Tanya's P.O.V
Ang aga ko na naman nagising, lunes na ng umaga kaya yun may pasok na ulit. Ginising ko na ang mga kapatid ko para mag asikaso. Nang tapos na kami nag asikaso lumabas na kami ng bahay. Sila mama't papa ay nauna na.
Nang makarating na kami sa school namin, dumiretso na kami sa kanyang kanyang room namin.
Pagkapasok ko umupo ako agad at nag head down feeling ko kasi inaantok pa ako.
"TANYA!!" nagulat ako ng biglang sumigaw sa tabi ko si Kim
"Waaaaaaaaah!!! Ano ba Kim inaantok pa ko ehh" reklamo ko.
"May tatanong lang ako, saan ka magaaral ng college?" tanong niya.
Bigla akong natahimik at natulala habang naka head down padin.
Umayos na ako ng upo.
"Baka sa Maynila pero hindi pa naman sure" sabi ko.
"Talaga?!! Baka dun din ako. Kapag dun tayo sabay tayo. May alam akong apartment na matitirahan natin, tita ko ang may ari nun."
"Ahhh... sige" Bigla naman akong ginanahan kasi pag may tyansa akong makapg aral dun eh may matitirahan ako at may kasama ako.
Uwian na
Kasabay ko na ang mga kapatid ko umuwi. Pagka uwi namin, nagulat ako ng nakita kong nakaupo si Sherwin sa labas ng bahay na may parang hinihintay at may dalang isang piraso ng Rosas.
"Hi Kuya Sherwin, hinihintay mo ba si Ate Tanya??" tanong ni Ben habang ngumingiti.
"Ano ba kayo, pumasok na kayo sa loob at magbihis" utos ko sa kanila, at pumasok din sila. Epal talaga tong mga kapatid ko ehh. -____-
"Ayyy.. Sherwin, Ano nga palang ginagawa mo dito?" tanong ko.
"Ahhmmm.... gusto ko sanang makabawi sayo, tagal na natin kasing hindi nkapag bonding kaya kung pwede yayayain kita pumasyal" sabi niya na naka yuko at nagpapacute.
"Hahahaha... Sige na nga, magbibihis lang ako" sabi ko na nakangiti. Bago pa ako pumasok, nagsalita siya.
"Ayy Tanya wait lang, ito bulaklak para sayo" inabot niya sa akin ung rosas habang nakangiti siya. Kinuha ko naman yon.
"Salamat" at pumasok na ako.
Nagbihis na ako .. di ko alam kung ano susuotin ko. Nakatayo ako ngayon sa tapat ng mga damit ko, iniisip kung anong magandang susuotin. Pinili ko yung pantalon at blue na tshirt at nag sombrero, hindi kasi ako nagsusuot ng masyadong pambabae naiirita ako di ko alam. Lumabas na ako.
"Tara na" yaya ko kay Sherwin.
"Saan tayo?" tanong ko.
"May alam akong magandang lugar" nagulat ako ng hinila nya ako patakbo. Nag para kami ng jeep na may mga dalang sako ng mga gulay, nakisabay na kami, at dahil puno ang loob ng jeep, dun kami sa bubong ng jeep. Nang naka akyat na kami pina andar na yung jeep.
"Saan ba tayo pupunta?" tanong ko.
"Basta sumunod ka nalang"
"Tsk. Malayo pa ba??"
"Oo malayo pa.. kung gusto mo matulog ka muna"
Anoooo!!?? Malayo pa daw haaay... sabagay inaantok pa din ako. Nung papikit na ako, hinila ni Sherwin yung ulo ko para isandal sa balikat niya.
"Sige na matulog kana" sabi niya na nakangiti sa akin. Hindi na ako umimik at natulog na ako.
After 2 hours.
Nagising na ako na naka sandal parin ang ulo ko kay Sherwin. Naka sandal naman siya sa patong patong na sako ng gulay. Ang sarap parin ng tulog niya, tinititigan ko lang siya habang natutulog, mas lalo siyang gumwapo ngayon.
"Waaaaah!!" nagulat ako ng bigla siyang nagising at ginulat ako halos mapahiga na ako sa gulat.
"Ikaw haa... makatitig ka jan haa parang walang bukas. Sa sobrang gwapo ko eh napatanga ka jan" pagyayabang niyang sabi.
"Hala hindi ahh, hindi naman ako nakatingin sayo eh." pagdedeny ko. Pero feeling ko namumula ako! -__-
"Bakit namumula ka?" bigla nalang akong tumalikod sa sinabi niya at kinapa ang pisngi ko habang nakanguso. Bakit ba kasi ako namumula?
"Dito nalang po kami kuya" sigaw ni Sherwin sa nagdradrive.
Hininto naman ni kuya at bumaba na kami.
"Salamat po kuya. Ingat po kayo" sabi ko.
Hinila na naman ako ni Sherwin patakbo habang hawak hawak niya ang kamay ko. Excited to lagi di ba pwedeng maglakad? -___- tsk!. Hinila niya ako dun sa mga marami at malalaking dahon. Huminto kami sa gitna ng mga malalaking dahon.
"Oh bakit tayo huminto??"
"Pikit ka muna" utos niya.
"haaa.. bakit??"
"Basta pumikit ka nalang"
Pumikit nalang ako. Ramdam ko parin ang mga kamay niya sa mga kamay ko. Ramdam ko din ang paghila niya sa akin.
Bigla na kaming tumigil.
"Oh pwede ka ng dumilat" sabi niya.
Dahan dahan kong dinilat ang mata ko, ng nakita ko ang magandang view sa harap ko. Sobrang ganda ng lugar na ito, makikita mo ang mga bundok at mga ilog, magandang langit, nandito kami sa mataas na bundok makikita mo ang lahat, mga magagandang tanawin, tahimik dito ang fresh ang mga damo, masarap ang simoy ng hangin,marami ding mga bulaklak na magaganda. Tumakbo ako doon sa malayo.
"Grabe ang ganda dito, ngayon lang ako nakapunta sa ganitong lugar" sabi ko kahit nasa malayo si Sherwin nakatingin na ngumingiti sa akin. Lumapit na si Sherwin sa tabi ko.
"Maganda ba?"
"Oo sobra. Kung pwede lang dito tumira ehh, dito na kami titira" napatawa lang siya sa sinabi ko.
"Paano mo nga pala nalaman tong lugar nato?" tanong ko.
"Dinala ako ni mama dito bago siya namatay. Hindi ko alam kung paano niya nalaman to." paliwanag niya.
"Ohh talaga? ehh bakit ngayon mo lang ako dinala dito?" tanong ko ulit.
"Napagisipan ko na dadalhin kita dito paguwi ko dito galing Maynila"
"Salamat at dinala mo ako dito" sabi ko habang nakangiti sa kanya.
Umupo kami sa damuhan.
"May sasabihin ako sayo" sabi ni Sherwin na nakatingin parin padiretso.
"Ano?" tanong ko na may halong kaba mukha kasi siyang seryoso sa sasabihin nya.
"Babalik ako ng Maynila" tipid nyang sagot na sobrang ikinagulat at ikinalungkot ko.
"Haaa??? babalik ka sa Maynila? Kailan?? tanong ko na may malungkot na boses.
"Oo. pagtapos ng graduation mo.. pero ito sana ang ipangako mo sa akin..." kinakabahan ako sa sasabihin niya.
"Ano?"
"Pag uwi ko sana sa Maynila ay sana sumunod ka dun. Puntahan mo ako."
"Pero..." bago pa ako makapagsalita eh niyakap niya ako at natahimik nalang ako.
"Ahh.. o-oo.susunod ako, Pangako" paputol putol kong sabi. Sinabi ko yun habang yakap yakap padin siya. Hinarap niya ako...
"Pangako mo yan ha, susunod ka" sabi niya at tumingin siya sa paligid na nakangiti ako naman ay nakatingin lang sa kanya at iniisip kung bakit siya babalik ng Maynila.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Keep reading guys. pls vote :*
lobve you guys ♥
BINABASA MO ANG
My Poor Girl
Teen FictionWhat if a poor girl meet a rich boy? Magbabago kaya ang lahat kapag nagkakilala sila? ABANGAN :)