TANYA'S P.O.V
Kakauwi lang namin galing Princeton University. Ok naman yung school, nakapagtest na ako tsaka good news kasi wala na daw akong masyadong babayaran dahil nga daw dun sa scholarship ko. Si Kim pati yung kambal eh nagtest na rin, mukhang nagustuhan din nila yung school. Pagkatapos din namin magtest tinour kmi sa school, sobrang laki at ang ganda kompleto lahat.
Pahinga muna kami sa kwarto namin tsaka ng usap usap kaming apat dito.
"Guysss.. hindi talaga ako maka move on sa school ang ganda eh, excited na akong pumasok dun." tuwang tuwa na sabi ni Maya.
"Oo nga ang ganda nga eh. " sambit ko naman habang nakangiti. Biglang natahimik pero binasag to ni Mia.
"Ahmm.. nakapag boyfriend na ba kayo?" tanong ni Mia. Nagulat naman ako sa tanong niya, ako hindi pa pero si Kim ngkaroon na.
"Ako, buong buhay ko hindi ko inisip yang ganyang bagay na yan." sagot ko.
"As in never?!" sabay na tanong nung kambal na may paglapit pa ng mukha nila sa akin.
"Oo! Hindi ko muna iniisip yan. Pagaaral kasi yung nasa isip ko, tsaka na yang boyfriend hindi naman mawawala yan eh." sagot ko.
"Ahhhh.. ok. Eh ikaw Kim?" sabi ni Maya.
"Isang beses palang ako nagkaroon ng boyfriend nung 3rd year highschool ako." nahihiya niyang sagot.
"Mga ilang months kayo?" tanong ulit ni Maya.
"Hindi kami nagtagal mga 2 months lang kami." sabi ni Kim.
"Ahhhh.." sabay na sabi nung kambal.
"Ehh kayong dalawa?" tanong ni Kim sa kambal.
"Ahmmm.. ako naka 3 boyfriends na" sabi ni Mia. Hindi na ako magtataka kas maganda nga naman siya at mukhang mabait eh.
"5 ako" biglang sabi ni Maya. Wow lang ha.. lima dami na nun ha. Maganda nga naman talaga tong dalawang kambal na to.
"Grabe haa.." sambit ko.
"Malandi kasi yan ehh.. ang harot!" sabi naman ni Mia sabay irap.
"Tsss.. inggit ka lang!" sabay irap din ni Maya.
"Bakit naman ako maiingit sayo?! mas maganda naman ako sayo" sabi na naman ni Mia. Nagaaway na naman sila ang iingay ng bunganga nila haaaay.
"Opssss.. tama nayan." awat ni Kim.
"Sino nga palang nauna sainyo?" tanong ko.
"Ako mga 5 seconds lang" sabi naman ni Mia.
Pagkatapos namin magkwentuhan kumain na kami ng hapunan kasi gabi na rin tsaka nakaramdan na rin kami ng gutom. Dumiretso kami sa kusina at nagluto kami ng ulam namin para lang sa aming apat. Hindi pa namin masyadong close yung iba naming kasama sa bahay kasi yung iba minsan umaalis. Kumain na kami sabay sabay na apat sa kwarto namin.
"Ahmm.. meron ba kayong alam na trabaho na pwede kong pagpapasukan?" tanong ko sa kanila.
"Bakit? Magtratrabaho ka?" tanong ni Mia.
"Magtratrabaho kami" nagulat ako sa sinabi ni Kim. Pati din siya pagtratrabaho bakit hindi niya agad sinabi.
"Magtratrabaho ka din Kim?" tanong ko sakanya.
"Oo, para may pera din ako habang nagaaral."
×××××××××××××××××××××××××××
2 months later :)
Dumaan na ang maraming araw at magpapasukan na ulit. Nakapasok ako sa Princeton University swerte ko talaga kasi hindi na ako masyadong nagbayad pati uniform libre na. May nakuha narin akong trabaho, matagal nadin nung bakasyon pa yun ang pinagkakaabalahan ko.Yung trabaho ko pala ay taga serve sa isang coffee shop parehas kami ng Kim, malapit lang naman sa tinitirahan namin,pang gabi ung trabaho tas yung pasok umaga.
BINABASA MO ANG
My Poor Girl
Teen FictionWhat if a poor girl meet a rich boy? Magbabago kaya ang lahat kapag nagkakilala sila? ABANGAN :)