Chapter 5 - Minus One

440 12 2
                                    

Jore's Note!

It's back! Nagpalit na rin ako ng name ng mga bida guys! Mwehehe!

Ziexa's PoV

Pagkatapos ng pangyayaring 'yun ay naghanda na kami para matulog.

Syempre, nakahiwalay ang mga boys sa girls pati na rin 'yung limang girls. Para respect ba!

So ayun na nga. Natulog na kami. 'Wag nga kayong ano! Tutulog na talaga ako! 'Chos!

➖➖➖

Kinaumagahan. . .

Nagising ako sa lamig ng floor na hinihigaan ko or should I say namin.

"Guys, wake up na! Rise 'n shine babies!" masiglang pagbati ni Jona.

"Shut up ka d'yan mars! Wala lang matres! Duh!" pambabara ni Charlotte.

"Shush na nga mga bakla! Ang aga-aga mag-aaway as cats and dogs kayo dyan!" bulyaw ni Adrianna na kakagising lang.

Naghanda na kami at syempre, nag-almusal muna ng kung ano ang makita namin sa loon ng store na 'to. Kinain ko na lang ay tinapat, tubig, tsaka chichirya.

Syempre, nagbaon 'din ako sa bag ng de lata, chichirya, tubig, battery, at syempre importanteng gamit.

➖➖➖

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa base ng nila Josifina.

May nadadaanan kaming mga zombies at kadalasang pumapatay nun ay si Ailen.

Ang gamit naman ngayong pamhampas sa mga zombies ay 'yung mop na nakita n'ya kanina sa Janitor's room.

Medyo may katamtamang bigat iyon kaya kapag hinampas mo sa tao o zombie ay tiyak na bali kaagad ang buto neto.

Ako nama'y hawak ang arnis with blades ko.

Tinignan ko ang nasa bag ko.

May dala-dala akong mga coins. At siguraso akong magagamit ko ito in any time na kailangan namin na ipang-distract ang mga zombies.

Binilisan ko ang lakad para makahabol ako sa kanila.

Si Missy nama'y baseball bat ang hawak.

Ang iba naman namin kasamahan ay may tig-iisang baril na pistol. Kaunit lang talaga ang bala nun kasi naubos na ang nireserba nila nung pinatay nila ang mga zombies na nakapalibot sa amin noon nung nasa ilalim kami ng sasakyan.

Kaya last na bag na lang ang natira at tig-iisa-isa pa sila.

"Guys, dadaan tayo doon sa gubat. Kasi diyan sa unahang 'yan ay tiyak na may zombies dahil kahapon lang ay may nakita kaming sasakyan diyan na sumabog. Tiyak na gumawa ito ng maingay na tunog at sigurado rin kaming narinig iyon ng zombies kaya, liliko tayo." sabi ni Josifina.

Tumango lang kaming tatlo at pati sila Jona ay tumango rin sa pagsang-ayon sa sinabi ni Josifina.

Lumiko kami ng daan, at tinungo ang gubat. Tiyak na katamtamang madilim doon at no choice kami kundi ang dumaan doon sa gubat.

"Guys! Look!" bulong ni Missy. May tinuro s'yang direksyon.

At sa direksyon na iyon ay may nakita kaming kumpulan ng zombies. Syet! We're in trouble.

Nagsign naman ako ng shush sa lahat.

Bakit ang bilis makasense ni Missy ng trahedya? Kahapon sa sasakyan, tapos ngayon sa kumpulan ng zombies!?

Agad naman kaming lumapit doon at inisa-isa ang mga zombies.

Marami sila. Higit sa sampu.

Ako naman ay umiiwas at pinaghahati ang ulo nila.

Zombious EraTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon