—Third Person's PoV—
Buong hapon ay nag-linis at nagpahinga ang lahat. At kumain na sila ng niluto ni Zia. Tinirahan naman nila ng pagkain sila Zia at nahihiya naman sila sapagkat si Zia na nga ang nagluto tapos sya pa ang hindi makakain.
Maya-maya nama'y bumaba na sila at kumain. Inalalayan ni Zia si Tara para kumain bago pinainom ng gamot.
Pagkatapos nilang kumain ay nagreprisinta na maghugas ng pinggan si Mint At Ford.
Natulog naman ang mga bata buong maghapon sa dinugtong na sofa. At ang iba naman ay umupo rito. Sinaraduhan na nila ang mga bintana. Tinabunan na rin nila ito ng kurtina. Delikado na't mayroon pa ring zombies sa labas at tiyak na sukubin sila kapag sila ay naamoy ng mga ito.
Nang makatulog ang mga bata, nag-ayos naman ng mga gamit ang iba pa nilang kasamahan.
Inayos ni Mint ang mga paintings.
Si Missy at Mairal ay nagsimulang maghanap ng walis at dustpan.Si Jere ay humanap ng basurahan sa kusina para alisin ang mga nabasag na bubog ng vase.
Si Ailen, Mio, at Lucas ay kumuha ng basang basahana at inalis ang mga tuyong dugo.
Naghanap namn si Jona ng pantabon sa sofa.
Si Alex at Ford ay inauos ang mga kagamitan sa kusina.
Si Jouno nama'y siniguradong ligtas ang buong bahay. Nilibot din nya ang sa taas at sumilip sa veranda kung saan kanina nakatayo si Jona. Doon nya nakita ang mga zombies na pakalat-kalat. Kaya mabilis syang bumalik sa loob, sinaraduhan ang pintuan sa veranda at tinabunan ng kulay itim na kurtina.
Si Zia, at Tex ang nagbabantay kay Tara na sa ngayon ay nagpapahinga pa rin.
Lahat sila ay may kanya-kanyang gawain. Kaya't mabilis na natapos at naiayos ang mukha ng magandang bahay.
Ang sofa ay may bago nang mukha at dinamitan ng kulay dark blue na takip. Nakahiga na rin doon ang mga bata.
Ang kurtinang kulay puti at may bahid ng dugo ay pinalitan ng bago at tulad ng nasa sofa ay dark blue rin ang pinalit dito.
"Mahilig 'yata sa dark and light colors ang nagmamay-ari ng bahay na ito." bulong ni Jona sa sarili nang makita nya ang mga tela sa stock room sa taas.
Sa kusina ay maayos na nakasalansan ang mga gamit. Ang binatan ng pintuan ay may kurtinang kulay puti, 'di tulad ng nasa sala.
Wala nang hugasan sapagkat nahugasan na nila Mint ang pinagkainan nila. Pero hinugasan pa rin nila ang mga baso na may talsik ng dugo, pati na rin ang mga plato na hindi nila nagamit kanina at baka may dugo dito.
Ang ref naman ay nilagyan na nila ng pagkain tulad ng tinapay, 'di naubos na tsisirya, tubig, prutas(mansanas at orange), at iba pa.
Sa taas naman ay ponabayaan na nila roon ang ibang frozen foods na naiwan ng nagmamay-ari ng bahay. Nilagay din nila roon ang iba pang tubig para mas mabilis itong lumamig.
Nakaayos ang mga kawali sa ilalim ng lababo.
Nakalagay naman ang mga kutsara't tinidor sa cabinet. Ang stove nama'y siniguradong walang leak at malinis.
Maya-maya nama'y bumalik si Alex sa sasakyan at kinuha pa ang ibang gamit. Doon nya nakita sa garahe si Riley. Kaya mabilis na umaksyon si Alex at pinapasok si Riley.
"Nakalimutan siguro ni Lucas si Riley." bulong nya sa sarili.
Pagpasok nila ay agad na sinalubong ni Lucas si Riley pero si Riley ay tumakbo pabalik sa garahe.

BINABASA MO ANG
Zombious Era
Science Fiction"They are here so be ready." "Don't make any noise." "Help me!" "Mom, I'm scared." Time will never stop and continues to move. Will you still waste your time if death is near? Bloody houses, bloody roads, bloody malls and bloody countries. They tho...