Chapter 19

239 8 2
                                    

Tanya's P.OV

Nakaupo parin ako sa kama ko at naiirita, gusto ko pa kasing matulog dahil dun sa napaginipan kong kapit bahay ko ang EXO tapos hinawakan ni Chanyeol yung mukha ko sa sobrang pula tapos sinalo ako ni Baekhyun kasi nahulog ako habang yung pisngi ko pulang pula, kaso nakaka asar kasi bigla akong nagising. Yun na yun ehhh!! Kahit sa panaginip man lang makasama ko sila. Aaaaahhh!!!

Nung naisip kong ngayon pala ang unang araw ng pasok namin bigla ako nakaramdam ng excitement at kaba. Mga 5:00am ako nagising, yung klase naman namin ay 7:30am. Tumayo na ako sa kama ko at nag unat unat ng mga kamay ko, habang yung tatlo mahimbing pang natutulog kaya di ko muna sila ginising. Lumabas ako ng kwarto mukhang may mga tao ng gising kasi nakabukas na yung ilaw, nagtimpla ako ng kape at umupo, nakatulala ako habang nakangiti kasi iniisip ko pa rin yung panaginip ko, kinikilig kasi ako kaya hindi ko maiwasang ngumiti. Nung tapos na ako magkape ginising ko na yung tatlo para makapaghanda.

"Kiiiiim!! Gising na! May pasok pa tayo!" sabi ko habang inaalog siya. Bigla naman siyang umupo.

"Mia! Maya! Gising na!" sabi ko habang inaalog din sila.

"Hmmmm... Inaatok pa ako." sabay na sabi nung kambal. Tinagal ko yung kumot nila para magising.

"Ano bayan! Tanya!" napa upong sabi ni Maya.

"Anong ano bayan? May pasok pa kaya tayo!" sabi ko at bigla naman ng tumayo si Mia at nagunat unat, kaya tumayo na rin si Maya.

Pumunta na yung tatlo sa kusina para magkape habang ako nauna ng maligo. Pagkatapos ko ay sumunod na si Kim at yung kambal. Sinuot ko na yung uniform namin habang nakaharap ako sa salamin. Ngayon lang ako nakasuot ng ganitong kagandang uniform. Sinuot ko na rin yung bagong bili ko na sapatos. 6:30 na kami natapos sa pag aayos lahat, yung kambal halatang nag plantsa pa ng buhok.

"Tara na guys! I'm so excited na for our first day in Princeton University!" tuwang tuwa na sabi ni Mia.

"Oo nga! Tsaka baka maraming cute and handsome boys dun! Waaah!" kilig naman na sabi ni Maya.

"Ayaaan!! Pinapa iral mo na naman yang kalandian mo!" sabi ni Mia.

"Pake mo ba!" irap na sabi ni Maya sa kapatid.

"Ohh.. ang aga aga eh nag aaway kayo jan" sabi ko sa kanila. Bigla naman silang natahimik.

Habang naglalakad kami pumara na kami ng jeep. Dalawang sakay kami bago makarating sa school namin. Nung bumaba na kami ng jeep ay naglakad muna kami ng kaunti papuntang P.U. Saktong 7:00 kami nkarating ng school. Habang papasok kami sabay namang nagsipasukan ang mga magagarang sasakyan sa loob, halos lahat ng estudyanteng pumapasok dito ay naka kotse.

"Halika tignan natin yung room natin kung saan" yaya ni Kim tsaka kami tumango.

Habang naglalakad kami sa hallway marami ng estudyante at halos sila ay nakatingin sa amin. Ano bang meron? Meron bang mali sa kasuotan namin at parang papatayin nila kami sa titig nila.

"Who's that?"

"Bagong students ba sila?"

"Ngayon ko lang sila nakita ah" Yan yung mga naririnig ko sa mga tao habang naglalakad kami kaya yinuko ko nalang yung mukha ko at ramdam kong namumula yung pisngi ko sa kahihiyan. Nakakahiya kaya. Bigla naman naming nakita ung bulletinboard ng school at hinanap kung saan yung room namin, nasa 4th floor section Blue, feeling ko ang mga sections nila dito ay mga colors. Paakyat na sana kami ng bigla kaming nakarinig ng sigaw ng mga babae at parang kinikilig sa mga lalaking dumadaan, napatingin naman ako sa mga lalaki... teka..

"Tanya diba siya yung nakabangga mo nung unang punta natin dito?" taning ni Kim sabay turo niya sa lalaking nasa gitna tapos may kasama siyang dalawa. Kaya napatingin ako sa lalaking mayabang na yun.

My Poor GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon