Tanya's P.O.V
Huling araw na namin ngayon dito sa Baguio, yung pangalawang araw kasi namin ay puro activities kaya sobrang napagod kami kahapon kaya rin ngayong huling araw ay wala kaming gagawin at sulitin na ang pagpasyal dito kasi mamayang 11 ng gabi kami aalis.
Umaga palang ngayon kaya inayos muna namin ang mga gamit namin, naglaba kami syempre may washing dito na may dryer kasi alam naman nating halos lahat ng estudyante dito ay hindi marunong maglaba. Naglinis din kami ng buong kwarto namin kasi sabi ni ma'am di kami makaka alis dito hannga't hindi malinis ang pinagtirahan namin.
Inabot kami ng 2pm sa paglililinis at pag aayos ng kwarto namin at isang oras na pahinga tsaka kami naglinis ng katawan at ng bihis para gumala ulit dito sa Baguio. Pumunta kami sa mga lugar na di pa namin napupuntahan. Syempre todo picture dito, picture doon kami.
"Guys nagresearch ako ng magandang place dito sa Baguio" sabi ni Mia.
"Ano?" tanong ko.
"Sa Tree Top Adventure!" excited na sabi ni Mia sa amin. Mukhang nakaka excite nga pangalan palang ng lugar eh, Adventure.
——
Nakarating na kami sa Tree Top Adventure dito sa Baguio. Sobrang nagulat ako sa ganda ng lugar nito mukhang exciting talaga.
"Anong ginagawa dito?" tanong ni k
Kim kay Maya.
"Dito ka pwedeng mag ziplines at iba't ibang klaseng ziplines. Let's try na the Canopy Ride" wow zipline ba kamo?? Gustong gusto kong subukan yan kasi mukhang nakaka excite at para kang lumilipad.
"Oh??!! talaga!!? Halika tara!" tuwang tuwa kong sabi.
"Pero takot ako sa matataas" sabi naman ni Kim.
"Ako bahala, nandito kami oh" nakangiti kong sabi sa kanya tsaka sya tumango.
"Ok! Tara! Try natin ang Canopy Ride, Superman and Tree Drop" sabi ni Maya.
Sinubukan nga namin, una ang Canopy Ride, tatawid ka sa taas habang naka upo ka cable chair at magtratransfer ka sa one tower to another. First time kong sumakay sa ganito, una kinakabahan pero pag nasa gitna kana eh hindi na nakaka enjoy na. Pangalawa ang Superman, at dahil superman nga naka dapa ka habang tumatawid din sa taas, nakakalula talaga pag tumingin ka sa baba, nakakatakot kasi nakadapa ka. Pangatlo ang Tree Drop, ito ang nakakatakot sobra kasi mang gagaling ka sa taas na may tali sa likod at tatalon ka hanggang baba, grabe talaga, at yung dalawang kambal pati si Kim umiiyak na sa takot, ako naman eh sobrang nag enjoy lang.
At syempre pagkatapos nun eh kumain muna kami, sobrang napagod kami sa ginawa namin talaga.
"Grabe talaga! Hanggang ngayon nanginginig pa rin ako sa takot!" sabi ni Mia.
"Nung una akala ko katapusan ko na lalo na nung Tree Drop! OMG!! Ayoko na!" sabi naman ni Maya. Napatingin naman kaming lahat kay Kim pero tulala lang ito at walang imik, mukhang sobra siyang natakot.
"Hoy Kim! Ano na? Ayos ka lang?" sigaw ni Maya kay Kim.
"Mukha ka ng sinapian jan ha!" sabi ko. Umiling lang sya ng paulit ulit habang diretso pa din ang tingin.
"A.. A.. Ayoko na! Hinding hindi na talaga ako uulit ng ganun! hinding hindi!" sabi ni Kim habang umiiling padin at nakadiretso ang tingin.
"Grabe ganyan pala siya kapag natatakot noh?" pabulong na sabi ni Mia. Tumawa lang ako at tumango.
—-
Pauwi na kami kasi mag gagabi, 5 na at kailangan na naming magpahinga. Habang naglalakad kami, nakita ko si Paul sa malayo na naglalakad, papunta siya sa mga maraming puno. Anong gagawin niya dun, gusto kong malaman kong saan siya pupunta para lagot siya kay ma'am Grace.
BINABASA MO ANG
My Poor Girl
Teen FictionWhat if a poor girl meet a rich boy? Magbabago kaya ang lahat kapag nagkakilala sila? ABANGAN :)