Tanya's P.O.V
Nagising ako ng biglang sakit yung ulo ko. Umupo ako at tumingunsa paligid.
"Nandito na ako sa kwarto?!" takang sabi ko. Paano agad ako nakarating dito parang...... parang nasa tabi lang ako ni Sherwin ha, bigla naman akong nalungkot. Naisip ko na naman siya.
Tumingin ako sa orasan, Jusme!!! Malelate na ako! Tumingin ako sa mga kama ng kasama ko dito pero wala na sila, Aiissh! Bakit di nila ako ginising. Dali dali na akong naligo, nagbihis, di na nga ako masyadong nakapagsuklay tsaka tumakbo papalabas.
Nasa school na ako at tumatakbo na papuntang room. Pagdating ko ng room tumingin ako sa paligid, wala pang teacher, hingal na hingal akong nag walling sa pinto kasi napagod talaga ako.
"Hoooy Tanya!! Anong ginagawa mo jan?!" sabi ni Gray yung kaklase ko tapos nagtawan yung mga barkada niya. Umayos ako ng tayo tsaka pumunta sa upuan ko.
"Tanya? Bakit ka nandito?" tanong ni Kim.
"Bakit bawal na ba ako sa school na to?! Kaya hindi niyo ako ginising kanina?!" natataranta kong tanong.
"Sira! Akala namin di na ka na papasok" sabi ni Maya.
"Bakit naman di ako papasok?" tanong ko.
"Teh, Alasdose kana nakauwi kagabi!" diin na sabi ni Mia. Ano daw? alasdose na ako naka uwi? Pero paano?
"Si sir Ralph ang naghatid sayo kagabi pauwi, tulog na tulog ka!" sabi ni Kim.
"ANO!!!?" napasigaw ako ng sabi dahil sa gulat. Bigla namang tumingin yung mga kaklase ko sa akin.
"Ahmm.. sorry" payuko kong sabi tsaka na sila bumalik sa magdadaldalan nila. Bumalik ulit ako kay Kim.
"Ano?" sabi ko ma mahina.
"Oo si sir Ralph naghatid sayo kagabi, buhat buhat kapa nga eh!" sabi naman niya. Nanlaki ang mga mata ko sa narinig at namumula na naman ako. Waaaah! Baka wala na akong trabahong papasukan mamaya at tsaka sobrang nakakahiya kay sir Ralph, hinatid pa niya ko sa bahay ng ganung oras. Aish!! Pero teka paano niya nalaman bahay ko.
"Pero, pa-paano niya nalaman kung saan ako nakatira?" tanong ko.
"Tinanong pa daw niya kay sir Dave yung information mo" napanganga nalang ako at pinatong umg ulo ko sa lamesa habang sinasambunutan ko yung sarili ko. Ano ba tong ginagawa ko, kahihiyan!!!
--------
Breaktime na, nakaramdama ako ng gutom kaya sumabay na ako kanila Kim pati sa kambal na kumain sa canteen. Bumili ako ng kanin para di na ako kakain mamaya, nakaupo na kami nila Kim at nung kambal.
"ALIS!!" sigaw niya ng sinipa niya yung lamesa na pinagkakainan namin sa harap namin.
"Bastos ka ba?! Nakita mong kumakain kami diba?!" sigaw ko din sa kanya, ayaw ko sa lahat ung iniistorbo ako habang kumakain.
"I don't care. Sabing alis eh!" sigaw na naman niya. Tumayo ako at tumingin ng masama sa kanya.
"At bakit naman kami aalis dito?" pagmamatigas kong tanong.
"Pwesto namin to! So just leave!" sigaw ulit niya. Ganyan ba siya makipag usap? kailangan sumisigaw?
"Wait lang ha, i-checheck ko lang kumg may pangalan mo dito" sbi ko at nilibot ko naman ng mata ko ung lamesa kung may pangalan niya pero wala.
"Ehh wala naman akong nabasang PAUL JAVIER dito sa lamesang to eh, kaya wala kang karapatan na paalisin kami dito!" sabi ko ng nanggigigil.
"So hindi ka talaga aalis?!" makikita mo talaga sa mukha niya ang galit pero di ko pinansim yun.
BINABASA MO ANG
My Poor Girl
Ficção AdolescenteWhat if a poor girl meet a rich boy? Magbabago kaya ang lahat kapag nagkakilala sila? ABANGAN :)