Tanya's P.O.V
Oras na ng trabaho ko ngayon, maraming costumer at nakakapagod din kasi bukod sa ng seserve ako, nag lilinis din ako ng mg table dito.
"Guys pinapatawag daw tayo ni boss" sabi sa amin nung cashier dito. Kaya diretso kami sa loob.
"Okay, dadating bukas yung may ari ng coffee shop na to kaya umayos kayo sa pagtratrabaho tsaka dapat malinis ang buong paligid. Naiintindihan ba?" sabi ng boss namin.
"Yes boss" sabay naming sabi.
"Sino kaya ung may ari nito?" bulong na tanong sa akin ni Kim habang papalabas kami.
"Di ko alam" mahina kong sagot tsaka na kami bumalik sa trabaho namin.
************************
Kakarating lang namin sa school ng makita ko si Paul na may hawak na bulaklak at parang may hinihintay sa labas ng ibang room.
"Sino naman kayang hinihintay niya?" tanong ni Mia sa likod ko. Pinagmamasdan lang namin kung anong mangyayari.
"Baka girlfriend niya" sabi ni Maya.
Nang may lumabas na babae sa room biglang hinarangan ni Paul yung babae at inabot yung bulaklak na hawak niya pero tinitigan lang siya nung babae. Nagsasalita si Paul pero hindi ko marinig kasi nasa malayo ako.
"Tanya, mauna na kami sa room ha ang init na eh" sabi ni Maya.
"Tsaka may tatapusin pa kami ni Kim eh" sabi naman ni Maya at tumango nalang ako sa kanila kaya nauna na sila sa room. Nakatingin parin ako sa ginagawa ni Paul sa babae, pero ngayon niyakap na niya yung babae at ngpupumiglas ung babae parang ayaw niya sa ginagawa ni Paul. May biglang sumuntok kay Paul na isang lalaki na ikinagulat nung mga estudyante sa paligid, napa upo sa sahig si Paul pero hindi nagpahuli si Paul at sinuntok niya rin yung lalaki, sumuntok din yung lalaki ng dalawang beses, umawat yung babaeng niyakap ni Paul sa dalawang nag aaway. Dinuro duro siya nung lalaking sumuntok sa kanya tapos hinila niya yung babae. Bakit ganun? Kung girlfriend niya yun bakit ganun? ang gulo!
Maraming nakatingin kay Paul ngayon habang naka upo padin siya. Nagulat kami ng bigla siyang sumigaw.
"UMALIS KAYO!!" sigaw niya, habit talag niya siguro yung sumigaw. Natakot yung mga estudyante sa pagsigaw niya kaya biglang nawala yung mga tao sa hallway at siya yung natira pero hindi pa rin siya tumatayo. Nung papalakad na ako bigla siyang tumayo, pero parang siyang lasing hindi siya makatayo ng maayos, nung matutumba siya bigla akong lumapit hindi ko na kasi alam yung gagawin ko mukhang malakas talaga yung pagkakasuntok nung lalaki sa kanya. Inalalayan ko siyang tumayo at kita ko sa mukha niya ang mga pasa at dumudugo na labi at ilong, hindi ko alam kung bakit ko to ginagawa sa lalaking to.
"Ano buhay kapa?" tanong ko sa kanya.
"Bitawan mo ako!" sigaw niya tsaka sa nagpumiglas sa akin at napahawak siya sa ding ding.
"Nasuntok kana! Pero ganyan ka parin! Tinutulungan na nga kita!" sabi ko sa kanya na may pagkainis na boses. Mali nga siguro na tulungan tong taong to.
"Sino bang may sabing tulungan mo ako?! at magkakilala ba tayo?" lalo akong nainis sa sinabi nya. Ako na ngang nagmamalasakit sa kanya tapos yan ang sasabihin niya!
Huminga ako ng malalim at umalis na sa kitatayuan ko, habang naglalakad akong papuntang room narinig kong bumagsak si Paul sa sahig kaya bigla akong napalingon, tumingin tingin ako sa paligid pero wala akong nakitang tao, nagdadalawang isip akong lumapit sa kanya kaso naisip ko yung sinabi niya kanina hindi kami magkakilala. Tumalikod ako sa kanya at naghintay na may taong dumating para tulungan siya pero nung lumingon ako sa kanya nandun parin siya sa sahig. Hindi ko napigilan yung sarili kong lumapit.
BINABASA MO ANG
My Poor Girl
Roman pour AdolescentsWhat if a poor girl meet a rich boy? Magbabago kaya ang lahat kapag nagkakilala sila? ABANGAN :)