Chapter 26

225 6 5
                                    

Tanya's P.O.V

Oras na naman ng trabaho ngayon, walang masyadong costumer ngayon kaya medyo wala rin kaming ginagawa. Nagkwekwentuhan lang kami dito sa may cashier place.

"Tanya?" napalingon ako sa tumawag sa akin at nanlaki ang mga mata ko sa nakita ko.

"D-Dianna?!" gulat kong sabi.

"Hi" nakangiti niyang sabi. Lumapit ako sa kanya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Don't you remember, I already told na pupunta ako dito?" bigla kong naalala yung usapan namin kanina sa library.

"Ahhh.. b-bawal kasi kaming makipag kwentuhan sa ibang costumer ehh." nahihiya kong sabi.

"Don't worry na excuse na kita sa boss mo" nagulat ako sa sinabi niya. Nakita ko si sir Dave sa likod ni Dianna at tumango siya sa akin pahiwatig na pumayag siya.

"So let's go sit na" sabi ni Dianna at pumwesto sa isang table tsaka ako sumunod. Magkatapat kami ngayon.

"Waitper?" tawag ni Dianna.

"Ako na, ano bang gusto mo?" pag harang ko.

"No! Your excuse kaya just sit there nalang" di na ako nakipagtalo at sinunuod ang utos niya, napayuko nalang ako.

"Tanya, anong gusto mo?" tanong niya.

"Parehas nalang ng iyo" nahihiya kong sabi kahit hindi ko alam kung ano ang inorder niya.

"I have a suprise for you!" tuwang sabi ni Dianna kaya napatingin ako sa kanya.

"Ano yun?" tanong ko.

"Tadaaa!!" sabi niya sabay labas ng maliit na paper bag.

"Ano yan? tanong ko.

"Look, buksan mo" sabay abot nito.

"Binuksan ko yung paper bag, may box sa loob nito kaya kinuha ko. Nagulat ako sa nakita ko.

"D-Dianna!? Sa akin ba to?" gulat na gulat kong tanong sa kanya.

"Yup. Regalo ko na yan para sa birthday mo. Open it" nakangiti niyang sabi. Binuksan ko yung box na may lamang cellphone. Medyo malaki ito, samsung, kompleto ito may charger,headset, at case na may parang bintana sa unahan. Sobrang ganda, ngayon lang ako nakahawak ng ganitong cellphone. Pero parang hindi ko matatanggap to, nakakahiya, hindi pa ako masyadong kilala ni Dianna pero binigyan na niya agad ako ng ganitong kagandang cellphone.

"Is there any problem? May sira ba? Papalitan ko" sabi niya.

"Hindi, walang sira. Pero Dianna hindi ko matatanggap to, alam kong sobrang mahal niyan nakakahiya, wala akong maipangbabayad sayo" malungkot kong sabi sabay urong ng cellphone sa harap niya.

"Tanya, you don't need to pay, maliit na bagay lang yan sa akin." sabi ni Dianna.

"Pero--" hindi ko na natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang nagsalita at hinawakan ang kamay ko.

"Tanya, alam kong hindi pa kita masyadong kilala pero.... pero sobrang gaan ng loob ko sayo, parang.... parang matagal na kitang kilala. Kaya please accept it." pagmamaka awa niya. Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya at nagisip ng ilang segundo kung tatanggapin ko ito o hindi, pero nabili na niya to eh wala na akong magagawa at kung tatanggapin ko ito ay wala namang mawawala, magpasalamat nalang ako sa binigay niya.

"Sige" nakangiti kong sabi kaya biglang sumaya ang mukha ni Dianna.

"Thank you!" tuwa niyang sabi.

"Hindi, hindi dapat ikaw ang magpasalamat kundi ako. Salamat, salamat, sobrang salamat, malaking bagay ito para sa akin, iingatan ko to. Napakabuti mong tao. Salamat talaga." nakangiti kong sabi sa kanya at hinawakan ang kamay niya.

My Poor GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon