Tanya's P.O.V
"Tanya! Tanya! Gising! Kain muna tayo ng tanghalian" rinig kong sigaw ng alarm clock ay este ni Kim pala, kasi naman ehh sa sobrang lakas ng boses parang alarm clock eh. Nagunat unat muna ako tsaka ko kinuha yung baon kong kanin.
Pagkatapos kong kumain, tulala nalang ako sa may bintana. Tulog, gising lang ang ginagawa ko sa buong byahe namin, nangangawit na nga yung pwet ko ehh. Mag gagabi na rin pero bukas pa ata kami ng umaga makakarating sa Maynila, kaya natulog nalang din ako kasi tulog narin tong katabi ko eh.
~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Be!!! Tanya!!!! Nandito na tayo!!! Gising naaa!!!" hoooo! yung alarm clock ko nagiingay na naman.
"Oo eto na." pag gising ko inayos ko na yung mga gamit ko kasi malapit na daw kami baba. Haaay sa wakas makakagalaw na yung pwet ko. Dahan dahan nang ng huminto yung bus tsaka sila nagbabaan dahil nasa huli kami mamaya pa kami makakababa.
Nung naka baba na kami, napatingin muna ako sa paligid, pumunta agad ako dun sa may gilid ng kalsada tumingin tingin sa paligid. Pinikit ko yung mata ko at huminga ng malalim pero bigla akong napaubo nung dumaan ung kotse sa gilid ko, epal yung usok! -_-
"Hooy ok ka lang teh?" tanong ni Kim.
"Ahh, oo. Ganito pala dito sa Maynila noh!" sabi ko sabay ngiti.
"Oo, halika kana maghanap na tayo ng taxi." sabi ni Kim.
"Teka lang, gutom na ako eh, kain muna tayo" nakanguso kong sabi.
"Sabagay, halika may alam akong kainan dito." sabay hila ni Kim sa akin.
Dinala niya ako sa 'Lugawan101' na karinderia.
"Ate dalawang order po ng lugaw." sabi ni Kim sa babae at pumwesto kami sa may labas na lamesa.
"Paano mo nalaman to?" tanong ko sa kanya.
"Dito kami kumain ni mama nung pumunta kami dito sa Maynila" sagot niya at tumango nalang ako.
"Dalawang lugaw, eto na po." sabi nung lalaking nag abot sa amin. Kumain lang kami ng kumain ni Kim, mura lang naman at tsaka masarap din kaya nagdagdag pa ako.
Nung tapos na kami magbabayad na kami, kinuha ko yung wallet ko at nilabas yung 500 para kunin ung mga bariya. Nagulat ako ng may biglang humablot nun..
"Waaaaaaaaaaahhh!! Magnanakaw!!" sigaw kong sabi tsaka hinabol ko yung kumuha ng pera ko. Pero ang bilis niyang tumakbo, mabagal lang akong tumakbo kasi ang dami ko ngang kinain. Wala na akong nagawa kung di huminto nalang at hinayaan siya bigla kasi siyang nawala tsaka pagod na ako malayo rin narating ko mula dun sa pinagkainan namin.
"Tanya!!!!" rinig kong sigaw ni Kim sa likod ko pero hindi na ako lumingon. Nakahawak lang ako sa tuhod ko at nakayuko. Nakakainis talaga ngayon pa ako nanakawan kay malas nga naman oh, kararating ko lang dito tas ito agad ng yari sa akin! pamasahe ko pa yun papunta kanila Sherwin pero nawala na.
"Ok ka lang?" nagaalalang tanong ni Kim habang hinahaplos niya ung likod ko.
"Oo" sabi ko tas inangat ko yung ulo ko tas punas sa luha ko, umiyak pala ako.
"Hindi ko na siya nahabol" sabi ko kaya Kim.Nakatingin yung mga tao sa amin habang naglalakad kami pabalik.
"Hayaan mo na importante walang nangyaring masama sayo" sabi ni Kim sa akin. Nakarating na kami dun sa pinagkainan namin.
"Binayaran ko na nga pala yung kinain natin" sabi ni Kim.
"Salamat ha" sabi ko nalang.
"Ate, salamat po sa pagbantay ha. Pasensya na po kayo." sabi ni Kim sa babaeng matanda na pinagbantay niya ng gamit namin.
BINABASA MO ANG
My Poor Girl
JugendliteraturWhat if a poor girl meet a rich boy? Magbabago kaya ang lahat kapag nagkakilala sila? ABANGAN :)