Tanya's P.O.V
Nagising ako sa mga manok na nasalabas, pero nagtaka ako bigla kasi wala namang manok sa labas ng bahay namin kaya bigla akong napa upo sa hinigaan ko at tumingin sa paligid.
"Waaaah!! Nasaan ako??" sabi ko sa sarili ko ng bigla lumabas si Sherwin. Anong ginagawa nya dito?
"Magandang umaga Tanya, gising kana pala, halika pinaghanda na kita ng almusal." bati nya sa akin.
"Te- teka paano ako nakarating dito?" tanong ko sa kanya.
"Kwekwento ko sayo mamaya, kumain ka muna." yaya nya. Kaya pumunta na ako sa lamesa nila at umupo. Hindi muna ako nagsalita at kumain muna. Nung tapos na akon kumain, bigla ng nagsalitasl si Sherwin.
"Nakatulog ka sa may tabing dagat kagabi. Naalala mo naman siguro kagabi na nagkita tayo diba??" tanong niya. Biglang pumasok sa utak ko lahat mg nangyari kagabi mula nung sa bahay pa namin ako hanggang sa tabing dagat at nagkita kami no Sherwin.
"Oo, naalala ko na" sabi ko.
"Hindi muna kita hinatid sa bahay nyo kasi nga malayo yung bahay mo ehh.. ang bigat mo kaya" pangaasar nya sa akin.
"Grabe ka naman. Hindi naman ako ganun kabigat eh" sabi ko.
"Biro lang, sige na mag ayos kana at ihahatid na kita sa inyo, baka nag aalala na sila sainyo" sabi nya at patayo na sya pero bago siya tumayo, nagsalita ako.
"Sherwin" tawag ko sa kanya.
"Oh bakit?"
"Ahhhmm... ehhh.. Sa-salamat ha sa lahat at tyska ako na pala maghuhugas ng mga pinagkainan natin" nahihiya kong sabi sa kanya.
"Naku... ok lang huwag na, ako na bisita kita dito noh. Sige na mag ayos kana"
Natawa nalang ako sa sinabi niya at nagsimula ng magayos.
Papunta na kami ni Sherwin sa bahay namin. Habang naglalakad kami narrlaramdaman kong may naka titig sa akin kaya lumingon ako kay Sherwin..
"Oh! Bakit ka nakatiyig sa akin? may problema ba sa mukha ko?" sabay hawak ko sa mukha ko.
"Wala, ang ganda mo kasi" napatigil ako sa sinabi nya pero tuloy tuloy pa rin sya sa paglalakad. Hinabol ko siya.
"Ang galing mo talaga mangbola noh!" sabay tulak sa kanya at nagpatuloy lang din ako sa paglakad. Nagulat ako ng bigla niya akong hinakbayan. Wow! Ang bigat kaya ng kamay nya!
"Ikaw talagaaaa!!" sabi sabay gulo ng buhok ko. Malapit na kami sa bahay namin. Hindi ko alam pero kinakabahan ako.
Nang palapit na kami ng palapit sa bahay, nakita ko na sila mama at papa at nung nakita na nila ako bigla silang huminto sa ginagawa nila at lumapit agad si mama sa akin. Niyakap niya ako ng may pag aalala sa mukha pero wala lang akong reaction.
"Tanya anak, saan kaba galing? nag aalala na kami sayo." hindi ko muna siya pinansin parang hindi ko pa kayang makipag usap. Bumitaw na sa akin si mama.
"Sherwin sige na mauna kana, salamat sa paghatid ha" paalam ko kay Sherwin.
"Walang ano man, sige tita manuna ako" at umalis na sya.
"Ma gusto ko munang magpahinga, papasok na ako." sabi ko kay mama na may malantang malanta ang boses at dumiretso na ako sa higaan ko. Hindi ko parin talaga maiwasan na isipin yung mga katotohanan bigla bigla nalang akong napapaluha dito. Haaay.. ayoko pa naman ng ganito! Nakatulala lang ako sa may bintana namin, mga ilang minuto na din akong nakatulala dito. Biglang dumating si mama kaya pinunasan ko na yung mga luha ko.
"Tanya pwede ba tayong magusap?" sabi niya habang palapit siya sa akin.
"Anak kausapin mo naman ako oh" yung sinabi niya na yun bigla siyang pumunta sa tapat ko sa may bintana habnag ako nakatulala parin sa labas ng bintana. Sa sobrang daming tanong sa utak ko ako na ang umang nagsalita.
"Nay, paano nyo ako nakuha?" yan agad ang tinanong ko sa kanya.
Rosa's P.O.V
Nung tinanong niya na ako, hindi na ako nagdalawang isip na sagutin yung tanong niya..
*FLASHBACK*
Grabe sobrang lakas ng ulan sa labas may bagyo nanamang parating. Nakatingin lang ako dito sa may labas ng bintana habang umuulan, medyo wala na akong makita kasi gabi na.
"Rosa, halikana kain na tayo" sigaw ni Fred mula sa kusina. Kaya pumunta agad ako sa kusina.
Tapos na kami kumain kaya nilinis ko na yung pinagkainan namin, kaming dalawa ang nandito sa bahay. Kasal na kami ni Fred pero wala pang anak. Habang naghuhugas ako may narinig akong umiiyak, inisip ko agad na baka si Fred ang umiiyak pero bakit naman siya iiyak. Kaya sinilip ko si Fred aa kwarto namin.
"Fred? umiiyak kaba?" tanong ko sa kanya.
"Haaa?? bakit naman ako iiyak?" nagtaka bigla ako kasi hanggang ngayon mag naririnig parin akong umiiyak.
"Wala ka bang naririnig na umiiyak?" bigla siyang lumabas ng kwarto at pinakikinggan niya ung umiiyak.
"Oo nga noh may umiiyak, baka bata."
"Haa.. umuulan at gabi na paano magkakaroon ng bata sa labas" sabi ko naman sa kanya. Kaya binuksan namin yung pinto, habang binubulsan namin yung pinto palakas ng palakas yung iyak. Pakiramdam ko nasa labas lang siya ng bahay.
"Wala namang tao ehh" takang tingin ni Fred sa malayo.
"Fred! ... tignan mo" sabi ko sakanya tas tumingon sya sa may baba. Umupo ako kasi may baby kaming nakita na nasa basket na nakapalupot ng tuwalya sa buong katawan niya at may nasuot na kwentas na may pangalan at ang pangalan dun ay Tanya. Satingin ko mga 3 months palang tongg batang to. Binuhat ko yung baby at tumingin tingin sa paligid baka kasi nandito pa yung magulang niya.
"Ba-Bakit may bata diyan?" takang tanong ni Fred.
"May nagiwan ata dito" sabi ko habang nakangiti ako sa bata.
"Ang gandang bata naman nito." sabi ni Fred habang hinahawakan niya ung pisngi ng baby
"Ehh anong gagawin natin diyan? hindi ba natin sya ibabalik sa magulamg niya?" sabi ni Fred na may pagkamot pa sa ulo.
"Ano kaba Fred, syempre aalagaan na natin tong batang to. Nakita mo namang iniwan lang sya sa labas ng bahay wala naman tayong nakitang ibang tao sa labas ehh" sabi ko.
"Aampunin natin siya?" tanong niya.
"Ganon na nga" sabi ko habang nilalaro ko yung bata.
Hindi na nakapagsalita si Fred at sinara yung pinto, alam ko namang papayag siya kapag ganon.
"Rosa, may papel pang naiwan sa basket nung baby oh" sabi sa akin ni Fred at binigay yung papel. May naka sulat sa papel na ...
Nakikiusap ako alagaan nyo ng mabuti ang anak ko, palakihin nyo siya ng maayos at mahalin nyo sya na parang tunay na anak. Wala na akong ibang mapuntahan, kaya dito ko siya dinala. Salamat.
-Nanay.Yan yung nakasulat, pagkatapos kong basahin yun tumingin agad ako sa bata.
"Fred mangako ka ring, aalagaan natin siya ng maayos at papalakihin ng maayos at mamahalin na parang tunay na anak." sabi ko na nakangiti
"Oo pangako" sabi naman niya.
May napansin akong balat sa balikat niya, ito ata ang Birthmark. At hinalikan siya sa noo.
*END OF THE FLASHBACK*
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Sorry kung may mga errors ha..
Keep reading guys!~~
Follow me ! :*
BINABASA MO ANG
My Poor Girl
Dla nastolatkówWhat if a poor girl meet a rich boy? Magbabago kaya ang lahat kapag nagkakilala sila? ABANGAN :)