Tanya's P.O.V
Trabaho na naman ngayon, linis dito linis doon, serve dito serve doon. Ngayon nga daw kasi dadating yung boss talaga namin, kaya todo linis kami ngayon.
"Guys! Nanjan na si boss, umayos kayo ng tama ha!" sabi ng isa pa naming boss habang papalabas siya at tumango nalang kaming lahat. Bumukas na yung pinto ng shop namin.
"Good Evening sir. Welcome po ulit" bati ng isang boss namin habang nakangiti. Patuloy lang sa paglalakad yung boss namin.
"Good Evening sir" sabay sabay naming bati. May itsura din siya, chinito, matangkad maputi at may katamtamang hugis ng katawan. Mag dala siyang bag parang galing siya ng ibang bansa.
Tumingin siya sa paligid ng shop at napangiti.
"David, mukhang maayos talaga ang pag takbo mo sa business ko. I'm so happy for you." sabi niya kay sir David sabay hakbay sa kanya. Patuloy lang kami sa pag lilinis at pagseserve kasi padagdag ng padagdag ung mga tao. Nagkwekwentuhan naman ung dalawang boss namin mukhang matagal na silang magkakilala.
"By the way David, I want to meet all the workers here since na 2 years akong wala dito and mukhang mga bago na yung mga tratrabaho dito." rinig kong sabi ng boss namin kay Sir David kasi naglilinis ako malapit sa table nila.
"Ahh.. okay sir. Tara" tumayo naman yung dalawa at lumapit sa amin. Kaya medyo lumapit na ako.
"Guys, meet Sir Ralph Mendez the owner of this coffee shop." pakilala ni sir David sa kanya. So Ralph pala yung pangalan niya.
"Hi sa inyo" nakangiting sabi ni sir Ralph sa amin. Mukha siyang mabait at ang gwapo niya kapag ngumingiti.
"Ang gwapo niya noh!" kinikilig na bulong sa akin ni Kim. Napangiti nalang ako sa sinabi niya.
"Mag pakilala na kayo isa isa" sabi ni sir David sa amin. Lumapit namin si sir Ralph isa isa sa amin nauna yung nasa kabilang dulo kaya huli ako kasi nasa dulo ako katabi si Kim.
"Hi sir, I'm Kim" bati ni Kim kay sir Ralph at nakipag kamay, halata naman yung pagkakilig niya, ngumiti naman si sir Ralph. Ako na ang susunod.
"Hi sir, I'm Tanya" ngiti kong sabi at napatingin sa mukha niya kasi ngayon ko lng naramdaman na may parang kamukha siya pero di ko alam kung sino. Nakipag kamay din ako sa kanya, pero bakit ang tagal niyang bumitaw sa kamay ko? Ilang segundo din bago niya bitawan ung kamay ko.
"Nice to meet you all" sabi niya at tumingin sa akin tsaka ngumiti. Haaa! Bakit siya tumingin sa akin at ngumiti ng nakakaloka. Baka hindi niya ako gusto, baka tanggalin niya ako sa trabaho. Waaaaaah!! Huwag naman.
-------
Papunta na kaming school, medyo malapit na kami.
"Uuy, paunahan tayo!" yaya ni maya na parang bata.
"Sige sige" sabay naming sabi na para ding mga bata. Pantay pantay kami bago tumakbo para walang duyaan, naalala ko nung nasa elementary kami ganito din yung ginagawa namin bago pumasok.
"1, 2, 3 GO!" bilang ni Mia. Tumakbo ako ng mabilis pero nabigo ako, mas mabilis pa palang tumakbo yung tatlo kaysa sa akin pero tinuloy ko parin yung takbo ko hanggang sa makapasok na ako ng school, pagdating ko wala na sila mukhang naka akyat na.
"Ang bilis naman nila" hingal na hingal kong sabi. habang papa akyat.
"TANYA!!" narinig kong may sumigaw ng pangalan ko kaya tumigil ako at lumingon sa sumigaw. Nakita ko yung mukha ni Paul na papalapit sa akin at mukhang galit. Lumingon ulit ako sa takot baka malaman niya yung nangyari kahapon. Kaya tumakbo nalang ako para di niya ako mahabol pero nung lumingon ako nakita kong malapit na siya, kaya tumakbo pa ako paakyat.
BINABASA MO ANG
My Poor Girl
Teen FictionWhat if a poor girl meet a rich boy? Magbabago kaya ang lahat kapag nagkakilala sila? ABANGAN :)