Chapter 36

120 6 0
                                    

Tanya's P.O.V

Oras na ng trabaho ngayon pero wala pa rin si Sir Ralph, hindi ko pa siya nakikita simula nung namatay su Sherwin. Bigla ko namang nakasalubong si sir David.

"Sir! Nasaan po si sir Ralph?" tanong ko sa kanya. Tumingin naman siya ng masama sa akin, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa.

"Wala pa. Bakit?!" mataray na sabi niya sa akin.

"Wa-wala po" sabi ko nalang kasi natakot ako eh. Narinig kong bumukas yung pinto, kaya napatingin ako agad.

At tama nga ang kutob ko na siya yun.

Dumaan siya sa harapan ko habang ako nakatingin sa kanya.

"Good Morning sir Ralph!" bati ko. Napahinto siya, nakatingin lang siya sa akin na walang reaksyon ang mukha niya. Huminto lang siya ng saglit at pumasok na siya ng office ng hindi ako pinansin. Napatingin naman ulit si sir David sa tabi ko at ginaya niya ang ginawa ni sir Ralph.

Bakit parang nagiba ang turing niya sa akin ngayon? May nagawa ba akong mali na ikinagalit niya?! Kung meron, anoooooo!!!???

"Nakita ko yun. Hala Tanya! Lagot ka! Anong ginawa mo kay sir Ralph ha? tsk tsk!!" bigla namang bulong sa akin ni Kim.

Hindi naman na ako sumagot kasi natakot din ako. Wala naman akong matandaan na kasalanan sa kanya.

---

Magsasara na kami at mag aayos na kami ng mga upuan.

"Tanya!" tawag sa akin ni sir David.

"Bakit po sir?" ako.

"Maiwan ka daw sabi ni sir Ralph" sir David.

Napatigil naman ako sa sinabi niya, ba-bakit ako lang?!

"A-ako??" pautal kong tanong.

"Ofcourse sino pa bang Tanya dito? Well good luck, uwi na ako" sabi ni sir David sabay labas.

Hala! Bakit??!! Ano bang ginawa ko??

Inayos ko muna yung mga upuan para naman nakita ni sir Ralph na may ginagawa ako.

"Tanya!"

Napatigil ako sa pag ayos ng upuan ng tinawag ako ni sir Ralph sa likod ko, ramdam kong malapit lang siya sakin. Dahan dahan naman akong humarap sa kanya.

"Bakit po sir?"

Hindi siya sumagot at bigla niya akong NIYAKAP!!??

Ang bilis.. sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Di ako makagalaw. Di ko alam anong gagawin ko!

"Sir Ralph?"

"Can we stay like this.. just for a moment. Please" 

Wala akong nagawa. Ang tahimik ng paligid. Feeling ko nga para na akong bato dito na di makagalaw. Ramdam ko din ang mabilis na pagtibok ng puso niya. Pero bakit?? Bakit niya ginawa to?

"Tanya, I dont know why....

Why I like you"

Tama ba tong narinig ko?? Gusto kong sampalin yung sarili ko pero di ko magawa. Di ako nakapag salita.

My Poor GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon