Tanya's P.O.V
Maaga kaming nakarating ng school kasi ayaw na namin talagang malate kaya medyo inagahan namin. Dala dala ko rin ang plastic na may jacket at kumot ni Paul, isasuli ko na.
Pumasok ako ng room at hinanap ko si Paul, pero hindi ko siya nakita. Nasa may pinto palang ako kaya nagpaalam muna ako kanila Kim na mag C-CR ako pero hahanapin ko lang naman si Paul ayoko ko na kasi siyang kausapin mamaya sa maraming tao.
"Kim, CR lang ako" paalam ko at tumango sila.
Pagkalabas ko ng room, napatigil ako bigla ng makita ko si Paul sa labas ng pinto ng room nila Dianna, nakatalikod siya sa akin kaya di niya ako makikita. Medyo naaawa na ako kay Paul eh kasi madalas ko na siyang nakikitang nagaabang sa labas ng room nila Dianna o di kaya sasalubungin niya si Dianna pag nakita niya sa daan, pero hindi naman siya kinakausap, ano ba talaga kaya ang nangyari?!
"AAAAHH!" madiin kong sabi kasi may bumangga sa akin. Si Justine tsaka si Leo.
"Tanya! Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Justine pero di ako nakasagot agad ng biglang nagsalita si Leo.
"Bro look!" sabi ni Leo sabay turo sa direksyon ni Paul.
"Haaaay! Ayan na naman siya, nag aabang nanaman sa wala!" sabi ni Justine.
"Ganyan ba siya kadisperada kay Dianna!?" mataray kong sabi.
"Tanya, you don't know how it feels, oo di mo nga talaga alam kasi di mo pa ata naranasan magmahal" napatingin ako sa sinabi ni Leo.
"You know, Paul loves Dianna very much. Matagal ng sila pero nagbago yun nung pumunta ng ibang bansa si Paul. Lagi naman daw tinitxt ni Paul si Dianna, he also call pero minsan nalang sagutin ni Dianna." sabi ni Leo habang nakatingin sa likod ni Paul.
" At nung pagkauwi niya dito sa Pinas... biglang nakipaghiwalay si Dianna kay Paul. Nagisip si Paul kung ano ang pwedeng dahilan kaya nakipag break si Dianna, pero wala, hindi naman kaya ni Paul na lokohin si Dianna eh kasi nga mahal na mahal niya si Dianna at hindi daw siya titigil hanggat di sila nagkakabalikan" napatingin nalang ako kay Paul habang sinasabi yun ni Justine.
Nagkaroon naman ako ng konting awa kay Paul at parang naguilty ako. Ganun pala talaga siya magmahal noh.
"Oo nga pala Leo! May assignment pala tayo! Halika na sagutan muna natin!" sabi ni Justine at nagmadaling pumasok sa room.
Nakita kong papunta na si Paul sa direksyon ko kaya bigla akong tumalikod. Huminga muna ako ng malalim bago humarap, pagharap ko....
"WAAAAAAH!!" sigaw ko kasi pagharap ko ang lapit na ng mukha niya sa akin tapos tinulak ko siya.
"Bakit mo ako tinulak!!?" sabi niya sabay pitik sa tenga ko.
"Aray!" reklamo ko, ang sakit kaya! Epal talaga to!
"Anong ginagawa mo dito? Hinihintay mo ako noh? Kung may gusto ka sa akin, sabihin mo lang" pagmamayabang na naman niya, ang kapal niya noh! Azar!
"Oo hinahantay kita pero hindi yun ang dahilan! Oh!?" sabi ko sabay abot ng plastic na may jacket at kumot niya.
"Ano yan?" tanong niya.
"Yung... yung jacket at kumot mo!" sabi ko. Kinuha naman niya yun at tinignan na parang nagtataka.
"Nilabhan ko na yan! Amoy Downy pa yan!" sabi ko. Inamoy naman niya yun pero tinaasan niya lang to ng kilay.
"Sige na" sabi niya at paalis niya. Hinarangan ko siya sa kanan ng kamay ko para tumigil siya sa pagalis.
"Saglit" sabi ko.
"What!?" naiinis na sabi niya.
"Sa-salamat" nakayuko kong sabi. Matagal bago siya magsalita ulit.
BINABASA MO ANG
My Poor Girl
Genç KurguWhat if a poor girl meet a rich boy? Magbabago kaya ang lahat kapag nagkakilala sila? ABANGAN :)