magpapakilala. I’m Troy.” Naka-ngiting sabi niya sabay lahad ng kamay.

“Janelle.” Sagot ko at saka ako nakipagkamay sa kanya.

“Now that you know me already, pwede mo na bang i-share ang problema mo?”

“Pwede bang hindi ko nalang i-share? Pwede bang sa iyo nalang?”

Humalakhak naman siya saka siya tumitig sa akin. Ako naman ay frustrated lang doon. Nag-iwas ako ng tingin kasi grabe ang titig niya.

“Hindi kasi ako sigurado sa nararamdaman ko.” Panimula ko. “Gusto ko na ata siya.”

“Oh tapos?”

“Eh hindi niya ako gusto! May iba siyang mahal.” Naiiyak na sabi ko na naman.

“Hindi ka pa naman sigurado diba?” tanong niya. “Siguraduhin mo muna.”

Help Me BreatheTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon