Tanya's P.O.V
Linggo ngayon kaya medyo tunganga lang kami sa bahay. Walang masyadong magawa, nuod lang ng TV siguro ang ginawa ko. Si Kim kanina pa kumakain, yung kambal naman kanina pa rin nag ce-cellphone prang di na nga binitawan eh.
Habang nanunuod ako nagiisip din ako kung ano ang dapat kong gawin. Naisip kong magayos ng mga damit ko sa kabinet, pumunta ako dun at binuksan iyon. Tinanggal ko isa isa yung damit ko, nung pagkakuwa ko ng isang damit ko may biglang nahulog na papel, pinulot ko ito at may nabasa akong address.
"Teka...." sabi ko. Tapos ngayon lang pumasok sa isip ko si Sherwin.
"Si Sherwin!" gulat kong sabi.
Nung naalala ko siya dali dali kong binalik ung mga damit ko sa kabinet at dali dali ding nagbihis, nilagay ko din sa bulsa ko yung papel na may address.
"Oh Tanya! Bakit nakabihis ka? Saan ka pupunta?" tanong ni Kim.
"May pupuntahan lang ako, saglit lang ako" sabi ko. Ayokong sabihin sa kanya kasi baka sumama pa siya, gusto ko kasing magisa nalang.
"Oh sige, ingat ka" sabi ni Kim, ngumiti at tumango lang ako sa kanya tsaka na lumabas ng kwarto. Tanghali na ng umalis ako kaya nagsuot ako ng sumbrero.
Nang makalabas na ako sa bahay napatigil ako. Paano ako makakrating dun kung di ko alam ang sasakyan? Bigla kong naisip yung sinabi ng taxi driver sa amin ni Kim nung papaunta kami dito, sabi niya na medyo malayo dito ang San Juan at sasakay ka ng bus. Kaya pumunta ako sa sakayan ng bus malapit dito sa amin.
Habang naglalakad ako, may bumubusina na sasakyan sa bandang gilid ko, di ko siya pinansin kasi baka di naman pala ako yung binubusinahan niya. Pero hindi parin talaga siya tumitigil sa pagbusina at nakikita ko sa gilid ko na sinusundan niya ako sa paglalakad, bumusina siya ng mahaba tsaka na ako tumingin sa kotse, tinitignan ko sa loob pero di ko nakita dahil sa salamin ng kotse niya. Maya maya dahan dahang bumaba yung salamin at nagulat ako sa nakita ko.
"Si-sir Ralph?!" pasigaw kong sabi. Pero nakatingin lang siya sa akin.
"Naku sir ikaw pala yan, sorry po sir, hindi ko alam" pagmamaka awa ko.
"No, its okay. Where are you going?" seryosong tanong niya.
"Ahmm... sa San Juan po." sagot ko.
"San Juan? malayo yun ha!" sabi niya.
"Alam nyo po ba yun?"
"Come, sakay na" nagulat ako sa sagot niya.
"Po?" nagtatakang tanong ko.
"I said sakay na, dadalhin kita dun" sabi niya.
"Naku sir, malayo nga yun eh huwag na tsaka baka maistorbo ko pa lakad mo." sabi ko nalang. Nakakahiya kaya.
"Wala akong lakad, wala akong magawa sa bahay kaya naisipan kong lumabas. Kaya sakay na." sabi niya.
"Pero sir....." bago pa matapos ung sasabihin ko nagsalita siya.
"Tanya." sabi niya tsaka ngumiti nanaman siya sa akin na nakakaloka, ngiti na nagsasabing sundin ko siya kasi boss ko sya. Wala na akong nagawa kundi sumakay sa kotse niya.
"Okay! Come on!" sabi niya na parang masaya at pina andar niya yung sasakyan niya.
"Why are you blushing?" tanong niya. Hinawakan ko yung pisngi ko para pigilan.
"Ahhmm... ganito na talaga ako kapag nahihiya, so-sorry"
"No its okay, I understand" sabi niya sabay ngiti. Mga ilang minuto din kaming tumahimik. Medyo matagal tagal din kaming bumabyahe.
BINABASA MO ANG
My Poor Girl
Teen FictionWhat if a poor girl meet a rich boy? Magbabago kaya ang lahat kapag nagkakilala sila? ABANGAN :)