Tanya's P.O.V
Nagising ako ng sumakit yung ulo ko at ang sama ng pakiramdam ko. Nasa bus na pala ako, paano ako nakarating agad dito, tumingin ako sa katabi kong si Kim, tulog pa. Nakapulupot ako ng kumot at nakasuot ng jacket.
"Oh!! Kanino to?" sabi ko sabay tingin sa kumot at jacket at naalala kong suot to ni Paul ting jacket at dala niya tong kunot, sa kanya kaya to? bakit naman nasa akin?
"Aaaaaahhhhhh...." rinig kong unat ni Kim.
"Oh, gising kana pala, okay ka na ba??" nag aalala niyang tanong.
"Ahmm.. medyo, pero konting pahinga lang to" sabi ko.
"Ahh.. inumin mo pala daw to sabi ni ma'am Grace" sabi niya sabay abot ng gamot at tubig tsaka ako tumango at ininom yung gamot.
"Kim, kanino tong jacket at Kumot?" curious kong tanong.
"Kay Paul yan" nanlaki yung mata ko sa sagot niya.
"Ka-kay Paul?!!" mahina kong sabi pero pagulat baka kasi marinig ni Paul sa likod.
"Oo" sagot niya
"Pero paano napunta sa akin to?!" tanong ko uli.
"Yun ang di ko alam, eh kung tinatanong mo siya!" pagtataray niya.
"Oo nga pala!! Bakit kayo magkasama ni Paul? at tsaka sabi mo susunod ka nung oras na yun? Paano ka nakarating sa kubong yun kasama si Paul??!!....." malakas at sunod sunod niyang tanong kaya tinakpan ko agad yung bibig niya at nag sign ako sa kanyang tumahimik. Sumilip naman ako ng konti sa puwesto ni Paul, mabuti at tulog siya.
"Ohh! Ano?!" sabi ni Kim. Ayaw kong kong magsinungaling sa kanya kaya sinabi ko ung totoo.
"A-ang totoo kasi, sinundan ko talaga si Paul nun kasi gusto kong malaman kong saan siya pupunta para isumbong kay ma'am Grace. Pero nakita niya ako, pinaalis niya ako tapos nung umalis ako, biglang lumakas yung ulan, eh medyo malayo pa ang kwarto natin kaya dumiretso ako sa kubo. Kaya ayun" paliwanag ko sabay yuko.
"Haaaay.. Dahil yun lang ba talaga?" tanong niya.
"Oo, promise yun lang yun" sabi ko.
"So-sorry kasi pakiramdam ko mas pinili ko si Paul kaysa sa inyo." payuko kong sabi.
"Tsss.. okay lang yun. Basta huwag mo ng uulitin yun haa.. Mabuti nga at hindi ka iniwan ni Paul dun, diba galit siya sayo? Ayy!!! baka nilagay niya yung jacket at kumot sayo nung nilalagnat ka na. Ayiieeeee!!"
"Hoy, huwag ka ngang maingay!" pag awat ko sa kanya. Ayan na naman siya.
"Hahahaha.. biro lang. Pero seryoso nga, pasalamat ka sa kanya, kasi nung nakita namin kayo sa kubo, hawak hawak niya yung mukha tapos nag aalala yung mukha parang di niya alam yung gagawin niya" paliwanag niya, parang di naman kapakapaniwala yung sinabu niya.
"Di nga? pini play time mo lang ako Kim eh" sabi ko sabay tingin sa may bintana.
"Hala! Ayaw maniwala! Oo nga! Siya pa nga nagbuhat sayo papuntang kwarto natin eh" napatingin ako agad sa sinabi niya. Di ko alam kong papaniwalaan ko yung sinabi niya.
"Se-seryoso?" paninigurado ko.
"Oo" seryoso niyang sagot. OMG seryoso nga siya! Waaaah... grabe!! bakit niya ginawa yun!!!
--------
Araw ng linggo ngayon, dadalawin ko si Sherwin isasama ko si Kim pero hindi ko muna sasabihin.
"Kim" tawag ko sa kanya habang naghuhugas siya ng pinggan.
"oh?" -Kim
"Sumama ka sa akin mamaya may pupuntahan tayo" -ako.
BINABASA MO ANG
My Poor Girl
Teen FictionWhat if a poor girl meet a rich boy? Magbabago kaya ang lahat kapag nagkakilala sila? ABANGAN :)