Huminto muna kami sa labas ng gate ng school namin. Lumuhod at tumapat sa mga kapatid ko.
"Sa susunod haa magiingat kayo, paano kung hindi lang yan ang abutin nyo? wala tayong sapat na pera pang gastos at huwag nyong pinag papa alala sila nanay at tatay ha. Mahal na mahal ko kayo tandaan nyo yan"
"Opo ate di na po ulit gagawin yun. Mahal ka rin po namin ate" sambit ni Ben.
Niyakap ko naman sila nang may pumatak ng mga luha sa mata ko.
Naglakad na kami pauwi. Nang nakarating na kami sa bahay, nandun na sila. Nagmano na kmi isa isa sa kanila.
"ohhh!! Anong nangyari sa tuhod ni Tony?" tanong ni mama na may pag aalala.
"Nay huwag na kayo mg alala, nadapa siya habang naglalaro sila. Dinala ko na po siya sa clinic namin, kaya ok na nay" paliwanag ko.
"ahh mabuti kung ganun, Tony magiingat na sa susunod ha"
"opo nay" sagoy ni Tony.
Nkatulog na ang mga kapatid ko.
Pumunta naman ako sa kusina para tulungan sila magluto.
"Nay next week na ang graduation namin, punta po kayong lahat ha?"
"Syempre naman anak, hinding hindi kami mawawala dun graduation yun ng pinakamaganda kong anak" sambit ni tatay.
Natawa naman ako sa sinabi niya.
"Tatay talaga oh lakas mangbola"
"Nay, Tay kung hindi na kaya ako magpatuloy sa college, magtratrabaho nalang ako para makatulong sainyo"
Bigla namang natigilan silang dalawa sa ginagawa nila at tumingin sa akin.
"Anak hindi pwede yun, mapapapatuloy ka sa kolehiyo, gusto namin ng tatay mo na makatapos ka sa pag aaral"
"Pero nay--" bago ko pa matapos ang sasabihin ko, biglang nagsalita si mama.
"Walang ng pero pero Tanya. Ikaw ang panganay sa pamilya kaya magtatapos ka. Pag laki ng mga kapatid mo, sayo sila aasa. Sayang ang talino mo kung di mo pagpapatuloy diba?" sabi niya habang nakangiti.
Wala na akong nagawa, oo nga pag laki ng mga kapatid ko sakin sila aasa. Kaya kailangan kong makatapos ng kolehiyo para makakuha ng magandang trabaho.
"Kumuha ka ng scholarship sa mayor natin. Matalino ka naman, siguradong makakakuha ka agad" singit naman ni tatay.
"oo nga anak... bukas pupunta tayo sa kay mayor para makakuha ka" yaya naman ni nanay.
"aahhhmm... sige po"
Kinabukasan, sabado.
"Anak... Gising na at pupunta ma tayo kay mayor"
Ang aga naman nagising ni mama, alaskwatro palang ng umaga haaaayy.. sabagay malayo pa ang byahe papunta sa opisina na mayor. Tumayo na ako, naligo at nagbihis.
"Nay halikana"
"Tara na"
Mga dalawang oras din kmi bumyahe papunta sa opisina ni mayor habang dala dala ang card ko. Nang nakarating na kami. Nasalubong namin ang mga guard nya.
"Kuya si mayor po"
"Ano pong kailangan nyo sakanila?"
"Kukuha lang po sana kami ng scholarship, ito po oh dala ko po ung card ko"
"Sige sunod po kayo"
"Mayor pag bisita ka" sabi ni kuyang guard kay mayor.
"Papasukin mo" sambit ni mayor"
"Magandang umaga po mayor"
"Magandang umaga rin"
"kukuha po sana kami ng scholarship ng anak ko kasi mg kokolehiyo na sya sa susunod na pasukan, ito po ang card nya"
Kinuha niya ang card ko at parang nabigla.
"Naku iha.. ang tataas ng mga grado mo. Matalinong bata itong anak nyo po"
"salamat po mayor"
"sige papa asikaso ko na ang scholarship mo. Pero mas maganda kung mag aaral ka--
Tinignan niya ang pangalan ko sa card
"Tanya, mas maganda kung mag aaral ka sa Maynila, maraming magagandang paaralan, madaming ding magagandang kurso dun"-------------------------------------------------
Bukas na po ang chapter 3 !
S.M kay Alexandra Miguel, chill lang po :)
keep reading :)) pls vote and comment
BINABASA MO ANG
My Poor Girl
Novela JuvenilWhat if a poor girl meet a rich boy? Magbabago kaya ang lahat kapag nagkakilala sila? ABANGAN :)