Tanya's P.O.V
Pumunta ako sa may mic at sinimulan ng magsalita.
"Aaaahhhmm... Tayo'y naririto upang ipagdiwang ang mga alaala na nagmumula sa hiyaw ng mga batang nakalabas mula sa isang madilim na kulungan. Sila'y maglalakad, tila matutuklasan ang katotohanan sa isang halaman na gumapang sa hangin. Tayo'y nasa isang bolang hindi tumitigil sa pag-ikot sa kalsadang puno ng pangamba at takot. Aakyat sa hagdanan, bako-bako, nahulog ang lahat! Sisikat ang araw, mga damo'y matutuyo. Sasapit ang dilim, mga damo'y muling tutubo. Bubukas ang bibig, maglalabasa'y utak at puso. Alalahanin mo, hindi pa ito huli ngunit ito lamang ang simula sa pagmulat sa katotohanang nagmula sa kislap ng mga bitwin.
Ang buhay nati'y natutulad sa isang kahon ng mga tsokolate, hindi natin alam kung ano ang ating makukuha. Matapos man ang ating pag-aaral, wala itong kasiguraduhang tayo'y magtatagumpay. Huwag tayo'y "pumetiks", sabi ng ating mga guro. Isang panibagong susi ang ibibigay sa atin upang tuklasin ang panibagong hinaharap. Inaalala ko ang pagkakaroon ng buhay ng isang mag-aaral; nagtatawanan, nagkukulitan, "naglalandian", at minsan pa'y nagkokopyahan. Masama man o mabuti, ito'y parte na ng ating buhay at masasbi kong parte na rin ng aking alaala.
Bilang isang "Valedictorian", hindi ko magagawa ang lahat ng ito kung hindi laman sa aking pamilya, mga kaibigan, at ang Diyos. Sila'y humubog sa akin upang maabot ang ganitong parangal. Nalalapit na ang aking munting paalam. Hindi biro ang pag-aaral, nangangailangan ito ng paninindigan at tiyaga. Ako'y magtatanto sa kasabihang "Hindi magiging matatag ang isang puno kung hindi mo ito aalagaan ng mabuti". Maraming salamat po, Goodluck sainyo and Godbless."
Pagkatapos kong magsalita, malakas na palakpakan ang narinig ko sa kanilang lahat. Bumaba na ako ng stage, pagkababa ko may naririnig akong mga nanay na nagbubulungan pero rinig na rinig naman, habang bumababa ako narinig ko yung isang nanay,
Nanay 1: "Ang alam ko hindi totoong anak ni Rosa yan ehh"
Nanay 2: "Oo, ang alam ko din ampon yang Tanyang yan"
Nanay 3: "Ito ang pagkaka alam ko na nakuha lang daw ni Rosa sa tabi tabi yang si Tanya"
Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang mga salitang yun. Dumiretso nalang ako dun at hindi sila pinansin, sila kasi ung numero unong mga chismosa dto sa lugar namin. Pero hndi ko parin maiwasan ang magisip kasi nung nakaraang gabi nung galing kami kay mayor narinig ko rin si mama at papa na naguusap na may sasabihin silang totoo sa akin. Kinakabahan ako baka totoo yung mga sinasabi nila.
"Tanya!! Congaratulations!!" nagulat ako ng sumigaw si Sherwin at niyakap ako.
"Ah.. ahh. ahmm.. sa-salamat" sabi kong matamlay.
"May problema ba anak?" tanong ni mama.
"Wala po, sandali lang po mag c-cr lang ako" paalam ko sa kanila. Pumunta ako ng CR, tumingin ako sa may salamin.
"Hindi ba nila ako tunay na anak?" tanong ko sa sarili ko habang nakatitig sa salamin. Halos maiyak na ako sa kakaisip. Sinusubukan kong huwag nalang pansinin pero hindi ko kaya. Bumalik nalang ako sa upuan ko at saktong nagsalita ang principal namin.
"At ngayon I will announce all of you GRADUATES!!" sabi ng principal at sabay sabay kaming naghagisan ng mga sombrero. Pagkatapos nun syempre hindi mawawala ang mga pictures, konti lang sa amin ang merong mga cellphone dto, kaya yung iba nagsiuwian na. May dalawa namang photographer na kinuha ang school namin para sa class picture. Nauna kaming magpapicture. Katabi ko yung advicer namin pati yung principal nasa gitna kami. Una at pangalawang kuha eh normal lang, yung sunod wacky, ako na naka korean post tapos nakadila.
Pagkatapos nun nagsiyakapan na kaming lahat yung iba umiiyak kasi matagal din kaming nagsama sama, maraming nabuong kulitan at saya sa amin. Ako tumutulo yung luha habang niyayakap sila isa isa, syempre hndi maiiwasan yun. Huli kong niyakap si Kim matagal bago kami nakawala sa yakap, sya kasi ang pinaka close sa mga kaklase ko.
BINABASA MO ANG
My Poor Girl
Teen FictionWhat if a poor girl meet a rich boy? Magbabago kaya ang lahat kapag nagkakilala sila? ABANGAN :)