Bigla naman akong napaisip sa sinabi ni mayor. Matagal ko na ring gustong makapunta ng Maynila. Pero, lagi ko nalang tinatanong sa sarili ko kung paano? Wala kaming pera papunta ng Maynila.Nung sinabi ni Mayor yun, bigla kaming nagkatinginan ni nanay.
"Ahmmm.. sige po, paguusapan pa po namin yan ng anak ko mayor, maraming salamat po"
"Maraming salamat din po misis, asahan nyo po ang scholarship ni Tanya sa dadating na graduation nila"
Tumayo na kami at si mayor para maki pagkamay. Lumabas na kami ng opisina ni mayor.
Habang naglalakad kami pauwi ni mama, bigla siyang nagsalita."Anak, diba pangarap mong makapunta ng Maynila? baka ito na ang pagkakataon mo?" tanong niya habang nakangiti, pero alam kong peke ang mga ngiting yun.
"Ma paano .. wala tayong sapat na pera para pang gastos"
"Anak kung para sa pagaaral mo, may naipon kami ng tatay mo, pwede mong gamitin yun"
"Eh paano po kayo ni papa ng mga kapatid ko anong gagamitin niyo panggasos dito?"
"Anak huwag mo na kaming alalahanin, inipon talaga namin yun para sayo kasi alam naming gusto mo ring makapag aral sa Maynila. Wala namn kaming masyadong gagastusin dito sa probinsya, maraming pagkukunan ng pagkain at mga bagay dito"Napa isip ako ng ilang minuto. Iniisip ko na ayokong iwanan sila dito. Paano kung may mangyaring masama sa kanila tapos wala ako? Parang hindi ko kayang malayo sila sakin.
"Sige nay pag iisipan ko"
Bigla kaming napahinto sa isanng mataas na burol
"Tanya kahit ano pa ang disisyon mo susuportahan ka namin ng pamilya mo, nandito lang kami kahit anong mangyari ha.. tandaan mo yan"
Bigla naman akong niyakap ni mama at unti unti nang tumutulo ang mga luha ko sa mata.
Nang makarating na kami sa bahay.. nagpahinga na kami ni mama, pumunta si mama sa kusina para uminom ako naman sa higaan namin.
Nanay Rosa's P.O.V (nanay ni Tanya)
Pumunta ako ng kusina pagkauwi namin ng nakita ko ang asawa kong si Fred.
"oh ma nanjan ka na pala, ano sabi ni mayor?" tanong niya.
"okay na daw, asahan natin na makukuha na ni Tanya ung scholarship niya sa graduation nila sa susunod na linggo" sagot ko.
Bigla siyang tumabi sa akin sa pag upo habang dala dala ang kape niya.
"ahhhh... ehh bakit parang hindi maipinta yang mukha mo?? May nangyari bang hindi maganda?" tanong niya ulit.
"Pa, gustong mag aral ni Tanya sa Maynila"
"Maynila lang pala eh... ha???!!! ano Maynila????!!!"
Dahil sa gulat ni Fred eh nabuga niya ang kape galing sa bunganga niya.
"oo" sagot ko naman na may lungkot parin sa mukha.
"Pumayag ka naman?"
"Oo syempre! Yan na nga lang ang pangarap niya na matutupad natin sakanya ehh.. di paba natin ibibigay?? at syaka para sa pag aaral niya din yun... kahit na...kahit na di natin siya tunay na anak, gusto ko sanang matupad ang pangarap niya.
"Sabagay ako din naman ... teka, wala ka ba talagang balak sabihin kay Tanya ang totoo? Rosa, dalaga na si Tanya baka sakaling maintindihan niya ang lahat" seyoso niyang tanong.
"Fred, na-natatakot ako! Paano kung lumayo siya satin, iwan niya tayo. Fred hindi ko kakayaning mangyari yun" sabi ko habang umiiyak.
Bigla naman niya akong niyakap.
"Ssshhhh.... huwag mong sabihin yan kilala natin si Tanya pinalaki natin siya ng may mabuting puso, hinding hindi magagawa ni Tanya yun. Alam kong alam mo kung gaano tayo kamahal ni Tanya. Kaya tahan na haa... hindi mangyayari yun"
"Sana nga Fred, sana" sabi ko habang umiiyak padin.
Tanya's P.O.V
Hindi parin ako makatulog sa kakaisip kumg magaaral ba ako sa Maynila, naguguluhan na ako >_< Habang nagiisip ako ng malalim naisip ko din na uminom muna ng tubig, tumayo ako at kumuha ng tubig. Habang umiinom ako may naririnig akong naguusap sa kusina dun sa labas, si mama ata at syaka si papa, hindi naman ako chismosa pero narinig ko ang salitang 'Sabihin kay Tanya ang totoo' bigla akong nag kunot ng noo.. sabihin ang totoo sakin?? baka guni guni ko lang yun kaya bumalik na ako sa higaan ko at nakatulog.
6 na ng umaga ng Linggo kaya wala nanamang pasok. Pag gising wala na sila mama nasa trabaho na ang mga kapatid ko naman eh natutulog pa. Naglinis muna ako ng bahay at pagkatapos nun nag walis walis muna ako sa taspat ng bahay namin. Habbang naglilinis ako may parang tumatawag sa pangalan ko "Tanya!!" medyo mahina lng kaya hindi ko muna pinansin pero palakas na "Tanya! Tanya! Tanya!" lumingon na ako. Pagkalingon ko bigla akong natulala at nabitawan ang walis na hawak ko. Bigla akong tumakbo papalapit sa kanya at niyakap siya ng sobrang higpit..
------------------------------------------------------
Sino kaya siya??
hmmm... abangan :)
pls Vote :) and follow me :)
BINABASA MO ANG
My Poor Girl
Teen FictionWhat if a poor girl meet a rich boy? Magbabago kaya ang lahat kapag nagkakilala sila? ABANGAN :)