Chapter 11

288 7 0
                                    

Tanya's P.O.V

"Nay, Tay, anong totoo?" tanong ko sakanila. Nagulat sila mama at papa ng bigla akong nagsalita.

"Tanya anong ginagawa mo jan? bkit hindi kapa natutulog?" sabi ni mama na takot na takot.

"Ma huwag mong ibahin yung usapan. Ano po yung totoong sasabihin nyo sa akin?" sabi ko.

"Anak baka naman mali ka lng dinig, may iba kaming pinaguuspan ng nanay mo dto" sabi naman  ni papa.

"Tay, huwag nga kayong magsinungaling sa akin. Nung nakaraang gabi narinig ko rin kayong naguusap ni mama, ano yung sasabihin nyo sa akin na totoo!" paiyak na sabi ko sa kanila.

"Anak huminahon ka, wala yun, wala na kami dapat pang sabihing totoo sayo" natatarantang sabi ni mama.

"Kung wala, ano yung narinig ko kanina sa mga chismosang........ hindi niyo daw akong tunay na anak?!" umiiyak na tanong ko sa kanila.

Rosa's P.O.V

"Anak, huwag kang maniniwala sa kanila mga chismosa lang yun hindi yun totoo" pagtatangi ko sa kanya. Kinakabahan ako ngayon, ngayon ko na ba sasabihin sa kanya ang totoo? perohindi pa ako handa.

"Nay, paano nila sasabihin yun kung hindi naman totoo ha??!" sabi ni Tanya.

"Rosa, sabihin mo na kay Tanya ang totoo" bulong ni Fred sa akin sa likod habang hawak hawak ang balikat ko.

"Nay!! Totoo bang hindi nyo ako tunay na anak!!??" sigaw ni Tanya habang umiiyak. Hindi ko na alam ang gagawin ko ngayon kaya iniyak ko lang.

"Nay Tay!! Ano ba talaga???!!!!" sigaw niya muli sa amin.

"Oo Tanya!! oo totoo yun! Hindi ka namin tunay na anak" umiiyak na sabi ko sa kanya.

Tanya's P.O.V

Parang tumigil yung mundo ko sa narinig ko, parang hindi ako makahinga, parang may tumutusok sa puso ko na kung ano. Sa buong buhay ko, hindi ko pala kilala yung totoong nag luwal sa akin, grabe sobrang sakit. Yung mga ganitong eksena ehh nababasa ko lng, pero nangyari pala sa akin.

"Hindi nyo ako tunay na anak? Nay bakit ngayon nyo lang sa akin sinabi?" tanomg ko sa kanila.

"Anak sorry, kasi baka pagsinabi ko sayo ng maaga eh baka humiwalay ka sa amin, natatakot akong mangyari yun. Sorry anak sorry" sabi ni mama sabay luhod at umiiyak sa paa ko.

Tumakbo nalang ako palabas ng bahay, hindi ko kinaya yung sakit ng naramdaman ko. Gusto kong mapagisa, hindi ko alam kung saan ako pupunta basta dumiretso nalang ako habang tumatakbo. Nakarating ako sa may tabing dagat, nakahawak ako sa tuhod ko habang iyak parin ako ng iyak. Madilim na dito, buwan nalang ang nagpapaliwanag dito, mahangin at hindi maingay. Nakaupo ako ngayon sa buhangin nakatangin sa buwan. Parang hindi ko tanggap pero iniisip ko parin sila mama at papa, hindi ko man nakilala yung tunay na nagluwal sa akin, sila naman yung nagpalaki sa akin ng maayos. Pero iniisip ko kung bakit.... bakita ako iniwan ng totoo konv mga magulang hindi ba nila ako gusto ng? and daming tanong na umiikot sa utak ko ngayon, hindi ko maiwasang maluha.

Kumuha ako ng maliit na bato sa gilid ko at binato ng sobrang lakas sa dagat na nasa tapat ko para naman mabawasan tong sakit na to.

Sherwin's P.O.V

Nakahiga ako sa maliit kong kwarto at nagiisip ng kung ano ano. Hindi ako makatulog kaya lumabas muna ako pumunta ako sa tabing dagat malapit sa bahay namin, nagdala ako ng jacket kasi ang lamig sa labas pero masarap sa pakiramdam. Habang naglalakad ako may nakita akong babae na nakaupo sa tabi ng dagat at nakaupo, natakot ako kasi madilim narin dito, mahabang buhok baka moomoo yun. Hindi ko masyadong nakilala kasi nasa malayo ako. Dahil matatapang ang mga gwapong katulad ko,  naglakas loob akong lumapit sa direkstion nya. Nang palapit ako ng palapit sa kanya parang onti onti ko na siyang nakikilala.

"Pa.. parang si Tanya!" sabi ko sa sarili ko.

Lumapit pa ako, banda sa gilod nya. Oo nga si Tanya, teka.. bakit sya nandito? may problema kaya. Lumapit ako sa kanya, tumabi ako ng upo sa kanya. Halatang umiiyak sya.

"Tanya, gabi na anong ginagawa mo dito? Dilikado na haa." tanong ko sakanya habang patago nyang pinupunasan ung mga luha nya.

"Sherwin??! Dyan ka pala?!" ngiti nyang sabi pero alam kong peke lang yun.

"Hindi kasi ako makatulog kaya naisipan kong pumunta muna dito, di ko rin inaasahang makikita kita dito" sabi ko.

"Ahh.. hmm.." ngiti nya

"May problema ba? gabi na nandito kapa? tyaka ang layo ng bahay nyo dito ah?" tanong ko ulit sa kanya.

"Ahhmmm... wala gusto ko lang sana mapag isa" sabi nya.

"Gusto mong mapagisa? ahh ehh.. alis na ako. bye" patayo na ako pero pinigilan nya ako.

"Uyyy hindi hindi biro lang.. cge ok lang umupo ka para may karamay ako" sabi nya.

"hahahaha.. biro lang din. Teka, karamay ?? may problema ka ehh, nandito ako makikinig sayo" ngiti kong sabi sa kanya.

"Ahhmmm cge na nga.." sabi nya habang nakatingin sya sa may dagat.

"Hindi ako tunay na anak ni mama at ni papa. Ampon ako" sabi niya habang paiyak na naman sya.

Hindi ako makapaniwala sa sinabi nya, nagulat ako. Kaya pala nung una napansin kong hindi sila magkamukha ng mga magulang nya.

"Talaga Tanya?? Totoo ba yang sinasabi mo?" gulat kong tanong sa kanya.

"Oo. Sherwin, ang sakit malaman yun, sobrang sakit" umiiyak na sabi nya. Kaya niyakap ko sya at pinatong yung baba ko sa ulo nya habang sya naman ay naka sandal sa dibdib ko.

"Ssshh.. Tahan na huwag ka ng umiyak ha, magiging ok din ang lahat, isipin mo nalang sila tita Rosa at tito Fred, sila yung nag alaga at nagpalakibsayo ng maayos, sila yung nagpa aral sayo kung wala sila hindi ka makakagraduate diba? kaya tahan na." sabi ko sakanya tapos hinarap sya at pinunasan ang luha nya gamit ang kamay ko.

"Huwag ka ng umiyak ha" sabi ko ulit. Tumigil naman sya sa pagiyak.

"Pero bakit ganun? bakit iniwan ako ng mga tunay kong magulang?" tanong niya sa akin.

"Tanya, madaming dahilan kung bakit ka nila iniwan, huwag mong isipin na hindi ka nila gusto o hindi ka nila mahal, baka may dahilan sila. Huwag mo nalang silang isipin haa. Nandito kaming pamilya mo" Sabi ko at niyakap ko ulit sya.

"Salamat Sherwin, sana lagi kang nanjan sa tabi ko sana hndi mo rin ako iwan" sabi nya.

Hindi ako makagalaw sa sinabi nya. Hindi ko mapigilang maluha sa sinabi nya kasi parang hindi ko kayang gawin yun.

"Oo pipilitin kong hindi ka iwan" sabi ko sa kanya habang yakap yakap padin sya. Palihim lang din akong lumuluha sa likod nya.

Mga ilang minuto rin kaming magkayakap, hanggang sa nakatulog na sya sa dibdib ko. Hindi ko na sya ginising, dahan dahan ko syang hiniga sa buhangin at binuhat na parang baby. Iniisip ko na iuwi na sya sa kanila, pero ang layo pa bahay nya kaya naisip kong dun muna sya matulog sa amin. Dinala ko sya sa maliit na kwarto ko tas hiniga sya dun at nagpasya nalang ako na sa labas matulog hindi kami kasya sa maliit kong kwarto. Naglatag nlng ako ng malaking carton sa labas at nagdala ng kumot, inaantok narin ako kaya pinikit ko na ang mga mata ko.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Waaaah.. napaiyak ako sa part na to.. swear!

I hope you like it too :)

keep reading guys.  pls vote and comment.

Follow me and I'll follow you back :) promise ;)






My Poor GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon